Pagpasok ko sa kwarto kung saan nakaupo mga kapwa ka-trabaho ko, nagniningning na balikat ni Kathryn Bernardo ang unang pumukaw sa paningin ko. Halos takbuhin ko ang distansya sa pagitan namin nang tawanan niya ang kung ano mang sinabi sakanya ni tito Ian.
"Kath, si Daniel." Rinig kong bulong ni tita Jodi kay Kathryn habang mahinang tumatawa.
Nakangiti siyang bumaling sa akin na nakatayo sa likod niya. Ako lang ba o parang nginitian din ako ng balikat niya?
Tumayo siya at sinalubong ako ng mahigpit na yakap. Kusang nag-react ang mga katawan namin sa dalawang araw na pagka-tigang ng mga katawang lupa namin. Sinuklian ko ng halik sa noo yung yakap niya, nakalimutang hindi pala date ang dahilan ng aking pagpunta.
"Bali." Nalalambing na bulong niya habang kadikit pa ng labi ko ang noo niya.
Nanggigigil kong hinigpitan ang yakap bago tuluyang hilain siya paupo sa upuan niya. Tinanguan ko nalang ang mga nandun dahil parang mas gusto kong batiin ang mga balikat ni Kathryn.
Iginalaw ko ang upuan ko palikod para komportableng maka-arteng parang si Jordan sa harap ni Kathryn.
"Na-miss kita." Pa-unang atake ko habang pasimpleng sumandal sa balikat na kanina ko pa gustong meryendahin.
"I miss you too, love." Mahina ngunit malambing na sagot ni Kathryn habang hinahaplos pabalik ang ulo ko. Yung isang ulo naman, please?
Iginalaw ko ang ilong ko patungo sa gitna ng leeg at balikat niya habang kausap niya yung isa naming kasama sa pangako.
Parang iniimbita ako ng mga balikat ni Kathryn sa isa pang appreciation party. Yung katawan at kagandahan ni Kathryn ang iappreciate ko.
"Bali." Nanghina ako nang suwayin na niya ako. Inilayo ko saglit ang ilong ko pero pinalitan ko naman ng mga kamay ko. Para akong estudyanteng nagaaral sa kung paano isulat ang mga alpabeto. Isusulat ko ang pangalan ko at balikat ni Kathryn ang papel ko.
"Anyare dyan?" Rinig kong tanong ni Sue kay Kathryn. Parang ako yata ang pinaguusapan nila dahil naibalik ko nanaman ang labi ko sa balikat ni Kathryn, bawat parte eh magaang hinahalikan.
"Ewan ko ba. Weird siya sometimes." Natatawang sagot ni Kathryn.
"Maganda yata ang gising." Pahabol pa ni Sue na sinagot nalang ng tawa ni Kathryn.
Naaliw ako sa sarili kong appreciation party para sa balikat ni Kathryn at hindi ko na napansin na magsasalita na pala kami sa harapan.
Pinakinggan ko si Kathryn habang pinasalamatan lahat ng bumubuo sa Pangako. Parang wala rin akong naintindihan dahil kada salita niya eh isang centimetro din ang inilalayo niya. Bahagyang kumunot ang noo ko nang hindi na nagkiskisan ang mga bewang namin dahil sa distansya niya sa akin.
Marahan ko siyang hinila at sakto namang inabot na niya sa akin ang mikropono.
"..direk Rory, direk Dado.." Pagbanggit ko ng huling salita ay naramdaman kong nahihirapan na akong abutin ang dulo ng balikat niya kaya't mahina ko siyang hinila. "..direk Mae, thank you so much." May sasabihin pa sana ako pero nakalimutan ko na ng lumayo nanaman si Kathryn sa akin. Yung bunganga ko nakalimutan nanamang may mikropono at akala yata ay nasa Balesin pa kami na pwedeng isulat ang laman ng damdamin ko sa buhangin. "Bal dito ka nga, masyado kang malayo. Nawawala ako sa pag-iisip." Walang hiya kong pagsabi na para bang andun na lahat ng caption sa lahat ng picture namin ni Kathryn sa instagram ko.
Pagbalik namin sa upuan pinisil ako kaagad ni Kathryn sa bewang. Natawa ako pero bumalik nang muli sa komportableng pwesto ko.
"Kung ano anong sinasabi." Tiningala ko siya at nakita ko ang ngising pinipigilan niyang kumawala.
Nginitian ko siya na parang ako si Lhexine pero ang sa isip ko kanina ko pa siya gustong manyakin.
Na-cute-an yata siya sa akin dahil pinanggigilan niya ang pisngi ko bago tuluyang inayang tumayo dahil may mga magtatanong pa sa amin.
Tumayo lang ako sa likod ni Kathryn habang nakabalot ang mga braso sa bewang niya. Unti unti ko nang natututunang mahalin itong mga sinusuot niya. Unti unti na din silang bumabagay sa mga kailangan ko sa buhay.
Ikiniskis ko ang palad ko sa patag na tyan ni Kathryn habang tinatanong siya kung saan daw kami magsh-shooting.
"80% of the movie sa Barcelona daw namin ish-shoot." Nakayungyong ako sa balikat ni Kathryn, mga labi ko unti unti nang nagbubukas at malapit nang kagatin ang balikat ni Kathryn.
Mga eksenang alam mo na sa Barcelona.
Lihim akong napangisi sa naisip ko bago inilayong muli ang labi ko sa balikat ni Kathryn ngunit patuloy ko namang hinaplos ang tyan niya.
Natigil lamang ako nang pansinin na ng mga reporter ang munting kaligayahan ko.
"Maganda lang ang gising niya." Ngiting ngiti ako sa sagot ni Kathryn dahil naisip kong sa araw araw siya na ang gigising sa akin.
"Anong tawag dyan Daniel?" Tanong sa akin nung isa.
Gusto ko sanang sagutin ng drugs pero masakit mangurot si Kathryn kaya inatake ko nalang ng ibang salita.
"It's friendship!"
----------
"@bernardokath: *appreciation party ootd*"
Comments:
"@supremo_dp: 😍"---------
Super ikli! ✌🏻️ Ang hirap magmove on sa mga pa-ganap ng KathNiel nowadays. Umaabot ng ilang linggo. Hahaha. Not proofread. Labyu ol 😁Congratulatory update din ito for Kathryn's EverydayKATH. Congratulations bb girl! :*