POSTLUDE

1.3K 28 13
                                    

POSTLUDE

Vin.Alden.Acosta

"Gusto ko ng chocolate!" Lumabas ako ng condo at bumili ng isang box ng chocolate sa 7/11. Buti na lamang at may branch noon sa tapat ng building. Pagkabili ko ay mabilis akong bumalik sa unit ko.

"Eto na chocolate mo." Tumingin lang siya sa akin ng saglit saka kinuha ang box na inabot ko sa kanya at ibinalik ang tingin sa TV, ni hindi man lang ako nginitian.

Tss... isip bata talaga! Nanonood na naman ng doraemon. Ano bang meron sa pusang 'yun at mas madalas pa niya tingnan kaysa sa akin?

Umupo na ako sa tabi niya dahil sa totoo lang, pagod na ako. Kanina pa ako pabalik-balik. Akyat-baba dito sa building. Kung anu-ano kasing pinapagawa at pinapabili sa akin ng kasama ko.

Konti na lang iisipin ko na naglilihi siya, pero imposible naman.

"Yaaa~ tapos na!" sigaw niya. Kahit kailan talaga ay ang lakas ng boses niya. Buti hindi pa ako nabibingi. "Hoy panget!" humarap siya sa akin at ngumisi, Tss. Paniguradong may iuutos na naman ito.

"Tapos na 'yung doraemon! I-play mo yung next season! Saka ibili mo ako ng Lay's! ubos na eh." Sabi niya habang ngumu-nguya nguya pa ng chocolate.

This time, I snapped! Dahil siguro sobrang exhausted na ang katawan ko. "Bibili na naman?! Can't you even see, pagod na ako!" Naisabunot ko na lang ang daliri ko sa buhok ko. Ngayon lang may nagpahirap sa akin ng ganito!

S'ya lang ang nakakapag-utos sa akin ng wagas!

"Nagrereklamo? Nagrereklamo?" Nakakunot ang noo niyang sabi.

"Sabi ko nga 'di ba? Bibili na ng Lay's, Master!" Tumayo na ako, inayos ang DVD saka lumabas para ibili siya ng Lay's.

...

"Anong nangyari sa iyo at mukha kang nakipagkarera sa kabayo? Mukha kang pagod." Curious at concern na tanong ni Nichol habang nagbabayad siya ng mga pinamili niya.

"Paano kasi 'yung Master ko, makapag-utos, wagas!" napakamot na lang ako sa ulo ko.

Tae! Ang hirap pala maging slave! Pero wala naman akong choice! Ako ang nagsuggest sa kanya na gawin namin ulit ang Master-Slave deal naming. Siya naman ang Amo at ako naman ang Alipin. Noong una nga ayaw niya dahil tapos na naman iyon pero nagpumilit ako. Sabi ko sa kanya na handa akong maghirap alang-alang sa pagmamahal ko sa kanya.

At heto ako ngayon, pinahihirapan niya ng sobra! Pero on the other hand, masaya ako. Dahil pinaghihirapan ko ang kaligayahan ko.

"Now you know the feeling of being a slave! Is it fun?" natatawa naming kumento ni Nichol. "She's lucky to have you."

"No! I'm luckier." Sagot ko na may malapad na ngiti.

"Ang corny mo na talaga!" nagbeso lang siya sa akin saka nagpaalam at lumabas na ng convenience store. Ako naman ay bumalik na sa condo unit ko matapos kong bayaran ang binili ko.

"Bakit ang tagal mo?" Nagtatakang tanong ni Master sa akin.

"Nakita ko si Nich sa 7/11" Sagot ko naman saka ko siya tinabihan sa sofa.

"Ah!" Sabi niya saka kinuha ang Lay's na pinabili niya pero imbes na buksan ay ipinatong lang niya sa table. Isinandal ko naman ang likod ko sa sofa at instretch ang binti ko. Pweh! Kapagod!

"Napagod ka ba?" Tanong niya sa akin saka niya hinawakan ang magkabilang pisngi ko tapos inilapit niya ang mukha nya sa mukha ko. "I'm sorry, napagod yata talaga kita." Punong-puno ng sincerity na sabi niya.

"Okay lang, wala lang naman ang pagod na ito kumpara sa mga pagod na dinanas mo noon nang dahil sa akin at isa pa, kahit kailan ay hinding hindi ako mapapagod na mahalin ka. I will always love you baby..." Nakita ko naman siya na nagblush. Ang cute niya talaga kapag namumula.

Silenced by a Kiss -To Be Published-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon