FIFTEENTH KISS 2/2

1.8K 41 6
                                    

"Vin is a nice guy. Siya nga lang yata ang lalaking pinagkakatiwalaan ko." Nichol said as she sipped her drink. Tinext n'ya si Geriel na magkita sila gamit ang cellphone ni Vin minus the fact na silang dalawa naman talaga ang mag-uusap.

She had known Vin Alden Acosta for so long... long enough to know every single detail about him. Kung may gusto man s'ya para sa binata, iyon ay ang kaligayahan nito. She wants him to have his happiness. Siguro nga ay tanga ito kung minsan. Ay hindi pala minsan, madalas itong tanga at hindi naman n'ya hahayaan na paandarin na naman nito ang taglay na katangahan.

"I've known Vin long enough, every single thing about him." Sabi pa n'ya. She is testing the waters. Sinusubukan n'ya kung anuman ang magiging reaksyon ng kasama. She smirked a little noong nakita n'yang bahagyang kumunot ang noo nito.

She is hitting the target.

She's making her jealous.

Nicholette Jacob doesn't approve of people falling in love especially her friends but Vin Alden Acosta just made an exception.

Lahat na yata ng kilala ni Nichol na nasa "falling-in-love" stage ay pinipigilan n'ya na tuluyang mahulog, pinipigilan n'yang magpakatanga. Lahat na yata ng paninira ay ginawa n'ya.

Kung nagkataon na character s'ya sa isang kwento, s'ya na marahil ang villain o evil witch.

But why is she playing cupid and fairy-god mother this time? Does she believe in happy-ever-after this time around?

Napailing si Nichol sa tinatakbo ng isip n'ya. She shouldn't be dwelling in this kind of things. She has a mission to accomplish!

"Vin is trapped." Biglang napatitig si Geriel kay Nichol dahil sa sinabi nito.

'Vin is trapped.' Paulit-ulit iyon na nagplay sa utak n'ya. Oo, alam n'ya na merong something kay Vin pero hindi naman n'ya inaasahan na bubuksan ni Nichol ang topic na iyon.

She wanted to know Vin pero ayaw n'ya na kay Nichol ito magmula.

"He might look fine and strong but he really isn't. He is trapped in his own self."

Geriel already knew that thing but the question is how and why. Vin Alden Acosta is a conundrum, a puzzle that is hard to solve, a broken boy that is trapped, a playboy that plays girl's heart.

Who is Vin Alden Acosta, who is he really?

"Listen to me Geriel cause I'll only say it once." Seryosong sabi ni Nichol. Humugot pa ito ng malalim na buntong hininga bago nagsalita. This is so unlike her pero may magagawa pa ba s'ya? Nasimulan na n'ya. Nicholette Jacob never turns her back on what she started whatever it takes.

Nanatiling tahimik si Geriel at hinintay ang sunod na sasabihin ng kasama. Mabilis ang pagkalabog ng puso n'ya. Para bang may naghahabulang mga daga. Kinakabahan siya. Bakit naman s'ya kinakabahan?

"Don't ever do something that could make Vin self-destruct."

Natulala si Geriel sa tinuran ng modelo sa harap n'ya. Nagugulumihanan s'ya.

"Self-destruct? Ako bakit? Paano?" naguguluhang tanong niya. Vin might self-destruct pero imposible naman yata na siya ang magtrigger ng tendency n'yang 'yun. Like seriously? What is that "something" Nichol is talking about?

"Just trust me." napailing si Geriel sa sinabi nito.

"Bakit naman ako maniniwala sa'yo e lagi mo nga akong inaaway?"

"Because I'm doing you a favor." Ngumisi pa at umiling si Nichol bago nito pinagpatuloy ang sinasabi. "...a favor that I vowed not to give to anyone."

...

Nasa malalim na pag-iisip si Geriel nang biglang may umupo sa tabi n'ya. Sino pa ba kundi ang nag-iisang Vin Alden Acosta?

"Mukhang malalim ang iniisip mo ah. Akalain mo yun may isip ka pala." Nakangisi pa nitong sabi.

Sumimangot si Geriel. Gusto n'ya itong batukan pero hindi n'ya rin ginawa. Nasa loob sila ng library. Ayaw nya ng gulo. Vin Alden Acosta is enough trouble when he walked in. Bahagyang umingay sa loob ng tahimik na lugar pagkapasok lang nito. Nagbubulungan ang mga estudyante at halos makabog nila ang giraffe sa paghaba ng leeg. Meron pang halos mangisay sa kilig nang kindatan ni Vin.

Gusto n'ya tuloy dukutin ang mga mata ng mga babaeng iyon at pilipitin ang leeg nila. Okay! Ang morbid ng imagination niya.

"Bakit ka nandito Alien?" pabulong na tanong ni Geriel na hindi tinitingnan ang mukha nito pero sigurado s'yang nag-uusok na naman ang ilong nito. Ayaw na ayaw nito na tinatawag na Alien.

Nilapit ni Vin ang mukha nito sa naka-side view na si Geriel. Naramdaman n'ya ang hininga nito sa gilid ng tainga n'ya. Parang nanindig ang balahibo n'ya sa batok dahil sa kakaibang nararamdaman. Bumilis ang pintig ng kanyang puso at parang may kung anong bumara sa lalamunan n'ya. Nagkakagulo naman ang mga insekto sa kanyang sikmura, para bang sumasayaw ang mga ito sa musikang likha ng orchestra sa kanyang dibdib.

"You call me Alien and I'll silenced you. Another condition for you, Slave." Naramdaman ni Geriel ang pagngisi nito kahit hindi naman niya talagang nakikita ang mukha nito. Nakasideview nga siya 'di ba?

"Let's go." sabi ni pa ni Vin sa kanya saka hinawakan ang kamay niya. Narinig pa niya ang bulungbulungan ng mga estudyante. May mga nag-gasp at literal na nakanganga. Tiningnan ni Geriel ang magkahugpong nilang kamay. Naramdaman na naman niya ang pamilyar na pagkalabog ng kanyang puso. Parang may nagwawalang toro. Naramdaman din n'ya ang pagdaloy ng dugo nya patungo sa kanyang pisngi.

Nakangisi lamang si Vin na nakatingin sa kanya.

"Saan tayo pupunta?" tanong ni Geriel. Lumingon siya at nagkabanggaan ang kanilang ilong. Lalong lumakas ang bulungan sa loob ng library. Lagot sila sa librarian.

Mas lalong lumapad ang ngisi ni Vin ng magtama ang kanilang paningin. "Anywhere."

"And don't say you're not coming because you are trapped with me."

Silenced by a Kiss -To Be Published-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon