PRELUDE

8.3K 117 14
                                    

Silenced by a Kiss

Author's Note:

This story can stand alone pero kung gusto nyong malaman ang buhay ng ibang characters, you can read Just Believe and Royal Astra.

...

...

PRELUDE

"You know what, you are beautiful and sweet and understanding; and a lady like you deserves to have a prince. There is no doubt that any man could possibly fall for you, but I'm sorry because I am not him. I could never be him."

Patuloy ang pag-agos ng luha ko habang sinasabi niya ang mga katagang iyon. Napakagandang pambungad naman ito sa pagsisimula ng kuwento ko. Umpisa pa lang ay winasak na ang puso ko. Grabe ah! Agad-agad na! Wala man lang segway.

Ang sakit! Sa sobrang sakit ay parang tinutusok ang abang puso ko. Bakit kailangan pa niyang bigyan ako ng mga mabubulaklak na salita kung sa huli ay dudurugin din niya ang puso ko? Sana ay sinabi na lamang niya ng deretsahan. Hindi na sana siya nagpaligoy-ligoy pa.

Ngayon nga lamang ako nagkaroon ng lakas ng loob na aminin sa kanya ang aking nararamdaman, ialay sa kanya ang aking puso't damdamin, ipagsigawan sa mundo ang pagmamahal ko sa kanya...

Pero nabasted lamang ako.

"You can still find someone who can love you in return."

Kung anu-anong mura na ang pumasok sa isip ko nang marinig ko ang sunod niyang sinabi. Ilang sine, nobela at telenobela na ba ang nakapagbitiw ng ganoong linya? Wala ba siyang originality?

Pero bakit kahit gaano ka-cliché at kagasgas ng linyang iyon ay napakasakit pa rin na marinig? Kung noon ay natatawa na lamang ako kapag nababasa o napapakinggan ko iyon, ngayon ay hindi. Hindi ko magawang tumawa dahil tagus-tagusan ang sakit. Masakit pala kapag sa iyo mismo sinabi ng taong pinapangarap mo. Ng taong kahit anong mangyari ay hindi mo maabot. He's just so unreachable.

At ni hindi ko magawang magsalita. Nanatili akong tahimik habang bumabagsak ang luha ko. Nakatingin lamang ako sa mukha niya at nakikita ko ang expression nito. Hindi ko rin mahanap ang dila ko. Para bang umurong na lamang ito. So ganoon na lang iyon? Hindi ko maipaglalaban ang pagmamahal ko sa kanya.

Bakit ba naduduwag ako? Bakit ba natatameme ako?

"I'm sorry." Puno ng sinsiredad niyang sabi bago niya ako tinalikuran... iniwang luhaan at wasak ang puso.

"Waaa~ CMLSS" tila ba nahanap ko ang aking dila nang nawala na siya sa aking paningin. Kusang lumabas sa bibig ko ang mga hinaing na hindi ko magawang sabihin kanina.

I've never been mute in my life. No one and nothing could ever render me speechless...

Maybe except HIM.

Silenced by a Kiss -To Be Published-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon