Not-So-Little Mrs Dancer

4.8K 189 30
                                    

"I may not be like Julia who had the chance to watch these two wonderful people's love story start," Simula ni Arisse sa speech niya ngayon sa reception ng kasal, shyet, namin ni Kathryn. Hinanap ng mga mata niya ang Julia-ng tinutukoy niya at kumaway dito nang matagpuan niya ito. "Pero I was present during their toughest times. And they were also there during mine." Pagpapatuloy niya ng may maliit na ngiti sa labi. Nahalata ng asawa ko, tang ina sarap sabihin, na medyo namumula na ang mata ni Arisse badya ng pagtulo ng mumunti niyang luha. "Hi babe!" Natawa kami nang tawagin ni Arisse si Patrick, ang bestfriend kong medyo katulad kong dumaan sa pagiging gago bago natuto, na kaparehas ni Arisse na may suot nang singsing. Ba ewan ko sakanila, engaged palang naman pero parehas na silang nakasuot ng ganyan.

"Love you!" Pa-sigaw na sagot ni Pat Su at lihim nalang akong napangiti. Saksi din naman ako sa mga napigang luha ng Red Horse sa isang 'yan nang personal na niyang makita si Arisse na may sinusubuan nang iba. Sa ngawa ba naman niya, sinong makaka-hinding tulungan siyang makipagbalikan?

"Shattap! Kami ang may kasal." Sigaw ko naman habang nakapulupot sa asawa ko na parang Koala sa puno. Wow, tangina, kumo-Koala yung dating ang alam lang eh hanggang pusa. Nagtawanan lahat ng tao pero nilukob ako ng ka-korni-han ko at tawa lang ni Kathryn ang narinig ko. Tumitig nalang muna ako sa asawa kong medyo nagsilaglagan na ang mga buhok mula sa masikip na pagkakatalali ni John sa buhok niya at medyo maga na ang mata sa kakaiyak niya. Napa-double take ako't napatagal ang titig sa mga mata niya. Ganda eh. Parang kinakausap ako, sabi sakin "bali alis na tayo gusto ko nang mag-honeymoon". Pero sandali lang 'yon kasi parang may umilaw na bombilya sa itaas ng ulo ko. Lihim akong napakamot ng batok nang maalala ko ang mala-Mia sa Barcelona kong iyak kanina, medyo tinablan na ng hiya kasi, pakshet, vini-video pala ako ni Mama kanina.

Ayun, nagsasalita pala si Arisse sa harapan namin! Ito kasing si Kathryn. "...I may not be as close to DJ as my boyfriend is to him but I know one thing. Mahilig siya sa kiss, Tito Teddy." Yun. Yun ang naabutan ko nang magising ako sa munting panaginip ko habang nakatitig sa realidad ko. Kinabahan parin ako kahit pa akala ko nalusaw na lahat ng reserbang kaba sa katawan ko nang i-"welcome to the family" na ako ni Tito, ay mali, Papa Teddy. Kamot kamot ko uli ang batok ko nang sumenyas ng pagkasa ng shotgun si Papa Teddy habang marahang tumatawa katabi ang Nanay ko.

At shyet, mas kinabahan pa ako kasi katabi nga niya ang Mama ko.

Napakurap kurap ako nang maramdaman kong medyo di mapakali si Kathryn sa tabi ko. Sinong niloko ko? Wala siya sa tabi ko, nasa kandungan ko na siya nakaupo kakapulupot ko ng sarili ko sa asawa ko. "Anong meron mahal?" Tanong ko. Eh naninigas na kasi siya, baka ginagaya yung inuupuan niya.

"Nothing love. Let's listen to Arisse." Bulong niya habang hinahaplos ang kanang hita ko. Mali Arisse, di lang ako sa kiss mahilig.

"There was this one time, when DJ called me tapos sabi niya he needs help daw. Bibigyan daw niya ng flowers si Kath as a suprise," pagk-kwento ni Arisse nang makinig na muli ako. "I asked him, akala ko 25 monthsary niyo? Eh kasi hindi naman 25 'nun." Tumawa si Arisse bago ako tignan kasabay ng pag-angat niya ng kamay para kunwari eh makipag-fistbump. "He just said na wala daw kalendaryong sinusunod ang pagmamahal niya kay Kath. That's when I realized na magiging abay ako sa kasal nilang dalawa."

"Wala ring oras na sinusunod! Sinong tatakas para mag-motor ng alas dos ng madaling araw?" Sutsot ng hayop kong bestfriend na namumula na ang mukha kakatawa.

"Hayop ka ako ang nagluto niyang nilalantakan mong pagkain!" Sigaw ko sakanya at nagtawanan nanaman silang lahat. Pero ito talagang nasa kandungan ko, parang ako lang nung magpapatuli ko. Kabado.

"Mahal, ayos ka lang talaga? Gutom ka?" Tanong ko ulit, inaabot na ang plato sa ibabaw ng lamesa na may laman na cake.

"No. No. I'm fine. I love you." Ngumiti naman na ang asawa ko. Baka naiinip lang at gusto nang dumiretso kami sa kama.

LettersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon