TWENTY-FIRST KISS 1/2

1.7K 37 6
                                    

TWENTY-FIRST KISS

"Tulungan na kita Ikay." Nakangiting sabi ni Cyrus na sinundan si Geriel sa kusina.

"Thank you." Sagot ng dalaga at inilapag sa mesa ang mga kakailanganin para makapagluto ng tanghalian para sa importanteng 'bisita'.

Nakaupo lang si Vin sa bar counter at pinapanood si Geriel at ang kasama nitong unggoy. Ang sarap lang sapakin ni Nichol! Bakit ba kasi inimbita pa nito ang unggoy na iyon na nagpakilalang Cyrus? B'wisit!

Si Nichol naman ay busy sa paglalaro ng candy crush sa IPad ni Vin.

"Ikay! Ha-ha-ha!" nanunuyang humalakhak si Vin sa tinuran ni Cyrus! "Anong palagay mo kay Mariel batang gusgusin? Tss."

"Hayaan mo na." bulong ni Geriel kay Cyrus pero narinig ito niya ito.

"It's okay." Nakangiti pa nitong sabi at inasikaso na nila ang mga ingredients.

Takte! Nakakabanas! Full blast ang aircon pero nababanas siya! Tang'nang yan! Putek! Nang-aasar na siya pero parang wala lang iyon kay Cyrus!

Tek na yan! At kung magngitian pa si Mariel at ang kasama nito, parang ang saya-saya ng mundo! Bwisit!

Tumunog ang cellphone ni Vin. Lalo siyang nabanas! Istorbo pa!

Nagtext si Nichol sa kanya! Anong trip? Magkasama na sila sa isang bubong pero nagtext pa rin. Tss.

*claim your property Vin*

Saad nito sa text.

Umangat ang isang sulok ng labi ni Vin at nilingon ang nakangising si Nichol. May mapapala rin naman pala dito kahit paano.

Yes! He would claim his property! Genicka Mariel is his as she has owned his heart.

...

"Ha-ha-ha! You look funny! Para kang matandang nagmemenopause kanina. Ha-ha-ha!" sunod sunod na tawa ni Nichol. Sinamaan lang ng tingin ni Vin ang kaibigang naniningkit na ng tuluyan ang mga mata dahil sa katatawa.

Nasa loob sila ng kwarto ni Vin at naghahanap ito ng damit na susuotin. Tek na yan! Nasa loob na siya ng sariling bahay, namomroblema pa siya sa damit. Ano ba naman klaseng buhay ito!?!

"Bakit ba hindi mo na lang ligawan para matapos na 'yang problema mo?" suhestyon nito.In fact, ilang beses na ring nagbigay ng hint si Nichol na ganoon nga ang dapat gawin ni Vin.

'Shunga ka ba? Nanliligaw ako! hindi ba halata?' sigaw ni Vin sa utak niya. Gusto sana niyang sabihin iyon kay Nichol pero ano pa bang silbi kung malaman nito?

Isa pa, wala sa ligaw-ligaw ang isip n'ya ngayon. Iniisip niya kung paano nya mababakuran si Geriel.

Unggoy pa naman ang kasama nito, bakit kahit gaano kataas na bakod ay maakyat nito? Naikunot ni Vin ang noo n'ya dahil sa naisip. Ang ng pastillas de leche!

"Look at yourself Vin, para ka talagang nagmemenopause. Just imagine an alien on a menopausal stage. You exactly look like it." at humalaklak ulit ang dalaga.

Sa inis ay binato na lamang niya ito ng unan.

...

"Ayan! Luto na!" nakangiting sabi ni Geriel saka pinatay ang apoy ng stove.

"Ako na!" Sabi ni Cyrus. Tumango lamang si Geriel at binuhat na ng binata ang kaserola papunta sa kitchen counter. Inayos naman niya ang dining table.

"Sino 'yung kasama ni Vin?"

"Kaibigan niya, si Nichol." Walang emosyong sagot ni Geriel.

'Kaibigan nga lang ba?' tanong pa niya sa isip niya. Umiling-iling siya. Heto na naman ang isip niyang umuulan ng katanungan.

"Aaahh..."

"Baby..." Nakangiting sabi ni Vin na nag-aparisyon na lang bigla sa dining room. Lumapit ito kay Geriel at ipinulupot ang dalawang braso sa bewang ng dalaga. Hinalikan niya pa ito sa pisngi. Parang may milyong milyong boltahe ang dumaloy mula sa labi ni Vin patungo sa pisngi niya.

Natigilan si Geriel sa inakto nito. Naguluhan siyang bigla pero magkaganunman ay nandoon pa rin ang pamilyar na pintig ng puso niya. Nasasanay na rin siya sa reaksyon nito. Parang may sumisipang kabayo sa sobrang bilis. Kung noong una ay nagtataka pa siya kung bakit ganoon na lamang ang epekto sa kanya ni Vin,ngayon ay hindi na dahil alam niya sa sarili nyang nahuhulog sya dito.

And if Vin wants to trap her then she would be willing to be trapped inside his heart.

Silenced by a Kiss -To Be Published-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon