TWENTY-THIRD KISS
Naimulat ni Geriel ang kanyang mga mata nang maramdaman ang halik na tumutugon sa mga halik n'ya. Sa pagkabigla ay napatalon s'ya at bahagyang lumayo sa binata. Damang-dama pa rin n'ya ang malakuryenteng dumaloy mula sa labi nito patungo sa lahat ng ugat sa kanyang katawan--- straight sa kanyang puso. Parang may kung anong stereo na nagsusumigaw sa dibdib niya at may kung anong insektong lumilipad-lipad sa kanyang tiyan.
Umangat ang braso nito at kinabig siya sa bewang. Nasubsob tuloy siya sa matigas na dibdib nito. Dinig na dinig niya ang malakas na pintig niyon. Sino kaya ang itinitibok noon? Inangat niya ang kanyang mukha at nakita ang nakapikit pero nakangiting si Vin Alden. Napawi ang kunot sa noo nito.
"Vin"
"Stay still" at mas lalong humigpit ang pagkakahawak sa kanya nito.
"Vin." Pero hindi na ito tumugon. Nakangiti pa rin ito at maaliwalas ang mukha. Naging banayad din ang paghinga nito.
Natutulog pa pala ito.
...
The prince and the princess bid their farewell with tears on their eyes. After one final kiss they turned their backs from each other. They fell apart.
And they lived sadly-ever-after...
...
Inilapag ni Geriel sa bakanteng upuan ang librong hawak niya. Nanadya ba talaga ang tadhana at sa lahat ng librong madadampot n'ya sa library ni Alien ay iyon pa ang nakuha n'ya? Kailangan ba talaga na ganoon ang ending noon? Kamalasan overload na nga siguro ang nangyayari sa kanya.
Naramdaman ni Geriel ang pagvibrate ng cellphone niya na nasa bulsa ng jacket na suot. Kinuha n'ya iyon at nakitang naka-register ang pangalan ni Vin Alien. Kin-ancel niya ang tawag bago muling ipinasok sa bulsa ang cellphone n'ya.
Humugot siya ng malalim na buntong hininga bago isinandal ang likod sa backrest. Ipinikit n'ya ang kanyang mga mata. Muli na naman n'yang naramdaman ang kirot na sumisidhi pang lalo sa dibdib n'ya. Unti-unting bumagsak ang mga butil ng luha na pilit kumakawala mula sa kanyang mga mata.
Somebody said, "one day you're going to kiss someone you can't breathe without" maybe... just maybe... Geriel has already found that one. Dahil ngayon, pakiramdam niya ay hindi na s'ya makahinga. Sobra-sobra nang nahulog ang puso n'ya at para na itong pinipiga sa sakit. Para siyang mauubusan ng hangin.
With her eyes closed, she flashed back to where it all began— at the rooftop of Ayala University. The images in her mind were as vivid as a movie and the memories were crystal clear in her heart and it's hurting her more now, the pain stab her like a knife.
"Little did I know that you would take my heart the moment your lips met mine for the first time."
The images changed. She was back to what happened just this morning...
Nagising si Geriel na para bang may kakaiba. May braso na nakapulupot sa bewang n'ya at may binti na nakadagan sa hita n'ya. Unti-unti n'yang iminulat ang kanyang mga mata. Napasinghap siya sa nakita. Si Vin Alden ay taimtim na natutulog at mahigpit na nakayakap sa kanya. Nakadikit ang katawan nito sa kanya at ang isang braso nito ang kanyang naging unan.
Paano nangyari iyon? Ang natatandaan n'ya lamang ay hinapit s'ya ni Vin at napasubsob s'ya sa dibdib nito. Sinubukan n'yang makawala pero mahigpit ang pagkakakulong niya sa bisig nito. Dala na rin ng pagod sa kaiiyak ay hindi na s'ya nagpumilit pa na maka-alis. Nakatulog na lamang siya doon habang ang kanyang mga tuhod ay nakaluhod sa sahig.
Paanong nangyaring nakahiga na rin siya sa kama? Hindi naman s'ya tanga. Sigurado s'yang binuhat s'ya ni Vin pero bakit? Hindi ba't galit ang Alien sa kanya?
Pinilit niyang makaalis doon at nagtagumpay naman s'ya. Pero nagising din ang kasama at nakakunot ang noong nakatitig sa kanya. Nakatingin ito sa kanya na para bang ang laki-laki ng kasalanan n'ya.
The image went to a fast forward.
Nakita na lamang ni Geriel ang sarili na nakikipagtalo kay Vin. Ipinagpipilitan nito na wala s'yang karapatan na umalis. Na isa s'yang slave at kahit anong gawin n'ya ay nakakulong na s'ya sa bitag nito. She's trapped to him and that is not going to change.
Pero nagmamatigas si Geriel.
"No Vin! I am not trapped to you. You are trapped with your own self. You are trapped with the thought that you can trap me. Mali! Hindi habang buhay magagawa mo akong ikulong, magagawa mo akong diktahan. May sarili akong pag-iisip. I can't just stay only because you ordered me. Hindi habang buhay pwede mo akong gawing alipin. I have my own free will, you have to remember that. Don't ask me to stay Vin because this time. I'm quitting on you."
...
"Miss, nasa terminal na tayo."
Iminulat ni Geriel ang kanyang mga mata na basang basa ng luha. Hanggang sa pagtulog ba naman ay susundan siya ng mga pangyayaring iyon? Mabilis n'yang pinunasan ang kanyang luha saka iginala ang paningin. Nakahinto na ang Bus na sinasakyan niya at wala ng ibang tao kundi siya at yung konduktor sa tabi n'ya.
Mabilis pa sa alas-kwatro na dinampot niya ang kanyang bag at ang libro sa bakanteng upuan.
Pagkababa mula sa sasakyan ay bumuga siya ng malalim na buntong hininga saka tiningnan ang malaking sign board sa harap niya.
"SAN JOAQUIN"
...
Tinatahak ni Geriel ang makitid na daan patungo sa pakay niya. Napakatahimik ng paligid. Nakakapanibago. Masyado siyang nasanay sa ingay ng Maynila at ang katahimikan sa lugar na iyon ay bago sa sistema n'ya.
Naglinga-linga s'ya sa paligid. Walang ibang tao. Sino ba naman kasi ang pupunta sa lugar na iyon sa ganitong panahon?
Nagpatuloy s'ya sa paglalakad. Pagkadaka ay inilapag niya ang kanyang bag sa sahig. Umupo siya isang malaking bato. Inilapag niya rin ang bulaklak na hawak n'ya na nabili n'ya malapit sa terminal kanina.
"Papa, nakauwi na po ako."
BINABASA MO ANG
Silenced by a Kiss -To Be Published-
ChickLitShe is the noisiest person he has ever met. Vin has never had patience for annoying females, lalo na sa nang-iistorbo ng pagtulog niya. Geriel Mariel Marasigan-Maingay had just messed up with the wrong guy. Her loudness annoyed him to hell and back...