TENTH KISS

2.1K 50 8
                                    

TENTH KISS

Maagang pumasok si Vin sa university, sakto namang nakatambay sa Greenhouse ang kaibigan niyang si Nichol at mukhang busy sa sketchpad nito.

Siguro ay ito na ang pagkakataon para mag-usap sila. Hindi pa rin nawawala sa isip niya ang mga sinabi nito noong nakaraan.

"Hello there, pretty." Nakangising bati ni Vin.

"O! Acosta! Buhay ka pa pala." Sarkastikong tugon ni Nichol at nakataas pa ang forever nitong nakataas na kilay. Napapailing na lamang ang dalaga. Paano ba nito nagagawang ngumisi gayong may pinagdadaanan silang hindi maganda?

"Masyado akong gwapo para mabura sa mundo ng maaga." He said smirking at her saka siya umupo sa tabi nito.

"Conceited much!" Tugon nito saka umirap.

"No. Just stating a fact." And he grinned.

"Walang kakupas-kupas! Mahangin pa rin!" at sabay silang tumawa. Just like the old times. Just like the way they used to be.

"Anong masamang hangin ang nagdala sa iyo dito? Wala ka bang babae ngayon?" Curious na tanong ng dalaga. Ano kayang nakain ni Vin at nagpakita siya dito.

"Wala akong babae ngayon, isang buwan na yata. Don't ask me why. Hindi ko rin alam." Napakamot na lang si Vin sa ulo. "And I'm here because we need to talk." His mood suddenly changed, bigla itong naging seryoso. At kapag seryoso ang isang Vin Alden Acosta ay wala ka ng magagawa kundi ang manahimik at makinig na lamang.

Humugot si Nichol ng malamim na buntong hininga saka isinantabi ang mga gamit. "Yeah. We have to."

"Hindi pala bagay sa atin na sabay tayong seryoso. Kapag sabay tayong sumabog.... sobrang riot." Nichol said suddenly remembering what had happened over a week ago. Her face flushed when she remembered what really caused their trouble.

"Oo nga e, kalimutan na lang natin iyon." Nakangiting sabi ni Vin. He knows na mahirap kalimutan ang bagay na iyon but it is the best thing to do.

"Kalimutan?" Nagtataka namang tiningnan ni Nichol ang kaibigan. Forgetting is such a big word. "Bakit Acosta?" She asked him with confusion and concern. Afterall, they were friends. "Kaya mo na ba? Kaya mo na bang kalimutan siya?"

Silence. An awkward silence followed.

"Hindi ko rin alam." Mahinang sabi ni Vin, breaking the silence between them. "Hindi ko rin alam kung kaya ko na. Pero..."

Naiyuko na lang ni Vin ang ulo niya, realizing na mas magandang makipagtitigan sa sapatos niya kaysa sa ibang bagay. He might have been the epitome of arrogance but when it comes to dealing with the past, he was nothing but a coward.

"Wala naman sigurong masama kung susubukan ko." Vin quirked up a small smile upon realizing what he just said. He is willing to try, he is willing to live his life again.

"Nakamove on ka na ba?" Isa muling curious na tanong ni Nichol.

"Ewan!" Vin looked up and face her. "Pero hindi na ganoon kabigat dito." Sabi niya at itinuro pa ang kanyang puso with his forefinger.

"Naknang! Acosta ikaw ba 'yan?" Nichol eyed him scrutinizingly. "Ang corny mo pre!"

"Hahaha!" At sabay silang tumawa. The tension from last week's event completely forgotten.

"In fairness, nakakamiss ka pala malanding nilalang."

"I miss you too Nichbabes!"

The manhater and the playboy

Sinong mag-aakalang magiging malapit silang magkaibigan?

...

Nakasimangot na umalis si Geriel sa Greenhouse ng university. Naiinis siya sa eksenang nadatnan. Bakit kasi doon pa siya hinila ng kanyang mga paa para makapagrelax, nakakastress kasi ang mga nagdaang araw.

Silenced by a Kiss -To Be Published-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon