FIFTH KISS

2.6K 59 11
                                    

                  

FIFTH KISS

Anak ng sampung kabayo! Masakit ang ulong bumangon si Vin mula sa couch. Mumukat-mukat niyang iminulat ang kanyang mga mata. Hinilot niya ang kanyang sentido habang sinusundan ang amoy na gumising sa kanya.

Hmmm. Ang bango! Para bang bigla na lamang niyang naramdaman ang matinding gutom dahil sa amoy ng pagkain.

Saglit siyang natigilan. Teka lang! Sino naman ang magluluto ng ganoon kaaga samantalang wala naman siyang kasama sa condo? Mag-isa lamang siyang nakatira doon.

Pilit na inaalala ni Vin ang mga nangyari noong nagdaang gabi pero masiyadong cloudy ang kanyang isipan, wala siyang maalala. Isama pa ang nakakapagpawala sa sarili na amoy ng pagkain mula sa kusina. Kung sino man ang kasalukuyang nagluluto ay hulog ito ng langit.

O baka naman hinulog ng langit dahil hindi ito nararapat doon?

Hinulog ng langit dahil nabibingi na ang mga anghel sa sobrang kaingayan nito?

Nakatayo si Vin sa may pinto ng kusina, pinagmamasdan ang tiyanak na abalang nagluluto, parang timang lang na may pasayaw-sayaw pang nalalaman habang kumakanta kasabay siguro ng music na tumutunog sa headseat na suot.

"Oppa Gangnam Style" at nagpose pa talaga ang tiyanak. Mukhang tanga lang.

Pero mukhang tanga lang din si Vin. Napapangiti siya habang pinagmamasdan ang dalaga. Nakakatawa naman talaga si Geriel, saan ka naman nakakita ng tiyanak na nagluluto habang sumasayaw ng oppa gangnam style ni PSY? 'Di ba? One of a kind!

---

"AY, KABAYONG Alien!" wika ni Geriel kasabay ng pagbagsak ng isang baso sa sahig. Nabasag tuloy iyon. Nagulat kasi siya nang makitang nakatayo si Vin sa may pinto ng kusina at kung bakit naman ibinalandra nito ang hubad na katawan. Napalunok naman si Geriel at agad na lumuhod sa sahig para pulutin ang mga piraso ng bubog. Mas mabuti pang makipagtitigan doon kaysa sa half-naked na Alien, hindi ba? Kahit pa mayroon itong perfect na six pack abs.

Pero bago pa man tuluyang mapulot ni Geriel ang lahat ng piraso ng bubog ay nasa tabi na niya ang binata at tinutulungan siya.

---

"REYNA ka ba talaga ng kamalasan, Tiyanak?" mapang-asar na tanong ni Vin. Sa totoo lang ay  naawa na siya kay Geriel. Dumudugo na ang mga kamay nito sa pagpupulot ng bubog.

"Akin na nga 'yan?" Sabay agaw sa naipong bubog na hawak ng kasama.

Tumayo si Vin at itinapon iyon sa basurahan. "Halika dito." At walang sabi-sabing hinatak niya ang dalaga pabalik sa kuwarto.

---

"BABAYARAN mo ang baso na binasag mo." Bahagyang itinulak ni Vin si Geriel sa sofa, nakangisi itong lumapit sa kanya at tinrap siya sa pagitan ng mga bisig nito.

"Okay. Kapag natanggap ko na 'yong sweldo ko mula sa coffee shop next week." Sagot ni Geriel na umiwas ng tingin. Kitang kita niya ang mukha ni Vin, ang lapit-lapit nito, pakiramdam niya ay mauubusan siya ng hangin. Nasusuffocate siya sa maliit distansiya sa pagitan nila. Hindi rin niya mawari kung bakit. Ugh! Nakakaloko lang si Alien!

"Ayoko ng next week, I need your payment on weekend."

Napatulala na lang si Geriel.  Sa weekend na kaagad samantalang wala na nga siyang pera, kaunti na lang talaga na pinagkakasiya pa niya hanggang sa susunod na linggo. Wala na siyang magagamit na pambili ng nabasag niyang baso, mukhang mahal pa naman ang mga gamit sa condo ni Vin.

"Pero next week ko pa makukuha ang suweldo ko," depensa ni Geriel.

"It's okay, I don't need your money." Sabay layo ng kaunti mula kay Geriel at hawak ang medicine kit na kinuha sa medicine cabinet na nasa likod lang ni Geriel. Umupo ito sa tabi niya at kinuha ang kanyang kamay. May kung ano namang kuryenteng gumuhit sa kanyang palad nang magkadikit ang mga palad nila. Grabeng nilalang ito! Alien ngang tunay, nakakapagproduce ng electricity! Amazing!

Hindi mapigilan ni Geriel ang mapangiti. Sino nga ba talaga ang Alien na ito na kasalukuyang ginagamot ang sugat niya sa kamay?

From a heartless alien to a wounded child and now a knight in shining armor?

Napa-iling naman bigla si Geriel? Shining armor eh wala nga itong suot na na pang-itaas.

---

"Paano kita mababayaran?" tanong ni Geriel nang maalala ang dahilan kung bakit may sugat siya sa kamay at kung bakit si Vin ang naghuhugas ng pinagkainan nila.  'Di ba, ang alien ang master at siya ang slave?

Napapangiti na lang si Vin habang naghuhugas ng pinggan, ang sarap kasi ng luto ni tiyanak. Humarap siya kay Geriel para sagutin ang tanong nito...

---

"I CAN'T believe I'm doing this." Nakabusangot ang mukhang nakaharap si Geriel sa vanity mirror sa kuwarto ni Lariza.

"Believe it, Bee. Who knows, si Vin na pala ang papalit sa CMLSS mo diyan sa puso mo," sagot naman ni Lariza na abalang inaayos ang buhok niya. Humalakhak pa ito. Nang-aasar lang!

"Over my dead body, Bee," pagkontra niya. Nakakainis lang, bakit ba nabasag pa niya iyong pesteng baso na iyon? Eh 'di sana hindi niya kailangang gawin ang gusto ni Vin na kabayaran. Nakakainis lang talaga! Para lang sa isang baso ay dadanasin niya ang bagay na iyon.

Isang gabi... isang gabi kasama ang Alien.

Oh c'mon earthen soil, puwede mo na siyang gawing fertilizer cause as of the moment, Geriel's wishing na lamunin na lamang siya ng lupa.

---

Nakatayo si Vin sa harap ng Bluemist Palace, ang hotel kung saan sila magkikita ni Geriel. Isang gabi bilang kabayaran sa basong nabasag nito. Hinihintay niya ang dalaga, limang minuto na itong late. Nasaan na ba ang tiyanak na iyon? Baka naman hindi siya siputin nito?

Anak ng tokwa!  Bakit ba wala siyang contact number ni Tiyanak, hindi niya tuloy ito matawagan. Panay na rin ang sipat niya sa suot na relos. Tatamaan na talaga ito kapag hindi pa dumating! Tumatakbo ang oras for Pete's sake!

"Thanks, MC." Narinig ni Vin ang pamilyar na malakas at matinis na boses. Kaagad siyang lumingon sa direksiyon ng car entrance. Nakita niyang bumaba mula sa kotse kasama ng isang lalaki ang kanina pa niyang hinihintay. Kunot noong pinagmasdan niya ito. Naikuyom niya ang mga palad nang yumakap pa si Geriel bago muling sumakay at magpaalam ang binata. Pamilyar ang mukha nito, isa sa mga classmates ni Yvonne. Hindi kaya may relasiyon ang dalawa? Eh ano namang paki-alam niya, 'di ba?

Nakatalikod sa kanya si Geriel at noong humarap na ito... Vin froze in place habang papalapit sa kanya ang dalaga.  She looked stunningly beautiful in a pink dress. Nakalugay at bahagyang kulot ang dulo ng mahaba nitong buhok. Puwede rin palang magmukhang tao ang tiyanak. Kaagad napawi ang inis na nararamdaman niya. At least, mukhang tao ang kasama niya ngayon.

Vin crooked his one arm noong makalapit na sa kanya ang dalaga. Geriel linked her arms with his.

---

"I'M SORRY im late, traffic." Bulong ni Geriel habang papasok sila ng hotel.

"Okay lang," mahinahon na sagot ni Vin.

Geriel can't help but wonder, akala niya ay sisigawan siya ni Alien dahil na-late siya tulad ng lagi nitong ginagawa.

"Mamaya na lang ang punishment mo." Dagdag nito saka ngumisi.

Anak ng mayamanin! Punishment na naman? Hindi ba't punishment na rin ang nangyayaring iyon. Makikipagdate siya sa alien alang-alang sa basong nabasag niya? Kahit pa sabihing payment iyon, parang punishment na rin.

Ano naman kaya ang sunod na punishment?

"For now, just behave." Dugtong pa ni Vin nang marating nila ang isang French restaurant sa loob ng hotel.

Humarap si Geriel kay Vin at ang seryoso ng mukha nito, malayong malayo sa malokong alien na kilala niya o sa wounded child na minsan na niyang nakita. He seemed to be lost in thoughts, napakalalim ng iniisip.

Naglakad sila papunta sa reserve seat and Vin still looked so damn serious.

Naguguluhan si Geriel, para saan ba iyon? Bakit siya sinabihan ng alien noong isang araw na"Go on a date with me, Slave?"

Silenced by a Kiss -To Be Published-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon