FOURTH KISS
WALANG ibang choice si Geriel kundi ang asikasuhin ang may amats ( lasing) na si Vin. Ano bang naisipan nito at uminom ng alak, hindi naman pala kaya? As if naman makakadagdag pogi points kung magpapakalunod ito!
"Sss-shlave." parang batang wika ng binata habang inihihiga niya ito sa kama sa kuwarto nito. Iginala ni Geriel ang kanyang paningin, manly na manly ang diseniyo ng silid, monochromatic white ang pintura ng pader nito. Nasa tamang ayos din ang mga kagamitan, daig pa ang babae. OC kung OC! Mabango rin ang silid, amoy na amoy ang pamilyar na scent ni Vin sa silid nito, tanging panira nga lamang ang amoy ng alak.
Aalis sana si Geriel para kumuha ng tubig at bimpo. Pupunasan niya si Vin para mahimasmasan ito. Kahit naman sobrang kinabubuwisitan niya ito ay hindi pa rin maatim ng kanyang konsensiya na hayaan na lamang ito sa disabled na kondisiyon.
Pero biglang hinawakan ni Alien ang braso niya at hinatak siya. Napatid tuloy si Geriel at natumba, sakto pa sa ibabaw ng binata.
Bigla siyang niyakap ng mahigpit nito, hindi malaman ni Geriel kung ano ang gagawin. Sinusubukan niyang kumawala pero mahigpit talaga ang pagkakayakap nito sa kanya. She's trapped in the arms of the person she hated-no scratch that- loathed the most.
Vin buried his face on Geriel's neck at naramdaman ni Geriel na nababasa ang kanyang damit. Teka! Umiiyak ba ang alien?
Vin Alden sniffed and sobbed na parang isang batang paslit. Bakit naman iiyak si Vin Alien? Nakipagbreak ba ito sa girlfriend? Pero imposible, hitsura pa lamang nito ay halatang wala itong sineseryosong babae.
"Teka...Vin..." pabulong na sabi ni Geriel as she moved away from his grasp.
She succeeded, nagawa niyang makawala mula sa pagkakakulong sa mga bisig nito. But Alien managed to sit up, too at pinigilan siyang tuluyang makatayo paalis sa kama. She looked at his face. He looked so young and innocent and deeply wounded, malayong malayo sa maniyak na alien na nakita niya noong mga nagdaang araw.
Geriel could only gawk at him. Her heart simply melted at the sight of him, parang bigla na lamang nawala ang inis na nararamdaman niya para dito. Para bang sa isang iglap lang ay naglaho ang mayabang na maniyak at napalitan ng isang batang paslit na kaysarap alagaan at protektahan.
Napa-iling na lang si Geriel, ano ba itong iniisip niya? Nagpapaapekto ba siya kay Vin? Baka naman nanggogoyo lamang ito!
Gamit ang isang braso ay kinabig ni Vin si Geriel at muling niyakap ng mahigpit. He buried his face on her chest.
Kaagad na uminit ang mukha ng dalaga kasabay ng pag-init ng ulo niya! Anak ng aso't pusa, bakit sa dibdib niya pa nito napaling sumubsob? Hahatakin niya sana ang buhok nito para ilayo ang mukha ni alien mula sa kanyang hinaharap pero...
Imbes na sa buhok ng alien mapapadpad ang kamay niya ay sa likod nito iyon napunta, stroking it smoothly, pampering. Umiiyak na naman kasi ang binata.
"Please stay...wag kang umalis" para bang nag-mamakaawang sabi nito at mas lalong humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. "Huwag mo akong iwan! Ayoko na iniiwan ako. Ayoko nang maiwan ulit." At nagpatuloy ang pagbagsak ng luha nito.
Geriel could do nothing but hug him back, soothing him with comforting words. Ano nga ba kasi ang dahilan ng pag-iyak nito?
He always acts so cool and airy and flirtatious. Hindi niya akalain na may ganito palang side si alien.
"Hindi ako iiwan ni Babylove, hindi ba? She'll stay, hindi niya ako iiwan." Vin said between childish sobs as he clutched on her tighter. "She promised me, 'di niya ako iiwan."
Geriel's heart sank and found her self in tears, too. So this is all about Yvonne?
Sa pagkakataong iyon ay hindi na niya mapigilang humanga sa lalaking ito. He really does care for her best friend, his cousin to the point na makikita pa niya ito on his emotional breakdown.
Geriel saw the child in him, the child he always masked with haughtiness and flirtatious acts, but still within him is a child.
---
Nagising si Geriel sa isang sobrang lambot na higaan at mukhang mas malawak ito. Iminulat niya ang kanyang mga mata. Teka! Bakit siya nasa kama? Sa pagkakatanda niya ay sa sofa siya humiga, doon na rin siya nakatulog.
Kaagad bumangon mula sa kama si Geriel at nakita si Vin na natutulog sa sofa. Kinuha niya ang isang kumot mula sa kama at nilapitan ang natutulog na binata. Alas kuwatro pa lamang base sa orasan sa bed-side table. Kinumutan niya ang binatang natutulog ng mahimbing.
Hindi niya mapigilang hindi pagmasdan ang mukha nito. He looks so calm and peaceful bagama't bakas pa rin ang matinding pag-iyak sa namumugto nitong mga mata. Geriel found her self curving a smile on her lips, kung bakit ay hindi niya alam.
"Good morning, little boy." Geriel muttered under her breath habang hinahaplos ng daliri ang mukha nito. "Puwede ka rin naman palang maging mukhang mabait at harmless kahit paminsan-minsan."
Matapos noon ay lumabas na si Geriel at dumiretso sa kusina para magluto ng almusal. Guess it's time to serve her master na hindi napipilitan.
Well, it's just a guess.
BINABASA MO ANG
Silenced by a Kiss -To Be Published-
ChickLitShe is the noisiest person he has ever met. Vin has never had patience for annoying females, lalo na sa nang-iistorbo ng pagtulog niya. Geriel Mariel Marasigan-Maingay had just messed up with the wrong guy. Her loudness annoyed him to hell and back...