TWENTY-SECOND KISS 2/2

1.7K 39 7
                                    

...

Patuloy ang pag-agos ng luha ni Geriel habang pinagmamasdan niya ang likod ni Vin na unti-unting lumalayo sa kanya. He said she was trapped with him pero bakit parang ito mismo ang lumalayo?

Napahagulhol na lamang siya ng tuluyan itong nawala sa kanyang paningin. Bakit nga ba s'ya umaasa sa isang bagay na imposible? Ganoon ba talaga kahirap ang magmahal?

She remembered her first heartbreak, it was Charles Jonah Angeles. She cried out loud and Vin was there to silence her with his kisses. But now, she's crying and there's no Vin Alden to stop her from doing so. In fact, he was the reason.

Panay ang pagpunas niya sa kanyang mga mata pero kahit ano man ang gawin n'ya ay hindi ito tumitigil sa pagluha. Bakit ba ang pasaway ng mga luha niya? Bakit ba ayaw huminto ng mga ito? Nakakaloko lang!

Napahawak sya sa labi n'ya. Her lips were the witness of everything between her and Vin, ang pagiging away-bati nila, ang pagiging pala-utos nito maging kung paano ito nagkaroon ng emotional breakdown. His kiss started it all, and maybe his kiss will end it.

...

"Fuck! Fuck! Fuck!" sunod-sunod na mura ang pinakawalan ni Vin bago siya dirediretsong pumasok sa loob ng bathroom. "Anak ng pucha!"

Binuksan n'ya ang shower at hinayaang mabasa ang sarili. Muli niyang inalala ang nangyari pagdating niya sa condo. Uminom siya ng konti pero hindi naman siya lasing. Gusto niyang kausapin si Geriel para maklaro ang mga bagay bagay pero nauunahan siya ng mga daga sa dibdib nyia. "Tang'nang buhay!" singhal pa niya bago tuluyang sinipa ang tub sa may gilid.

Ipinikit niya ang mga mata. Nakikinikinita n'ya ang mga ngiti ni Mariel, ang mga ngiti nito kapag kasama si Cyrus.. ang pagngisi ng binata sa kanya noong nagdaang araw.

Kanina lamang ay kinumpronta n'ya ito, sinabihang layuan si Geriel pero ngumisi lamang ang binata siya kanya.

...

"Why are you acting like a brat dude?"

"Wala kang paki-alam. She's my fiancée. Akin sya! Akin lang!"

"Fiancee. Hindi pa kayo kasal. I can always take her away from you."

...

Iminulat n'ya ang kanyang mga mata saka sinuntok ang pader. "Not a chance Cyrus! Not a chance!" gigil na saad niya saka muling sinuntok ang pader.

"She would never leave me. I would never let her go."

...

Dahan-dahang pinihit ni Geriel ang doorknob ng pinto ng kwarto ni Vin. Sumilip pa siya bago tuluyang pumasok sa loob. She made up her mind and there's no backing out. She needs to find herself, hindi na niya masyadong mahanap ang sarili dahil masyado siyang nagpakulong sa trap na inihain sa kanya ng binata.

Vin wants her to stay close to him pero dahil sa mga ginagawa nito ay para na rin siyang itinutulak palayo.

Dahan-dahan syang lumakad patungo sa kama ng binata. Nandoon si Vin at natutulog. Bahagyang nakakunot ang mga noo nito. Kahit sa pagtulog ay mukha pa rin itong galit.

"Hanggang sa panaginip mo ba naman ay galit ka sa akin? Ang daya na ah." Bulong ni Geriel. Muli na namang bumagsak ang mga luha n'ya. Naglandas ang daliri niya sa pisngi nito papunta sa bahagyang nakaawang nitong mga labi.

"Sorry Vin pero hindi ko na kayang manatili sa tabi mo. I'm sorry." Pinunasan niya ang mga luhang dumadaloy sa pisngi niya.

"You made me silent by kissing me but you made my heart shout your name." Unti-unti ay inilapit niya ang mukha n'ya sa mukha ng binata at inilapat ang labi niya sa labi nito.

Ibubuhos niya ang lahat sa halik na iyon, ang pagmamahal niya dito. She wanted to remember this kiss. This last kiss.

Because she is sure as hell that she would never allow any man to kiss her like Vin Alden Acosta did.

Silenced by a Kiss -To Be Published-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon