"Badtrip," Naiinis kong bulong habang naglalakad papunta sa kama ni Kathryn, pikit matang nilagpasan ang sarili kong kama, at humiga para humupa ng konti ang selos sa sistema ko.
Nasa kalagitnaan lang naman ako ng panunuod kay Kathryn na lumalabi at kumukunot ang noo sa karakter ko nang ngitian niya ang karibal ko..na sana hanggang sa Princess and I lang eeksena.
Muntik ko na sanang kantahin ang linyang Jealousy turning saints into the sea sa Mr Brightside nang marinig ko ang mumunting tawa ni tita Min sa isang sulok ng tent.
"Khalil, Enrique o may umamin uli?" Nakangiti pa siya habang sinasabihan ako niyan.
"Tita.." Lumabi pa ako. Lintek talaga, di kaya ako pagtawanan ng lahing pinagmulan ko kung makita man nila kung gaano ako ma-bakla sa mga Bernardo?
Sumilip siya siya sa labas ng tent, hindi padin naalis ang makahulugang ngiti sa labi, bago tuluyang bumunghalit ng tawa at tabihan ako sa kama.
"Si Enrique nga." Nakangisi niyang saad habang hinihila ako paupo.
Umupo nalang rin ako, medyo may namumuo nang yabang sa sistema ko dahil ako lang naman ang kinakausap niya ng ganito sa lahat ng lalaking naka-trabaho ni Kathryn.
"Nak," Panimula ni tita Min na parang may nakasabit na nagniningning na placard sa leeg niya na nagsasabing Tanga ka, scripted lang 'yon. "Hindi pwedeng magw-walk out ka nalang bigla tuwing magka-eksena sila."
Dumaing ako kaya napalakas ang tawa ni tita Min. "Tita, hindi naman ako magw-walk out kung kaya ko
namang makitili sa mga fans nilang dalawa tuwing nagt-take sila." Bumagsak ang balikat ko nang maalala kong may magsasabi talagang bagay silang dalawa.Tumawa ulit si tita pero napa-ayos ako nang biglang sumeryoso ang mukha niya. "Deejay, hindi magbabago ang script dahil lang nagseselos ka 'nak ha?"
Tumango ako habang hinihintay ang susunod pang sasabihin ni tita Min. "Pero pwedeng magbago ang nangyayari sa likod ng camera dahil nagseselos ka."
Tinapik niya ang balikat ko at may sinabing pumawi ng konti sa selos ko bago tuluyang tumayo. "Atsaka, alam mo naman kung sinong gusto ng anak ko, diba?"
Sabi ko nga.
Humiga nalang ulit ako at pinanuod ang pasukan sa tent na para bang huling laro na 'yon ng paborito kong basketball team.
At napapikit ako ng mariin at bumaling sa kanan ko nang marinig ko na ang boses ni Kathryn at ng kung sino mang kausap niya.
"Asan pala si DJ, Kath?" Rinig kong tanong ng kung sino mang babaeng kausap niya.
"Nasa puso niya, ate Che." Tuluyan nang nawala ang selos ko nang maulinigan kong si Enrique ang nagsabi 'nun. Ililibre ko 'yon ng kape minsan.
Sinundan 'yon ng nahihiyang tawa ni Kathryn at mas lumawak pa ang ngisi ko dahil di naman niya itinanggi 'yon.
"Hindi ko pa nga nakikita ate Che eh." Sagot ni Kathryn na may kuryusidad sa boses. "Asan kaya 'yun?" Patuloy ni Kathryn at narinig ko nang nagsalita si tita Min nang paulanan ng tukso si Kathryn dahil 'dun.
"Deejay," Natatawang tawag ni tita Min sa akin at inikot ko nanaman ang katawan ko at pa-inosenteng tumingin sakanya. "Mukhang hinahanap ka."
Mas inigihan ko pa ang pag-arteng hindi ako nakikinig sa usapan nila kahit pa pinakinggan ko kahit pag-yapak ng paa ni Kathryn sa lupa.
"Ano 'yun, Tita?" Umupo na ako at pinigilan ang sarili kong humaliklik na parang nasa salon kami ni tita Min at nagpapalinis ng kuko namin habang pinag-uusapan ang lovelife namin ni Kathryn.
Napalakas ang tawa ni tita Min kaya di na ako nagtaka nang marinig kong nagpaalam na si Kathryn sa mga kausap niya para pasukin ang tent.
"Mama mo ata 'yon, Kath. Baka si DJ ang kausap." Rinig kong sabi ng kausap ni Kathryn. "Close talaga sila ni DJ, ano?" Hirit pa niya.
Madami akong ililibre ng kape mamayang gabi.
"Oo nga, ate. Puntahan ko na ha. Enjoy your lunch!" Magiliw na paalam ni Kathryn bago tuluyang pumasok sa tent. Hinanap ako ng mga mata niya nang makita ang nanay niyang hanggang ngayon eh tumatawa parin yata.
"Anong meron?" Nakangit niyang tanong habang naglalakad papalapit sa akin.
Sinong nagselos? Ako ba? Nakalimutan ko bigla.
"Wala naman 'nak." Nakangiti paring saad ni tita Min bago ibaba ang binabasa niyang magazine at tumayo. "Iwan ko na kayo. Nagugutom na ako eh."
Pumikit ako agad at ibinalot ang kamay sa bewang ni Kathryn na ngayon eh nakaupo na sa kama at pinigilang ngumiti nang suklayin niya ang buhok ko.
"Ba't bigla kang nawala?" Takang tanong ni Kathryn kaya napatingin ako sakanya, medyo nahihiya sa inasta ko kanina.
"Wala naman." Tipid kong sagot pero masyado na yata akong kilala ni Kathryn kaya naningkit ang mata niya sakin.
"Upo ka nga."
Oh eh mabilis pa sa alas kwatrong tumuwid ako ng upo.
"Bakit?" Pa-inosente kong tanong habang iniiwas ang tingin ko kay Kathryn. Mukha na siguro akong tanga kasi nasa harapan ko 'yung kausap ko pero nakatingin ako sa naiwan na magazine ni tita Min.
"Deejay.." Nagbabantang saad ni Kathryn na hinila ang braso ko at pinatingin ako sakanya. Mata sa mata.
Bumuntong hininga ako bago makahulugang sumimangot kay Kathryn na napawi naman agad nang bumungisngis na si Kathryn.
"Yun parin?" Naaaliw na tanong ni Kathryn habang inaayos ang upo para makasandal sa balikat ko.
Ang sarap lang ikwento sa mga writers ng Princess and I ang mga kaganapan tuwing hindi na nasusunod ang sinusulat nila. Baka mainspire sila at umayon sakin bigla ang bawat letrang lumalabas sa utak nila.
"Hindi ko maiwasan eh." Lumabi ako nang tingalain ako ni Kathryn. Hinahaplos ko lang ang balikat niya habang pinapanuod siyang tumatawa.
"You're so cute," Nakatawang saad ni Kathryn bago ako gawaran ng magaan na halik sa pisngi. "Okay na?" Tanong niya nang hindi pa inaalis ang labi sa pisngi ko.
Pang-TV commercial na ng toothpaste yung ngiti ko bago ko siya lingunin para halikan siya sa labi, hindi alam na 'yun pala ang kailangan ko para hindi ako mag-walk out tuwing may ka-eksena siyang hindi ako.
Namumula ang mga pisngi ni Kathryn nang bitawan ko na ang labi niya. Natatawa ko siyang pinanggigilan at hinalikan sa noo bago sagutin at tanong niya kanina.
"Okay na okay na." Nakangisi kong saad. "Pwede na akong makitili sa mga fans niyong dalawa tuwing kayo yung magka-eksena."
Malakas na tawa ang isinagot ni Kathryn sa akin bago ikinuskos ang ilong sa dibdib ko na parang pusa.
"Ako 'yung I sa Princess and I kasi, eto, totoo eh." Pag-ulit ko sa sagot ko sa isang interview nang nagsisimula palang akong magparamdam kay Kathryn.
Natatawang tumango si Kathryn at nginitian ako bago isiniksik ang mukha sa leeg ko. Napatigil ako nang may ibulong siya at nang tuluyan 'yong rumehistro sa utak ko, pakitaan mo nalang ako ng picture nila Kathryn at Enrique na magkahawak kamay para maalis ang ngiti sa labi ko.
"Ikaw lang naman talaga."
--------
"@min_bernardo: *dj sleeping* Natulog nalang si Gino kasi magkasama si Jao at Mikay"
--------Hello hahaha throwback! I was watching PAI then this happened 😂 Don't forget to vote sa PEP ha guys! Not proofread. ✌🏻️