"ANONG reward ko kung sakaling manalo ako?" Bulong ko kay Kathryn habang isinisiksik ang ulo ko sa leeg niya at panaka nakang hinahalikan ang kung ano mang maabot ng labi ko.
Habang nagw-warm up na yung mga kakalabanin ko mamaya, andito ako, literal na nagiinit na kakahalik sa leeg niya.
Rumolyo yung mga mata niya at tuluyang kinalimutan si Piolo Pascual na naglalaro sa harapan niya, "As if naman kailangan mo pang manalo para makuha 'yang reward mo."
Tumawa ako bago naupo sa tabi niya. Pasensyahan tayo Piolo pero ako na talaga ang crush neto.
"So ano ngang reward ko?" Pangungulit ko, hindi parin tinitigilan ang leeg niya at kung sakali mang magmarka eh mapipilitan na siyang suotin ang hinila kong long sleeves sa closet niya kanina.
"Hmm.." Panunukso niya na may kasama pang kindat.
Ah, wala na, mas matigas na ako sa hawakan ng raketa.
"Dapat MVP ha." Natatawang pahabol ni Kathryn bago magpahila kay ate Wheng para pagbigyan ng litrato ang mga kanina pa titig na titig sakanya.
Tahimik lang ako nang umalis siya, pinapanuod siyang magiliw na makipagngitian sa mga halatang dumidiga sakanya.
"Bro," rinig kong tawag sakin ni Pat na nasa tabi ko pala. Tinaasan ko siya ng kilay, senyales na ituloy niya ang sasabihin niya. "Magbigay ng salitang madalas kasunod ng saan?"
Natawa ako nang gayahin ng putek si Luis. Siguro pinapanuod niya akong nililinga linga ang paligid ko magmula nang tumayo si Kathryn sa kinauupuan namin.
"Si Kathryn," Sagot ko bago nakipag-apir sakanya. "Saan si Kathryn?" Paguulit ko at umalingawngaw at tawanan naming dalawa.
"Nice one!" Kantyaw niya saka ako sinuntok sa braso. "Basket ka lang bro?" Tanong niya uli.
"Ano sa tingin mo? Mags-swimming ako?" Nakatawa kong sagot at nakatikim nanaman ako ng suntok sa kanan kong braso.
"Baka lang naman gusto mong mag-badminton," Nakangisi pa ang gago. "Lalaki mga kalaban ni Kathryn sa doubles."
Napintig ang tenga ko sa narinig ko, "Magb-badminton ako." Matigas kong sagot habang pinaglalaruan ang shuttle cock sa kamay ko.
Ipapalaro ko rin 'to kay Kathryn mamaya, kaso baka wala na 'yung salitang shuttle. Yung isa nalang. Dahan dahang lumaki ang ngisi ko.
Nilingon ko na si Kathryn na naglalakad na pabalik sa akin nang bumunghalit ng tawa ang punyetang si Patrick.
"Bal," Maamo kong bati habang hinihila siya paupo sa tabi ko. "Laro rin akong badminton."
Parang hawak ko na rin ang trophy ko bilang MVP nang makita kong lumiwanag ang mukha ni Kathryn sa saya.
"Really? Tara! Sabihin natin kay ate Wheng!" Nagpahila nalang rin ako sakanya at pinanuod siyang sabihan silang maglalaro ako ng badminton.
"Si DJ?" Paninigurado pa ni ate Wheng kaya di ko napigilan ang tawa ko.
Hindi na ako magugulat kung isang araw sumasayaw na rin ako dahil sa Bernardong 'to.
"Oo nga ate!" Sagot ko kaya tumawa na rin si Kathryn.
"Pero magb-basketball ka parin diba, bali?" Muntik na akong matawa sa pilit na pag-arteng inosente ni Kathryn kung hindi lang sana dumiretso sa isang bahagi ng katawan ko yung ngiti niyang 'yun.