'Nak, subukan mo lang', yan ang sabi ni Mama nang artehan ko siya kasi ayaw ko pa daw maging si Patrick sa Growing Up. Subok lang. Isang project lang, pumatok man o hindi, pang-isang beses lang talaga. Tikim lang, kumbaga. Experience lang na ipagmamayabang ko tuwing nagk-kwentuhan kami nila Seth habang may hawak na naka-supot na Coke sa kanang kamay at chichirya sa kaliwa. Yung masasabi kong 'Panis padin kayo, naka-labtim ko si Kathryn Bernardo.'
Kaso nung hindi nalang trabaho ko ang minahal ko kundi pati na yung ipagmamayabang ko sanang naka-labtim ko, hindi ako nakuntento sa tikim lang. Ganun yata ang konsepto ko pagdating kay Kathryn. Hindi ko kaya ang tikim lang kung pwede namang papakin. Kung pwede namang magdamagan- o di kaya hanggang matapos ang walang hanggan. Ang korni, puta.
Nung unang tikim ko ng sarili kong sweldo, naibili ko pa ng starbucks ang mga kapatid ko. Yung tuwa ko 'nun, pucha. Proud na proud ako sa sarili ko.
Napangiti ako sabay gulo ng buhok ko at dahan dahang tumayo para umuwi na. Eh sa hindi nalang sweldo ko ang hinihintay ko, mas importante na yung naka-shorts at sandong bibisitahin ko sa kaharian ng mga Bernardo. Kaya nang tanungin ako kanina kung ano daw ang plano ko para sa hinaharap, diniretso ko na, kulang nalang ibigay ko ang petsa ng kasal naming dalawa.
'Mas pipiliin ko si Kathryn kesa sa ibabayad sakin sa pelikula,' Taas noo kong sagot sa nagtanong sakin. May yabang. Parang si Curry tuwing nakaka-tres at parang si Ariana Grande tuwing naaabot niya ang mataas na nota. Ariana Grande? Tang ina ko.
'Pauwi na ako, mahal.' Mabilis kong text kay Kathryn bago paandarin ang kotse ko at nang magsend siya ng litrato niyang nasa tub -- natakpan naman ng mga putang inang bula yung hindi ko dapat tinitignan tuwing nagmamaneho ako -- bilang reply, minura ko na lahat ng nadaanan ko. Kahit siguro may magpakitang white lady sa harapan ko, makikipagkumpitensya pa ako dahil namumuti na din yata ako. Pinagpapawisan. Naninigas. Kung makikita ako ng MMDA, iisipin nilang lasing ako.
'Oh, 'nak, kape ka muna.' Ang una kong narinig pagkapasok ko sa bahay nila Kathryn. Si tito Teddy, alam yata kung ano ang dadatnan ko sa kwarto ni Kathryn kaya't papainumin pa ako ng kape. Baka sakaling nerbyusin. Baka sakaling magising. Tumango ako sabay upo sa harapan niya, kinuha ang isa pang tasa sa lamesa at nilagok baka sakaling mawala ang litrato ni Kathryn sa sistema.
Natawa si tito Teddy nang mapangiwi ako sa pait. Lagyan ko daw ng asukal. Asukal. Ayan tito, naaala ko nanaman tuloy yung anak niyo. Ang tamis siguro ng amoy ng banyo. Ang tamis siguro ng amoy ng balat ni Kathryn Bernardo.
Pero oo nga, kailangan nga ng asukal. Kaya 'yun, nilagyan ko ng tatlong kutsaritang asukal yung tasa pagkatapos nagsalita si tito Teddy. "Kamusta naman?" tanong niya kahit pustahan pa tayo, laging may report si tita Min sa kung anong mga kakarutan ko kay Kathryn.
"Masaya po," sagot ko kahit halata naman sa ngiti at tawa ko. Sino ba naman kasi ang matatawa habang naglalagay ng asukal sa kape niya? Yung taong may dadatnang naliligo sa kwarto.
"Mabuti naman." Sagot ni tito sabay tapik sa balikat ko. Pinanuod ko siyang lagukin ang tasa niya bago buksan ang biscuit na hawak niya. Baka may ilabas pang bike si tito at yayain akong libutin ang subdivision dahil alam niyang pag-akyat ko, hindi lang kwarto ang aabutan ko. Langit ang aakyatin ko.
"Oh, kelan mo balak pakasalan?" Nabilaukan ako. Parang sumemplang ako sa imaginary bike ko. Parang hindi naabot ni Ariana yung kinakanta niya. Pero syempre di naman sasablay si Curry kaya wag na natin siyang isali.
Tumawa ako kahit kinabahan ako. Hindi dahil sa ayaw ko, kundi dahil araw araw na nasa bulsa ko yung singsing na binili ko nung mag-isa kong nilibot ang Barcelona. Parang gustong sumigaw nung singsing na nasa bulsa ko. Parang gusto niya akong sigawan, sabihing hindi 'to pang-magazine kaya di ko kailangang artehan ang sagot ko. Pang-bibliya 'to mga mehn. Kaya di ko namalayan, napahawak na pala ako sa bulsa ko.
"Tito," Naiihi na ako. Yan dapat ang sasabihin ko kaso naunahan ako ng kamay ko. Lintik, kulang nalang luhuran ko na si tito at sakanya nalang ako mag-alok ng kasal. Pero totoo nga, naiihi na ako. Putang ina, napaka-walang kwenta nung kape. Hindi pa yata gising at sistema ko at nagtatapang tapangan akong ganito.
Nagulat siya. Kaya agad akong nagsalita kundi mapapahiya ako at magamit ko pang arinola yung tasa. "Tito, binili ko palang naman po. Hindi ko pa ipapasuot sakanya."
Lumunok si Tito sabay tango. Parang lumabo yung paningin ko. Ay mali, naiiyak na pala ako. Nagpunas ako ng mata ko at walang sali salitang yumakap sakanya.
"Basta wag muna ngayong gabi ha?" Biro niya. Tumango ako. Sige tito, mamayang 12 AM siguro. "Ilang beses na din nating napag-usapan 'to. Anak, hindi tayo magkakaproblema hanggang hindi nagkakasukuan." Dagdag niya. Napunta sa mata ko yung kape, uminit eh. Nagpunas ulit ako ng mata ko. Nakakabakla magmahal ng Bernardo.
"Thank you, Tito." Yun ang huli kong bigkas bago akyatin yung bibigyan ko ng singsing.
Di na ako kumatok, pumasok na ako agad at binati ako ng lagaslas ng tubig mula sa banyo. Bumuntong hininga muna ako. Tapos maikling dasal. Tapos yung boses na rin ni tito Teddy na nagsusumigaw na Mauna muna ang kasal.
Pagbukas ko ng pintuan ng banyo, napag-isip isip kong mas mabuti nang nag-bike nalang sana kami ni Tito. Nakapikit si Kathryn, mukhang nakatulog sa sarap ng init ng tubig sa katawan niya. May mga bula padin kaso nga lang hindi na kasing rami nung sa sinend niyang litrato niya. Yung mga bula, sumabay sa natutunaw kong panata -- unti unti silang nawawala.
Lumapit ako, dahan dahan, parang batang unang beses na pumunta sa zoo at pinipilit lumapit sa ahas para may maipagmayabang sa tropa niya. Hinawi ko yung buhok niyang tumatakip sa mukha niya. Ang ganda. Biyaya. Napapikit ako bago ilapat ang labi ko sa noo niya na mukhang gumising sakanya.
Binati ako ng mahina niyang tawa at nanunuksong 'gusto mo sabay tayo?'.
Lumabas na ako ng banyo at nahiga sa kama niya, hinugot muli ang singsing mula sa bulsa ko at nakipagtitigan dito.
Maghintay muna tayo.... sambit ko ng may malaking ngiti sa labi.
-------------
Hello everyone! Some are asking me if hindi ko na ic-continue to kasi ang tagal nga naman ng latest update. Hahaha sorry kasi I suffered from a severe writer's block hahaha
Don't forget to vote for KN sa Push! And also add #PushAwardsKathNiels on your tweets. :)