Protector

4.8K 176 12
                                    

'Sakang.' 'Pabebe.' 'Di naman magaling umakting yan!' 'Di totoo yung ilong.'

Nakakunot noo kong binasa ang iba't ibang comments sa bagong post ni Kathryn. Nasa tabi ko siya, natutulog. Post niya to kanina eh, picture ng suot niya sa Japan. Ang ganda niya masyado na minsan nagtataka nalang ako totoong tao pa ba tong girlfriend ko?

Tinignan ko siya, tahimik na natutulog. Walang kaalam alam sa ingay na dulot niya. Banayad ang paghinga senyales na tulog na tulog nga siya. Unti unting nabanat ang noo kong kaninang nakakunot, masyado siyang payapa tignan na pati mga iniisip ko kusang nawala. Nahiya siguro sila sa ganda niya.

Napabuntong hininga nalang ako habang patuloy siyang tinitignan. Masyado siyang maganda, masyado siyang perpekto para sa mga ganitong kritisismo.

Yang sakang na mga binting yan? Yan ang mga binting maglalakad patungo sa akin, sa altar isang araw.

Yang ilong na sinasabi niyong peke? Yan ang ilong na hinding hindi ako mapapagod halikan.

Sabi ko nga, masaktan na ako wag lang si Kathryn. Andito ako oh, buong pusong sasaluhin lahat para hindi siya mabigatan. Mas gugustuhing ako nalang ang masaktan dahil mas nasasaktan naman ako pag siya ang nasasaktan.

Gusto ko nalang nga siyang ipunta sa Japan kapag naalala ko yung lakas ng tawa niya, lapad ng ngiti niya at kislap ng mga mata niya dahil lang sa simpleng ice cream. Wala akong ibang gustong marinig mula sa kanya kundi mga tawa niya.. pwede ring mga ooohh at aaahhh niya. De loko lang.

Nilabas ko ang cellphone ko at kinunan siya ng picture habang natutulog. Nakangiti kong pinalitan ang wallpaper ko, araw araw ko na yata to pinapalitan dahil araw araw naman siyang gumaganda.

Binuksan kong muli ang instagram ko. Hindi ko napigilan ang sarili ko at nag-iwan ako ng comment sa post niya. Kahit sa loob looban ko gusto ko silang sabihan ng Putang ina niyo hindi ko ginawa, nag-iwan nalang ako ng salita na alam kong mangingibabaw sa lahat. Mga salitang kahit magdamag basahin at ulit ulitin ni Kathryn. 

"@supremo_dp: I love you 👸🏻"

-----

Hi! 😘 Not proofread. Enjoy!

LettersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon