Panaginip

5.5K 243 38
                                    

Masarap sigurong matulog. Diretso..matagal..mahimbing at payapa. Payapa. Ayun na nga yata ang kailangan ko; kapayapaan at katahimikan. Kulang nalang maghanap ako ng sedula at punitin ito dahil sa mga hanap ko.

Magulo kasi ang mundo ko. Akala ko dati magulo na yung pag-lipat lipat namin kaya maya't maya kailangan ko nanamang ipakilala ang sarili ko sa mga tao, hindi ko naman alam na mas magulo pala kapag hindi mo na kailangang ipakilala ang sarili mo dahil may agaran na silang opinyon tungkol sayo.

Masarap matulog hindi lang dahil pagod ako, kundi dahil payapa ang mundo sa panaginip ko. Unan at kumot lang ang inaalala sabay may tahimik na hilik pang kasama. Kaso kasama ko ang realidad ko, goodbye tulog at panaginip tuloy ako.

Ang ganda ni Kathryn kahit magkadikit na ang mga kilay niya habang may binabasa sa cellphone niya. Ang ganda niya kahit nanggagalaiti na siya. Ang ganda ganda niya kaya nakakahiyang umiyak sa balikat niya habang paulit ulit kong sinasabing ayoko na.

"Bastards," rinig kong bulong niya bago ibaba ang cellphone na hawak niya. Napatigil ako nang magsalita siya. Kung lasing ako, iyon siguro ang nagsilbing kape ko.

"Buti wala ka dun." Mariing sagot ko dahil sigurado akong kung andun si Kathryn noong pinakyu nila ako, malamang ngayon eh nasa presinto na ako.

"Kung andun ako malamang I had to say goodbye to this good girl image of mine," nakatawa niyang sabi habang inaangat ang gitnang daliri niya. Hinablot ko yun agad, tumawa sa unang pagkakataon sa araw na 'to.

"You should've said fuck you too." Sabi niya ulit, tumatawa ngunit nadama kong seryoso siya sa kabila ng ilang baso ng alak na ininom niya.

Tumawa ulit ako. Ngunit napatigil sa sumunod na sinabi ni Kathryn.

"You cried," bulong niya, mahinang mahina kaya aakalain mong binulong niya yon sa sarili niya at hindi sa akin. Tumingala siya sakin, basa nang muli ang mga mata at namumula na ang labi dahil sa riin ng pagkakakagat niya.

"Sino sila para paiyakin ka?" Pasigaw niyang tanong. Napatingin ako sa naka-lock na pintuan ng kwarto ko dahil sa kaba kong magising bigla ang Mama ko at pasukin ang kwarto ko.

"You fucking cried," pag-ulit niya na para bang ngayon lang rumehistro sa utak niyang hinang hina ako kanina sa balikat niya, inubos ang luhang kanina ko pa pinipigil ilabas.

Pinanuod ko lang siya, basa ang pisngi sa pinaghalong luha't pawis, namamaga ang mga mata at magulo ang buhok. Para lang rin akong tumingin sa repleksyon ko dahil sigurado akong ganun din ang itsura ko. Pinaupo ko siya sa kandungan ko upang subukang buoin siyang muli kahit pa mukhang ako din eh wasak na wasak na.

"Tama na," bulong ko habang sinusuklay ang buhok niya gamit ang mga daliri ko. Mga daliring hindi ko nagamit para gumanti sa mga namakyu sakin dahil ang ma daliring to ang lagi kong gamit para hawakan si Kathryn. Tumingala siya, namumungay ang mga mata at namumula ang pisngi at tenga.

"Bali.." pupungas pungas niyang sabi habang isinisiksik ang ulo sa leeg ko. Hinaplos ko lang ang likod niya at hinintay na magpantay ang pag-hinga niya.

--------

Panaginip. Parang panaginip si Kathryn habang nakapikit ang mga mata at marahang nakabukas ang bibig kasabay ng mahihina niyang hilik.

Kapayapaan at katahimikan. Umalingawngaw sa utak ko ang dalawang salitang yon habang patuloy kong tinitignan si Kathryn. Napangiti ako. Pwede palang makita mo ang panaginip mo kahit mulat ang mga mata mo. Pwede palang maging realidad mo ang panaginip mo.

Magulo ang mundo. Kasing gulo ng buhok ko, ng buhok ni Kathryn at ng damit naming nagkalat sa sahig. Pero eto lang siguro yung gulo na ako ang may gusto.

Bumuntong hininga ako, nagbabaka sakaling paglabas ng hangin sa ilong ko eh kasama na nito ang lahat ng siguro sa utak ko.

Siguro. Siguro magiging okay din ako. Siguro titigil din sa kaka-pakyu sa akin ang mga tao. Siguro mauubusan din sila ng mga ibabato. At siguro na may kasamang patak ng sana, paglabas namin dito eh tatay na ako.

Ngunit nang tumingin ako sa tabi ko at nadama ko ang hininga niya sa batok ko, kumawala lahat ng siguro at nagbigay daan sa iisang sigurado sa buhay ko.

"It's so init," bulong ni Kathryn habang inaalis ang kumot na binalot ko sakanya kanina, limot ng naka-panty lang siya at hindi lang ako ang nagiisang gising sa kwartong to.

Kung mainit, bakit naninigas ako?

Napakamot ako sa ilong ko bago dahan dahang ibinalik ang kumot sa itaas ng bewang niya na agad kong pinagsisihan nang iangat na niya ang damit niya.

Kathryn, sana pinakyu mo nalang ako.

--------

Alas sais nang maalimpungatan ako at mabati ako ng hagikhik ng babaeng katabi ko. Nakaupo siya habang nakasandal sa kobre kama at mukhang kanina pa ako pinapanuod matulog.

"Good morning," masigla niyang bati sa akin bago ako hilain paupo. Nagtataka ko siyang tinignan at tumawa siya bago ibato sakin ang tshirt ko.

"Hindi masakit ang ulo mo?" Nakakunot ang noo ko habang sinusuot ang damit ko at tuluyang nagpahila sakanya nang makapagdamit na ako.

"Teka, saan tayo pupunta?" Maingat kong tanong nang makalabas na kami ng kwarto.

Ngumiti lang siya bago ituloy ang panghihila sa akin hanggang sa umabot kami sa kusina.

"Kuha ka ng bread or anything you want to eat. Dali!" Bilin niya habang nagsasalin ng gatas sa malaking jug. Nagtataka ko siyang tinignan bago sinunod ang utos niya.

Hawak ko na ang isang plastik na puno ng tinapay nang matapos si Kathryn magsalin ng kung ano anong pwede naming inumin sa jug.

"Bal saan ba tayo pupunta?"

Hindi siya sumagot pero tumigil kami sa paglalakad nang makarating kami sa garden ni Mama. May nakalatag na tela at may pictures namin na nagkalat.

Ang laki ng ngiti ko. Parang sumakit nga yung bibig ko dahil matagal tagal na bago ulit ako nakangiti ng ganito. Tangina, sa wakas, okay na ako.

"Halika nga dito," mahina kong tawag kay Kathryn kaya ibinaba na niya ang mga jug na hawak niya at nagpayakap sa akin. Mahigpit. Parang yakap ng taong takot mawalan. Mawalan ng kaligayahan.

"Thank you." Buong puso kong sabi habang nakadikit lang ang labi sa noo ni Kathryn. Lumayo lang ako nang humagikhik siya at halikan ako ng mabilis sa labi bago siya umupo sa nakalatag na tela sa harap namin.

Naupo ako at pinanuod siyang ayusin ang agahan namin. Natural ang pamumula ng pisngi at labi. Malaki ang ngiti. Bumuntong hininga ako.

Hindi magulo ang mundo ko. Maganda, payapa at tahimik ang mundo ko. Dahil sa hinaba haba ng drama ko kagabi, naalala kong mga alien lang pala silang nakikitira sa mundo namin ni Kathryn.

----------

❤️ A little reminder that we all got through that together. Love you all!

LettersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon