SIXTEENTH KISS

1.8K 38 5
                                    

SIXTEENTH KISS

"Saan ba tayo pupunta?" Hindi na mapigilan ni Geriel ang magtanong. Matapos ang nakakalokang eksena sa library ay natagpuan na lamang niya ang sarili n'yang hinahatak ni alien. Para naman s'yang wala sa sariling nagpatangay dito.

At ngayon ay nasa loob na sila ng kotse ng binata. Para itong timang na ngumunguso para pigilan ang pagngiti habang kumakanta. Sinasabayan marahil nito ang kung anuman ang naririnig sa suot na headset.

Humugot si Geriel ng malalim na buntong hininga nang hindi agad sumagot ang kasama. Nakatuon ang pansin nito sa daan habang nagmamaneho. Hindi maiwasan ni Geriel na matulala habang pinagmamasdan ang mukha nito. Matagal n'ya na'ng kilala ang manyak na alien pero bihira ang pagkakataon na natititigan n'ya ito kapag magkasama sila. Madalas s'yang mag-iwas ng tingin dahil siguradong aasarin lamang s'ya nito kapag nahuli syang nakatitig.

Madalas n'yang sabihan ito na mukhang alien pero aminado naman siya sa sarili n'ya na gwapo ito. Lumilitaw ang malalim na dimples nito kapag ngumingiti o ngumunguso. Lumipat ang tingin niya sa mamula-mulang labi nito. Ano bang meron ang mga labing iyon at parang magnet na nanghihila? Parang gusto tuloy niyang mag-ingay. Halos sabunutan ni Geriel ang sarili dahil sa biglang naisip. Nababaliw na nga siya.

Napansin n'ya ang biglang pagsulyap ni Vin sa kanya kaya nag-iwas siya ng tingin.

"Laway mo tumutulo." Humalakhak pa ito ng mapang-asar. Napasimangot si Geriel sa tinuran nito.

"Feeling gwapo. Alien naman." Bulong pa n'ya sa sarili. Mabuti na lang at naka-headset ang mokong kundi baka narinig siya nito.

...

Hindi pamilyar kay Geriel ang lugar na binabagtas nila. Isang oras na yata sila sa byahe at gustong gusto na niyang malaman kung saan ba sila pupunta.

Kaya sa pangalawang pagkakataon ay tinanong n'ya ito.

"Lunch with my relatives. Gusto na raw nilang makilala ang soon-to-be Mrs. Vin Acosta."

"Huh?" Napatulala si Geriel sa sagot ni Vin. Parang naghang ang utak n'ya sa narinig. Naglinis naman s'ya ng tenga. Imposibleng mali ang narinig niya.

"Magpapanggap na naman ba tayo?" usisa ni Geriel para itago ang kabang nararamdaman. Halos mabasag ang boses niya dahil parang may bumabara sa kanyang lalamunan. Lumunok siya saglit at ibinalik ang tingin sa daan.

Hindi naman sumagot ang kasama niya bagkus ay nagkibit-balikat lamang ito at ngumisi.

Naikunot na lamang ng dalaga ang kanyang noo. Ano bang topak mayroon si Vin Alien ngayon? Bakit para yatang pa-weird ito ng pa-weird habang dumaraan ang mga araw?

...

"I want you to stay close to me and never go away." Bulong ni Vin pagkababa nila ng kotse. Nanindig ang balahibo ni Geriel. Hindi n'ya alam kung dahil ba sa narinig o dahil nakikiliti siya sa hininga ng binata na dumadampi sa likod ng tainga niya.

O pwede namang pareho.

"Remember this Mariel, you are trapped with me." Mas lalong nanindig ang balahibo niya. Nakakakilabot pa rin kapag tinatawag siya nito sa pangalang iyon.

"One complaint, you'll be rendered to silence. iCall me alien and you know what's going to happen." Narinig pa niya ang pagngisi nito saka nya naramdaman ang paglandas ng kamay nito sa braso niya pababa sa kanya kamay. Nahapit na lamang ni Geriel ang kanyang hininga nang ipulupot ni Vin ang mga daliri nito sa daliri niya. Naroon na naman ang pamilyar na paghuhuramentado ng kanyang dibdib. Ang bilis bilis ng takbo ng puso niya na parang kasali ito sa olymics decathlon.

"Time to meet my family, baby."

...

"BEE?" nanlaki ang mga mata ni Geriel nang makita n'ya si Yvonne sa loob ng bahay na pinuntahan nila ni Vin. Halos masapak niya ang sarili. Bakit hindi man lang n'ya naalala na mag-pinsan ang dalawang ito at posibleng nandoon din ang bestfriend niya? Masyado na ba talagang natuon ang pansin nya sa binata?

Muli n'yang naalala kung paano nagsimula ang lahat. Dahil sa sobrang pag-aalala niya sa bestfriend ay nagpatianod na lamang siya sa kagustuhan ni Vin.

"If I haven't decided to be with him, would I ever feel this kind of weird feeling?" naitanong na lamang niya sa sarili. "And now that he asked me to stay, gagawin ko ba? Would I stay close to him? What could possibly happen if I stay?"

"Oh My God Bee!" gulat na sabi ni Yvonne. Nakita niya ang paniningkit ng mga mata nito noong makita silang magkasama. Naglakbay pa ang paningin nito at tumititig sa magkahugpong nilang kamay.

"You have a lot of explaining to do Superlove." Nakangising sabi ni Yvonne kay Vin.

Oh dear! They're busted!

Silenced by a Kiss -To Be Published-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon