"Ayoko talaga..." pagpupumilit ni Geriel saka tinalikuran ang nakatatandang kapatid pero pinigilan siya nito sa pamamagitan ng paghawak sa braso. Muling sumilip si Cyrus sa bintana saka umiling.
"Kailangan mong gawin Ikay..."
"No! Ayoko! Hindi ko gagawin. Ayokong matulad sa kanya!" pagpupumiglas ng dalaga kaya't mas hinigpitan ni Cyrus ang paghawak nito sa kanya.
"CYRUS!!!"
"Sa ginagawa mo ngayon, hindi ba't katulad ka na rin niya. It's time to say goodbye, Ikay. Hindi mo kailangang talikuran ang sarili mo just because you are hurting. Bid farewell to the past Sis, it's the only way for you to move forward."
Naikunot ni Geriel ang noo sa narinig. Oo nga't kuya niya itong kasama pero sino ba ito para paki-alaman ang buhay niya. She lived eighteen years without him and she could do better than that.
"Sino ka ba para pakialaman ako? Wala kang alam sa pinagdaanan ko. Who are you to judge Cyrus? You're just my freaking half brother." Sigaw niya at kasabay noon ay ang pagbagsak ng kanyang mga luha. Hindi ba mauubos ang mga ito? Ilang percent na lang ba ang tubig sa katawan niya?
"I know everything Ikay. From the day you were born at nasira ang pamilya ko mabuo lang ang sa'yo... from the day dad died, maging noong umalis ka dahil naduduwag ka. I did my best to find you. And here you are, palalagpasin ko pa ba ang pagkakataon para ibalik ang nawala sa'yo. You lost a family Ikay because you chose to run away."
"I don't have a family. Ever since Papa died. Wala na akong pamilya. Kapatid lang kita sa papel."
"You have a family. You have me. You have Tita Marietta." Hindi na napigilan ni Geriel at pagdausdos ng mga luha sa kanyang pisngi. Parang kinukurot ang kanyang puso dahil sa pagbanggit nito ng pangalang iyon. She hasn't heard that name for ages. Hanggang ngayon ay naiwan pa rin ang sugat sa puso niya.
When her father died ay hindi na niya naranasan pang magkaroon ng pamilya. She had a mother pero hindi na niya naramdaman pa ang pagiging nanay nito sa kanya. She felt abandoned. Dalawa na nga lamang sila sa buhay pero ganoon pa ito sa kanya. Sa pagkamatay ng kanyang ama ay parang nawala na rin ang kanyang ina. She might be breathing but lifeless. Palagi itong wala sa sarili. Laging nakatulala. Hindi na siya inaasikaso nito.
Geriel grew up doing things for herself. She aced her classes and graduated as valedictorian pero wala ang ina para alalayan siya.
Right there and then, she promised that she'll never be like her mother. Makakakuha siya ng atensyon mula sa iba, magiging malapit siya sa ibang tao. She would never feel alone again.
That is why right after graduating in high school ay umalis si Geriel sa bahay nila at nagpunta sa Maynila para mag-aral. She wants to live her life. She wants to be loved by others. She doesn't want to be like her mom.
"She needs you Ikay." Bulong ng binata sa kanya habang pinupanasan ang kanyang pisngi.
"She was never there for me." hikbi pa niya. Napahagulhol na siya nang yakapin ni Cyrus. Saglit itong huminto nang marinig niya ang pagcreak ng isang pinto.
Doon ay lumabas ang inang matagal niyang hindi nakita. Nakasuot ito ng bestidang puti na bahagyang maputik ang laylayan. Magulo ang mahaba nitong buhok at may nakaipit pang daisy sa kanang tainga nito.
"Lagi ka niyang hinahanap. Lagi niyang tinatanong kung kailan daw babalik ang baby niya." Nanlalaki ang mga matang tiningnan ni Geriel ang binata.
"She cares for you. You're just too blinded not to see."
...
Tahimik lang na pinapanood ni Geriel ang ina na palakad-lakad sa may halamanan. Naka-paa lang ito ay may mga paltos na ang paa. Katabi niya sa kotse si Cyrus na patuloy ang pangungumbinsi sa kanya na harapin ang ina.
"You love Vin, don't you? You're just too afraid that he'll leave you. Takot ka na matulad sa iyong ina ang pagtrato niya sa'yo."
Bull's eye! Parang palasong tumama, straight sa target ang sinabi sa kanya ng kapatid. "How can you trust him if you can't even trust yourself? You're Genicka Mariel Marasigan, wala kang inuurungan, hindi ba?"
That's right. Hindi siya mahina. She created a tough and cunning Geriel. She could be someone she likes.
BINABASA MO ANG
Silenced by a Kiss -To Be Published-
أدب نسائيShe is the noisiest person he has ever met. Vin has never had patience for annoying females, lalo na sa nang-iistorbo ng pagtulog niya. Geriel Mariel Marasigan-Maingay had just messed up with the wrong guy. Her loudness annoyed him to hell and back...