THIRTEENTH KISS

1.9K 46 20
                                    

THIRTEENTH KISS

"Tama na 'yan, pwede ka na'ng umuwi." Utos ni Vin sa pagod na pagod na si Geriel saka kinuha ang libro at siya na mismo ang naglagay sa bookshelf. Ikaw ba naman na maglinis ng library at mag-arrange ng files alphabetically, hindi ka ba naman mapapagod?

Tumango na lamang si Geriel saka bumuntong hininga. Kinuha na lamang ang cellphone niyang inaabot ni Vin saka siya naglakad palabas ng library. Ni hindi n'ya nagawang magsalita. Maging siya ay nagtataka sa biglang pananahimik niya.

Sino ba siya?

Siya lang naman si Genicka Mariel Marasigan - Maingay!

Loudness seemed to be her middle name and SILENCE is her perfect antonym. Mahihiya ang sirang plaka at pirated DVD sa kaingayan niya.

BUT now, she couldn't even find a word to say. Parang hindi n'ya mahanap ang kanyang dila. Umurong na ba ito o nalunok na niya?

'Geriel! What is happening to you? Hindi ka naman dating ganyan ah!'

Sinisigawan na siya ng kanyang utak pero nananatili lamang na bingi ang mga tainga n'ya at tikom ang kanyang bibig. Muling bumuntong hininga si Geriel at saka nilingon ang pintuan kung saan siya lumabas. Library. Kung saan n'ya iniwan sina Nichol at Vin.

'Bakit ganoon Geriel?' natanong na lamang niya sa sarili bago siya tuluyang lumabas ng condo ni Alien.

...

"Wag mong sabihin sa'kin na susundan mo pa siya e pinauwi mo na nga?" Di makapaniwalang wika ni Nichol sa nagmamadaling si Vin.

"Akala ko ba'y effective ang plano mo? Kita mo ngang hindi ako kinausap." He glared at Nichol saka nagpatuloy sa paghahanap ng susi ng kotse niya. Anak ng pesticide! Asan na ba 'yun?

"You are supposed to make her jealous pero bakit ikaw 'tong selos na selos?" Nakataas pa ang kilay na tanong ng dalaga as she shot him a scrutinizing gaze. Nakakatawa lang! She has never seen him act like this kahit pa noon sa France ay hindi naging ganito si Vin. Ang laki na talaga ng pinagbago nito mula nang bumalik ito sa Pilipinas.

"Finally!" napakamot na lamang sa ulo ang binata nang mahanap n'ya ang susi ng kotse sa kasuluksulukan ng drawer na hinahalungkat. Sana naman! Hindi pa nakakalayo si T'yanak!

Aish! Ano ba itong nangyayari sa kanya?

Nasisiraan na yata s'ya ng bait! Ano bang mayroon sa bub'wit na t'yanak na iyon at hindi ito mawala sa isip niya? Aish! Napeste na! Kailangan na ng pesticide, baka sakaling luminis ang utak niya!

"Bye Pretty Nich, ikaw na bahala sa condo ko." Saka mabilis na lumabas si Vin ng condo.

"Leche ka Acosta! Ginawa mo pa akong caretaker." Narinig pa niyang sigaw nito bago s'ya tuluyang makaalis.

...

"Anong nangyari sa'yo? Bakit parang matamlay ka?" nag-aalalang tanong ni Cyrus kay Geriel. Geriel has always been energetic. Mahihiya ang energizer battery sa taas ng energy niya pero ngayon ay mukhang lowbatt na lowbatt ito.

Umiling na lamang ang dalaga saka sumandal sa backrest ng passenger seat ng kotse ni Cyrus. Nag-aabang siya ng jeep sa may 711 na nasa tapat ng condo ni Vin nang dumaan ang kotse nito. Nag-offer ito na ihahatid siya kung saan man siya pupunta at dahil magaan ang loob niya sa binata ay sumama siya dito.

Hulog talaga si Cyrus ng langit! Dumadating kapag kailangan niya!

"Something is wrong I can feel it." Seryosong sabi sa kanya ng kasama.

Pero ngumiti lang ng tipid si Geriel saka ipinikit ang kanyang mga mata.

Yes! Definitely something is wrong pero hindi n'ya matukoy kung ano ba ang mali.

Silenced by a Kiss -To Be Published-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon