TWENTY-SECOND KISS 1/2

1.7K 36 5
                                    

TWENTY-SECOND KISS

Never thought we'd have a last kiss
Never imagined we'd end like this
Your name, forever the name on my lips ♪♪

(Last Kiss: Taylor Swift)

...

Tinanggal ni Geriel ang headset na suot saka muling sinipat ang relo n'ya. Alas-dose na ng hating-gabi at hindi pa rin siya makatulog. Panay ang pag-aabang n'ya kung magbubukas ba ang pinto ng unit na tinuluyan n'ya pero ilang oras na ang nakalipas ay wala pa rin.

Umaga pa umalis si Vin at hindi ito nagpaalam kung saan man ito pupunta. Sabagay, sino ba naman s'ya para malaman pa ang whereabouts ng binata? Isa lamang s'yang slave nito.

Nagpakawala s'ya ng malalim na buntong hininga bago humiga sa sofa. Mahina na ang aircon pero ang lamig lamig pa rin, sabagay, malapit na ang pasko. At hindi n'ya inaabangan ang araw na iyon. To her, Christmas is just another ordinary day, nothing special. Ni hindi s'ya umaattend ng mga Christmas parties. Kahit pa pilitin s'ya ng Bee Tribe ay hindi pa rin sya sumasama.

"Fuuuu~ Inaantok na ako." Kinusot kusot pa ni Geriel ang mga mata saka pumikit. Itutulog na lamang n'ya ang lahat, ang lahat ng gumugulo sa isipan niya.

...

"Merry Christmas Mariel." Nagtatalon sa tuwa ang batang si Geriel noong nakita ang lalaking pumasok sa loob ng bahay nila. Matangkad ito at sobrang payat. Malalim ang mga mata nito at halos kulubot na ang balat. Tinitigan n'ya ang lalaki saka ilang ulit na kumurap, hindi s'ya makapaniwala sa nakikita. Ibang iba ito noong umalis ito ilang buwan na ang nakakaraan.

Dimamba n'ya ito ng tuluyan nang marealize na hindi sya nililinlang ng kanyang paningin. Totoo ang nakikita n'ya, umuwi ang lalaking iyon sa araw ng pasko. Iyon na yata ang pinakamagandang Christmas Gift na natanggap niya.

"Papa..." untag nito habang buhat-buhat siya ng lalaking iyon. "Namiss kita Papa, akala ko hindi ka na uuwi. Wag mo na ako iiwan ah..."

Sabi pa n'ya dito at hinalikan sa pisngi ang ama.

At iyon na pala ang huling halik na maibibigay n'ya sa ama.

...

"PAPA!" sigaw ni Geriel kasabay ng pagbalikwas n'ya sa hinihigaan. Ilang taon na ba ang nakalipas pero bakit hindi siya tinatantanan ng ala-alang iyon?Uumalis na siya ng San Joaquin. Pilit niya na'ng tinatalikuran ang lahat pero bakit kailangan pang bumalik ng mga ito?

Dahil ba nagsisimula na naman syang maging malapit sa isang tao? Dahil ba umaasa s'yang kahit ano ang mangyari ay uuwi ito sa kanya, hindi dahil sa isang bubong sila nakatira kundi dahil pareho sila ng nararamdaman?

Is she starting to assume again? Is she starting to hope that one day she'll find a man who would not leave her?

Pilit pinigilan ni Geriel ang mga butil ng luha na gustong kumawala sa mga mata n'ya. She shouldn't be thinking of the future dahil alam n'ya na maddisappoint lamang siya. Hindi siya dapat umasa sa sinabi ng binata noong palayasin siya sa apartment. She shouldn't be hoping that Vin will always be there.

Hindi n'ya dapat hinahayaan ang sarili n'ya na ma-trap dito, she has her own free will, may kakayahan syang mag-isip para sa sarili niya. Pero hinahayaan lang niyang diktahan s'ya nito.

Siguro nga tama si Nichol, stupid siya. Maya sarili siyang utak pero hindi niya ginagamit.

'Geriel, matalino ka... pero bakit ngayon parang ang bobo-bobo mo?'

...

"Thyanhak! Ophen thish dhoorrr" nasa malalim na pag-iisip si Geriel nang marinig n'ya ang malakas na pagkatok sa pinto. Kaagad s'yang bumangon at sinipat niya ang orasan, alas tres na ng madaling araw. Saan na naman ba naglagi si Vin? At base sa tono ng pananalita nito ay lasing ito.

Déjà vu?

"Thyanhakkk.. Babyyy khoooo." Natigilan si Geriel sa pwesto n'ya. Hawak niya ang doorknob, konting pihit na lang ay bukas na ang pinto. Malakas ang pagkalabog ng puso niya. Iyon na naman ang nakakawindang na tawag sa kanya nito.

"Ishlavee... buksan mo 'to." Sunod-sunod na paglagabog sa pinto ang narinig n'ya.

"Thyanak! Ano ba?" sobrang lakas ng paglagabog na parang sinipa ang pinto. Napatalon pa si Geriel sa gulat saka dahan-dahang pinihit ang doorknob.

"I thold you to ophen the dhoor." Nanlilisik ang mga matang nakatingin si Vin kay Geriel pagkabukas lamang ng pinto. Kinabig n'ya ang bewang nito saka marahas na sinarado ang pintuan.

"Binuksan ko naman ah."

"Are you complaining?" Akusa nito saka s'ya marahas na isinandal sa pinto. Nakatukod ang isang kamay nito sa pinto at ang isang kamay sa mariing nakahawak sa braso niya.

"Aray! Masakit!" reklamo ni Geriel. Sobrang higpit ng pagkakahawak ni Vin sa braso niya na pakiramdam n'ya ay magkakapasa ito anumang oras.

"You are complaining." Pagsagot ng binata sa sariling tanong. Idiniin pa n'ya ang sarili sa dalaga na ikinagulat naman nito.

"V-v-vin-n. T-t-eka lang." nangangatal ang boses na sabi ni Geriel pero mukhang hindi ito narinig ng binata, bagkus ay hinawakan nito ang baba n'ya at unti-unting inilapit ang mukha nito sa mukha n'ya. Tinitigan n'ya ang mga mata nito, malalim. Madilim. Hindi niya mabasa.

"Hindi mo ako agad sinunod." Akusa pa nito at naramdaman na lamang n'ya ang paglapat ng labi nito sa labi n'ya.

It wasn't the same kiss that Vin used to do. Noon ay mabilisang halik lamang pero ngayon ay malalim at mapag-akusa, parang pinaparusahan siya sa mga halik nito.

Mas lalong idiniin ng binata ang sarili kay Geriel. "Open your mouth" utos pa nito.

Pero hindi niya ito sinunod. Nanatiling sarado ang kanyang bibig.

"Fuck Mariel! Open your damn mouth." Singhal nito na ikinagulat niya dahilan para mapa-awang ang kanyang mga labi.

Given the opportunity, Vin attacked her lips. Deep. Harsh. Hard. Hindi gumalaw si Geriel, hinayaan niya lamang si Vin sa ginagawa nito. Gusto niya itong itulak pero hindi rin naman n'ya magawa. Nanghihina siya. Para siyang tinatakasan ng lakas. Nanlalambot ang kanyang mga tuhod. Parang naging jelly-ace ang kanyang mga buto. Kung hindi nakadiin sa kanya ang binata, marahil ay naglupasay na siya sa sahig.

Vin continued attacking her lips. Iginiya pa niya ang isang braso ng dalaga para ipulupot sa leeg niya.

"Follow me." He said in such a deep voice, telling Geriel to follow his lead.

He slowed down the kiss and waited till Geriel returns his kisses.

Hindi magkandaugaga si Geriel. Naroon na naman ang paghuhuramentado ng puso niya. Part of her wants to stop what Vin is doing but the other part says other wise.

"Do it." Utos pa ng binata and she obliged. Ibinalik n'ya ang mga halik nito. They kiss as if they were dancing in some exotic rhythm and Geriel knew for a fact that it was the beating of her heart.

Kinabig siya ni Vin sa bewang ngunit isinantabi iyon ni Geriel. Nalulunod siya sa mga halik ng binata and she wanted to drown him too, na sabay silang malunod sa isa't isa.

Pero alam niyang imposibleng mangyari iyon.

Naramdaman na lamang n'ya na bahagya siyang binuhat ng binata habang hindi bumibitiw sa kanya. Unti-unti itong naglakad papunta sa breakfast bar counter. Inupo siya nito sa high chair at patuloy pa rin ito sa paghalik sa kanya.

Geriel returned the kisses with the same passion knowing that it's going to be the last. Ibubuhos na niya ang lahat sa halik na iyon, ibibigay niya ang buong puso niya doon.

'Mahal kita Vin pero hindi ko alam na ganito pala kahirap ang mahalin ka'

Unti-unti ay bumagsak ang mga luha niyang kanina pa niya pinipigilan. Hindi na niya naiwasan ang pagtakas nito sa kanyang mga mata. Sobra na siyang nasasaktan.

Natigilan si Vin nang maramdaman n'yang nabasa ang kanyang pisngi. Malamig ang mukhang tiningnan nya si Geriel. Nakita niya ang umaagos na luha sa pisngi nito.

May kung anong kumirot sa puso niya pero hindi siya nagpahalata. Binitiwan n'ya ang kasama saka ito tinalikuran at iniwan.

Mabilis siyang pumasok sa kwarto niya at agad sumandal sa pinto. Naisabunot niya ang mga daliri sa kanyang buhok.

"Fuck Vin! What have you done?"

Silenced by a Kiss -To Be Published-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon