SEVENTH KISS
'Ano bang problema ng isang ito? Bigla na lang naging masungit. Kanina lang ay parang baliw na tawa ng tawa tapos ngayon ay hindi man lang namamansin. Napakamoody ng alien na 'to. Sapatusin ko kaya.'
Naisa-isip na lang ni Geriel. Bigla na lamang nanahimik ang binata. Nagpatuloy lang ito sa pagdadrive ng mabilis na parang nakikipagkarera kahit wala namang kalaban at mula nang umalis sila ng parking lot ay hindi pa siya nito kinakausap.
Sinong nagsabing nakakabingi ang katahimikan?
Hindi iyo totoo!
Dahil ang katahimikan....
Nakakabaliw!
Pakiramdam ni Geriel ay mapapanis na ng tuluyan ang laway niya. Sobrang tahimik talaga ni Alien, nakakapanibago. Seryosong seryoso lang ito at diretso lang na nakatingin sa daan habang nagmamaneho. Kahit isang salita ay wala itong binitiwan.
Parang mas gusto pa niya ang alien na kinukulit, inaasar at binubuwisit siya. At least alam niyang hindi galit sa kanya ang lalaki. Haist!
Paano ba niya kakausapin si alien? Ang awkward naman masiyado!
"Paano ko ba pagsasalitain ang alien na ito? Napipi na yata?" Tanong pa ni Geriel sa sarili.
A. Babatukan?
B. Hahampasin sa braso?
C. Aagawin ang manibela?
'Eh 'di nabangga naman kami niyan kung mag-aagawan kami sa driver's wheel'
D. Hahalikan?
"WHAT!?! NO!?!Erase! Erase! A kiss is to silence you and not to make him speak! Waaaahh! Geriel... Baliw ka! Baliw!" Sermon pa niya sa isip niya habang binabatukan ang sarili.
---
Napasulyap si Vin sa nakaupo sa passenger's seat. Mukhang tanga lang si Mariel. Hinahampas pa talaga nito ang sarili.
"Ano naman kayang naisip ng baliw na tyanak na ito? Hindi lang sadista. Masokista pa. Sinasaktan ang sarili... praning."
Gustuhin man niyang pigilan ang dalaga sa ginagawa nito ay hindi niya magawa dahil nakakatuwa talaga itong panoorin. At hindi na napigilan ni Vin when a chuckle escaped his mouth.
---
Nahinto si Geriel sa pagpaparusa sa kanyang sarili nang may narinig siyang tumatawa. Nilingon lang niya ang nagmamaneho ng sosiyal na kotse. Tawa lang nang tawa ang kasama, naningkit pang lalo ang mga mata nito. Hindi kaya ito kabagan sa katatawa?
"Pinagtatawanan ba ako ng mokong na ito?" Tanong pa ni Geriel sa isip niya. "Ay hindi Geriel! Iba ang pinagtatawanan niya, kita mong kayo lang dalawa ang nasa kotse."
Hindi pa rin humihinto sa pagtawa ang binata habang nagmamaneho. Hindi kaya mabangga sila dahil sa katatawa nito?
Pinagmasdan lang ni Geriel si Vin habang nagdadrive ito. Hindi pa rin maalis ang malokong ngiti nito. Ilang beses niya na'ng natitigan ang mukha nito pero ngayon lang niya ito nakita na tumatawa ng wagas... na masaya ito. How could a man as handsome as him have so many personalities?
Ano daw? Handsome?!?
Dumako ang mga mata ni Geriel sa ilong nito. Matangos. Sa pisngi nito na namumula na dahil sa katatawa at sa mapupulang labi nito na ilang beses na rin na nagpatahimik sa kanya.
"Sabaa pud aning alien-a oy. Gitakaw-an paku! Halukan kaha naku ni para mahilom?"
'WHAT!?! Erase! Erase! Geriel ano ba? Praning ka na!' At sinampal sampal pa niya ang magkabila niyang pisngi.
BINABASA MO ANG
Silenced by a Kiss -To Be Published-
Chick-LitShe is the noisiest person he has ever met. Vin has never had patience for annoying females, lalo na sa nang-iistorbo ng pagtulog niya. Geriel Mariel Marasigan-Maingay had just messed up with the wrong guy. Her loudness annoyed him to hell and back...