Daniel and Karla

5.2K 218 13
                                    

Huminga ako ng malalim sabay harap sa nanay ko, "Ma nahihilo ako!"

Tinawanan lang ako ng nanay ko, "Ang lakas ng loob mong magpropose, manginginig naman pala buto mo pag ikakasal na kayo!"

Inirapan ko lang siya kaya mas lumakas pa ang tawa niya, "Magsend nga akong picture mo kay Kathryn para malaman niyang duwang pala mapapangasawa niya."

"Carla ano ba! Pag ako di sinipot ni Kathryn wala kang reception na kakainan!" Pang-asar ko sa nanay ko na mukha namang gumana dahil sinuntok niya ang balikat ko.

"Aray ma! Take it easy. Wag mo akong suntukin may honeymoon pa ako pagkatapos neto." Biro ko, nararamdaman ang unti unting pagkawala ng kaba ko.

Lumaki naman mata ng nanay ko, "Isusumbong kita sa tito teddy mo!"

"Wag mo akong isumbong kay Papa Teddy." Tinawanan lang ako nang nanay ko nang linakasan ko ang pagbigkas sa salitang 'papa'.

"Parang sir lang tawag mo noon sa tatay ni Kathryn ah." Natatawang sabi nang nanay ko habang papalapit siya akin para ayusin ang kurbata ko.

"Syempre! Nagpapabango pa ako ng pangalan nun eh. Kita mo naman ang epekto, siya pa maghahatid kay Kathryn papunta sa akin." Napawi ang tawa ko nang makita kong unti unti nang nababasa ang mata ng nanay ko.

"Oops Carla wala tayo sa taping!" Biro ko habang pinipigilan din ang pagpatak ng luha ko.

"Siraulo!" Sabi ni mama sabay suntok sa balikat ko. "Alagaan mo si Kathryn ha? Kapag yon nagsumbong sa akin gagasgasan ko lahat ng kotse mo."

Nginitian ko naman si mama, "Matic na yon ma. Baka nga kami pa sumira sa mga kotse ko eh."

Kumunot lang noo ni mama sa sinabi ko, "Pinagsasabi mo?"

Kumindat lang ako bilang sagot sa tanong niya na mukhang nakuha naman niya, "Walang hiya kang bata ka!"

Tumawa lang ako sabay yakap sa nanay ko, "Love you ma."

Tinapik niya ang balikat ko, "Congrats anak. Love you too."

Natatawa kong binitawan si mama, "Nakakadiri Carla! Tama na!"

Naputol lamang ang tawanan namin nang tumunog ang telepono ko.

"from: Bali
*kathryn's selfie*
I'm ready Mr Ford! 👰🏻❤️"

Napangiti ako nang makita ko ang mapapangasawa ko. Parang ayoko na mag-reception. Diretso na yata kaming Misibis. Tangina.

"to: Bali
Ready na ako 2012 palang. Love you Mrs Ford! 😘"

--------
"@supremo_dp: *kathryn showing her ring* Oo daw putangina! Ikakasal na kami! #tagumpay"
--------

Hi guys 😅 Not proofread. Comments are highly appreciated. Enjoy!!!!!! 💛

Hihi. Continue voting for Kath! 😻

LettersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon