2 DAYS. Alas kwatro na ng hapon at tatlong araw nalang pero nandito parin ako, nagiisip ng pwedeng iregalo. Napakamot ako ng ulo habang nagiisip ng pwedeng ibigay kay Kathryn ngayong birthday niya.
Naibigay ko na ang singsing noon, sarili ko nalang kaya ibigay ko ngayon? Itinawa ko nalang ang inis ko sa sarili ko.
Anakan ko nalang kaya? Napangisi ako kahit problemado padin ako.
Sa gitna ng pag-iisip ko, may pumasok na tanong sa utak ko. Gaano ko ba talaga kamahal si Kathryn Bernardo?
Mas mahal pa kaysa sa lahat ng kotse kong pinagsama. Yung pagmamahal ko sakanya binibigyan ako ng ideyang siya na ang makakasama ko habang buhay. Na kahit pa uugod ugod na ako may kikiligin padin kapag nanlalambing ako.
Napa-buntong hininga ako at eto na, gagawin ko na ang matagal ko nang pinag-iisipan. Ganito ko lang yata talaga siya kamahal para magawa ko to.
At yun nga, naisip ko na ang pinaka-maangas na regalo sa buong mundo.
"SAMAHAN mo ako, ma." Pamimilit ko sa nanay ko. Baka kasi bigla nalang akong himatayin doon sa kaba. Mabuti nang andun si Karla para buhatin ako pauwi.
"Oo na! Oo na!" Irap ni Mama. "Lakas ng loob magpapasama din pala."
Napakamot nalang ako ng ulo.
"Pero sigurado ka ha?" Hindi ko alam kung alin ang mas madami, yun bang alikabok dingding o yung beses na tinanong ni Mama yan sa akin. "Baka naman mahimatay ka dun, papahiya mo pa lahi natin." Tawa ni Mama.
"Oo nga, ma!" Inis kong sabi sabay kamot ng ulo ko.
"Kapag andyan na kasi yan anak, wala nang bawian. Hindi mo na pwedeng hiwalayan." Ngiti sa akin ng nanay ko.
"Para namang gugustuhin ko siyang hiwalayan, Ma. Ibinili ko na nga ng lupang patatayuan ng bahay." Nakangisi kong saad.
Pumalatak naman ng tawa ang nanay ko, "Sinasabi ko lang! Saan ba ang balak mo?"
Napaisip naman ako. Saan nga ba? Natatawang kinindatan ko ang nanay ko sabay tingin sa ibaba ko.
"Joskoh! Seryoso ka ba? Punyeta kang bata ka!" Pagmumura ng nanay ko habang pinipigilan ang tawa.
"Biro lang! Biro lang!" Pambabawi ko habang nakangisi. "Hindi ko pa alam. Pagiisipan ko pa, Ma."
"Ngayon na tayo pupunta doon diba?" Pinaningkitan ako ng mata ni Karla. "Aba dapat alam mo na! Baka di mo pa alam kung ano ilalagay ah!"
"Syempre alam ko na! Yun lang lugar ang di ko alam!"
"Sinisigawan mo ako?" Natatawang banta ni Mama.
"Syempre.. hindi! Love you Ma!" Panlalambing ko sa nanay ko.
"Sus! Sige na. Basta wag kang kakapit sa akin pag andun na tayo ah?" Tawa nanaman ng nanay ko.
"Thank you Ma!" Tawa ko sabay halik sa sentido ng nanay ko.
Ngumiti lang siya sakin sabay sundot sa tagiliran ko, "Ang baby bubot ko! Jusko! Bernardo lang pala ang papatitiklop sayo!"
"Ma! Ano ba!" Sigaw ko nang kilitiin na ako ng nanay ko.
"Magbihis ka na at tatawagan ko pa sila." Nakangising sabi ng nanay ko. "Matignan nga natin. Sa injection palang takot ka na eh." Rinig kong bulong niya bago ako tuluyang lumabas ng kwarto.