TWENTY-FOURTH KISS 2/3

1.6K 33 5
                                    

"Papa. Ang daya mo talaga! Umalis ka agad. Iniwan mo ako. Mag-isa na lang tuloy ako." Hikbi ni Geriel sa puntod ng ama. He died a few years ago at sariwa pa rin sa ala-ala ni Geriel ang mga sandaling iyon. It happened on one Christmas Eve during a family gathering. Iyon na rin marahil ang dahilan kung bakit ayaw niya sa usaping pamilya at sumama sa mga Christmas parties. Hindi naging madali para sa kanya ang kalimutan ang bagay na iyon. Turning back from the past makes her forget her own life, maging ang sariling buhay ay tinalikuran na rin niya. She is no longer the young Mariel who values family so much. To her, family is a non-existent word.

"Sinasabi ko na nga ba at dito lang kita makikita." Natigilan si Geriel sa pagmumunimuni nang marinig ang pamilyar na boses. Ilang araw na rin ang nakalipas mula nang huling beses niya itong narinig. Dahan-dahang lumingon ang dalaga at tumingala.

Sa likuran niya ay nakatayo ang pamilyar na lalaki. Ang pinagtataka niya ay kung bakit ito naroon at kung paano siya natunton nito. Sa pagkakatanda niya ay walang nakaka-alam kung saan siya pumunta, wala ring may alam ng pinagdaanan niya noon. Kahit pa mga kaibigan niya ay hindi alam ang lugar na San Joaquin kung saan siya lumaki.

Paano napadpad ang binata doon?

"Surprise?" nakangising tanong ng binata. Tumango lamang si Geriel sa kawalan ng sasabihin. Batid ni Geriel na palagi na lamang siyang nawawalan ng masasabi. Nauubos na ata ang bala ng machine gun niyang bibig.

"Paano? Bakit?" Tumayo si Geriel. Inilahad naman ng binata ang isang kamay para alalayan siya nang mawalan siya ng balanse.

"I knew this place by heart. My Dad lies here." The guy sighed heavily. Nakatingin si Geriel sa magkahawak nilang kamay pero wala roon ang pamilyar na kuryente kapag si Vin ang nakahawak sa kanya. Somehow, she felt not like herself.

"Your dad?" Nagtatakang tanong niya.

"Yeah. He's here." He stepped forward and glanced at the tomb just behind her.

"Hi dad!" Nakangiting bati pa nito sa puntod. Nanlalaki ang mga matang lumingon pabalik si Geriel. Nakasulat doon ang pangalang " Mariano Mendoza" the name of her father.

"Guess it's time to introduce myself to you. I'm Cyrus Mendoza. Your brother."

"My what?!?"

"I know this surprised you. It surprised me either pero mula noong makita kita, I had this feeling that you're the one I've been looking for."

Halos manghina ang tuhod ni Geriel sa nalaman. Alam niyang mayroong unang pamilya ang ama pero hindi naman niya inasahan na palagi niyang kasama ang unang anak nito. Nalaman niya iyon nang iwan sila ng kanyang ama pero isang pasko ay binalikan sila nito. Iyon na rin ang huling beses niyang nakasama ang ama.

Anak ng pastillas de leche! Talaga nga bang kuya niya si Cyrus? Isang beses pa nga'y niyaya niya itong halikan siya. Pusang gala! Nakakahiya!

"Bakit hindi mo agad sinabi sa akin? At kung talagang ikaw 'yung anak ni Papa bakit ni minsan ay hindi kita nakita noon?"

"Kung sasabihin ko sa iyo agad baka ipagtabuyan mo lang ako. Isa pa, nagkita na tayo dati pero sobrang bata mo pa noon para maalala."

"Bakit kita ipagtatabuyan?"

"Dahil iniwan ka ni Daddy at bumalik siya sa amin."

Nalungkot si Geriel sa narinig. Totoo iyon, iniwan siya ng kanyang ama at bumalik sa una nitong pamilya.

"Pero..."

Muling tiningnan ni Geriel ang binata. Bakas sa mukha nito ang lungkot at panghihinayang.

"Kahit naman kasama namin siya ay kayo pa rin ang inaalala niya. Marahil kami ang legal niyang pamilya pero ang puso niya ay naiwan sa inyo. Alam kong mahal ako ni Daddy pero hindi sapat iyon para talikuran niya kayo. Bumalik siya sa amin dahil ayaw niya kayong mahirapan lalo pa't alam niyang babawian siya ng buhay. Pero sa huling sandali ay kayo pa rin ang gusto niyang makasama." Kasabay ng pag-agos ng luha ni Geriel ay ang mga luha ni Cyrus. Parang kinukurot ang puso niya sa mga nalaman.

"Nagalit ako noon. Galit na galit ako sa'yo. Inggit na inggit ako. Bakit ang swerte mo? Bakit ikaw ang laging pinipili ni Daddy? Alam mo ba kung bakit kita hinahanap? Iyon ay para sisihin kung bakit nawala sa akin si Daddy. Pero nung makilala kita, nabago ang lahat at tanging nasa isip ko na lang ay tuparin ang huling kahilingan ni Daddy, ang ibigay sa iyo ang karapatan mo bilang isang Mendoza. Alam kong hindi madali ang mga pinagdaanan mo mula nang mawala si Dad. Pina-imbestigahan ko iyon. You deserve the rights of a Mendoza, Ikay." Umaagos man ang luha ay nakuha pa ring ngumiti ni Cyrus. "You're really too young then that you can't even remember the boy who calls you Ikay."

And memories flash like a bullet train.

It happened many years ago. Isinama siya ng kanyang ama sa Maynila para mamasyal nang may lumapit na isang batang lalaki sa kanila. Pinakilala siya ng ama sa batang iyon. The last thing she could remember is when the boy waved goodbye at him while saying "Ikay."

"KUYA!" humakbang papalit si Geriel sa binata at niyakap ito ng mahigpit. Just when she thought she has no one to turn to ay dumating naman ito.

"Stop living with the ghosts of the past Ikay. I know you're still hurting."

"Pero kuyaaaa."

"Hush!!! Let's see your Mom."

Biglang kumalas sa pagkakayakap ang dalaga at nanlalaki ang matang tinitigan ang nakatatandang kapatid. Para itong tinubuan ng tentacles sa paningin niya.

"AYOKO!"

Silenced by a Kiss -To Be Published-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon