FIRST KISS
FIRST KISS
"CHARLES my love so sweet," naghihinagpis na sigaw ni Geriel kasabay ng pagdaloy ng luha sa kanyang mga mata.
"Ano bang mayroon siya na wala ako? Bakit siya pa ang gusto mo?" sunod-sunod niyang tanong sa hangin. Pero parang bingi ang hangin, hindi yata siya narinig. Hindi man lang siya sagutin!
Isang oras na ang nakalipas mula nang aminin niya sa Ultimate Casanova ng kanilang unibersidad ang kanyang nararamdaman para dito ngunit nireject lamang siya nito. Ouch lang! Sinabihan pa siya ng lalaki na iba na ang mahal nito. Double ouch!
"You can still find someone who can love you in return"
Paano pa nga ba siya makakahanap ng lalaking mamahalin niya at mamahalin siya kung ang talagang nilalaman ng kanyang pasaway na puso ay si Charles Jonah Angeles? Isa itong miyembro ng Royal Astra— ang pinakasikat na grupo sa Ayala University kung saan siya nag-aaral. Guwapo ito, mayaman at talagang malakas ang charisma. Idagdag pa ang singkit nitong mata at ang dimples nito na lumilitaw kapag ngumingiti ito.
"Nakakainis! Nakakainis!"
"Tss. Ingay!" napahinto sa pag-iyak o mas tamang sabihin na pagngawa si Geriel nang biglang may sumigaw sa likuran niya.
"Lecheng lalaki na 'yon. Abala sa pag-eemote ko." Reklamo pa niya sa likod ng kanyang isipan. Kung kailan feel na feel na niya ang sakit saka pa may sumingit!
Nilingon niya ang pinanggalingan ng sigaw at bumungad sa kanya ang lalaking mukhang bagong gising. Matangkad ito at medyo magulo ang buhok. Kinukusot-kusot pa nito ang mapupungay na pares ng mata.
"Istorbo ka sa pagtulog ko, alam mo 'yon?" nakaupo habang nakasandal ang binata sa isang pader. Hindi pamilyar sa kanya ang mukha ng lalaking iyon. Lahat na yata ng tao sa Ayala University ay kilala niya, mula sa sikat at naguguwapuhang miyembro ng Royal Astra hanggang sa mga janitors at security guards ng AU.
"Malamang, transferee ang isang ito. O baka naman Alien na naisipang bumaba sa lupa para matulog."
"Istorbo ka sa pag-eemote ko, alam mo 'yon?" bulyaw ni Geriel sa binata. Maging siya ay nagulat sa ginawang pagtataray. Ni minsan ay hindi niya nagawang magtaas ng boses sa kahit na sino. Siguro ay dahil broken-hearted siya at stressed. Nakadagdag pa na sinira ng kumag na alien ang pagpapaka-emo niya.
"Kung gusto mong mag-emote, doon ka sa drama club. Huwag dito. Abala ka sa pagtulog ko." Asik sa kanya ng binata. Napansin din niya ang pagkunot ng noo nito. Nasira nga talaga niya ang pagtulog nito. Sabi nga nila, magbiro ka na sa lasing, 'wag lang sa bagong gising. Tumayo ito mula sa pagkakaupo at pinasadahan ang gulong buhok gamit ang mga daliri.
"Hoy, Mister! Sa pagkakaalam ko, rooftop ito... ROOFTOP! Hindi po hotel. Kung gusto mong matulog maghanap ka ng hotel. Akala mo kung sinong guwapo, mukha namang alien." Gigil na singhal ni Geriel. Nanlilisik ang mga matang nakatingin siya rito. Kung may laser beam lang siya ay kanina pa niya ito tinunaw.
Pero sa totoo lang, guwapo talaga ang lalaking nasa harap niya at aminado naman ang traydor niyang mata sa bagay na iyon. Matangkad ito, fair-skinned at may broad and lean shoulders. Lumipat ang tingin ni Geriel sa mukha nito, strong jaw line, high arrogant cheek bones, pointy nose and smoky grey eyes. Mamula-mula rin ang pisngi nito dahil siguro sa galit.
"Ano'ng sabi mo?" nakakunot ang noong tanong sa kanya ng binata.
"Sabi ko maghanap ka ng hotel."
"Hindi iyon!" sigaw nito at naglakad papalapit sa kanya ang binata, halatang inis-inis na ito. Dama ni Geriel ang malakas na kalabog ng kanyang dibdib, nakakatakot ang pagsigaw nito pero hindi siya nagpatalo sa takot niyang iyon.
"Sabi ko, mukha kang alien." Kinailangan pa niyang tumingala para makita ang mukha nito. Bakit kasi ang tangkad ng alien? Ibang specie nga talaga ito.
"Hoy! Ikaw t'yanak ka! Sa guwapo kong 'to! Ang lakas ng loob mong tawagin akong alien."
"Hoy, Alien, hindi ako t'yanak, kapal mong alien ka. Si Charles my love so sweet ko, iyon ang guwapo at hindi ko inistorbo ang pagtulog mo, ikaw nga 'tong nang-istorbo sa pag-eemote ko. Alam mo bang nagdadrama ako tapos bigla kang umeksena, epal kang alien ka eh. Ang sakit sakit na nga ng puso ko. Ang mahal na ng pamasahe... ang taas na ng presiyo ng langis, sunod sunod ang bagyo..." tila ba walang humpay na hinaing ni Geriel. Naglilitaniya pa siya ng kung anu-ano tungkol sa pagiging broken hearted niya, sa cybercrime law, sa ekonomiya ng Pilipinas, sa namiss niyang chance na makapanood ng concert ng Big Bang dahil hindi niya afford ang ticket. Sa napakaguwapong sina Christian Grey at Gabriel Emerson... nang bigla na lang niyang naramdaman ang labing lumapat sa labi niya.
Mabilis ang pangyayari. She was taken by surprise. Hindi niya inaasahan na iyon ang sunod na gagawin ng kausap. Mali ito, maling-mali. Dapat ay itinutulak na niya ito ngayon pero hindi niya nagawa sa halip ay napapikit siya para damhin ang sensasiyong gumuguhit sa kaloob-looban niya. His lips were soft, warm and possessive yet inviting. Kung ilalarawan ang nararamdaman niya ay kulang ang mga salitang iyon. Ang malambot nitong labing umaangkin sa kanya, ang init na nagmumula sa katawan nito at ang mga haplos nito na nag-aaniyayang tugunan niya ang bawat halik...
Teka...
Wait...
"What the hell?!"
Agad siyang napamulat at itinulak ang lalaki.
Nginisihan lamang siya nito. "Ayan! Tumahimik ka rin! Ingay mo. Tss," at tinalikuran na siya ng binata.
Nanigas si Geriel sa kinatatayuan. Namilog ang namumugto niyang mga mata. Malakas ang kalabog ng kanyang dibdib sa hindi malamang dahilan.
"Yeah, that was hell— sizzling and scorching," sabi pa ng binata bago ito tuluyang naglaho sa kanyang paningin.
Napahawak na lamang siya sa bahagyang naka-awang niyang labi, still wet, warm and soft from their kiss.
Was she just silenced by a kiss?
And that was her freaking first kiss!
BINABASA MO ANG
Silenced by a Kiss -To Be Published-
Literatura FemininaShe is the noisiest person he has ever met. Vin has never had patience for annoying females, lalo na sa nang-iistorbo ng pagtulog niya. Geriel Mariel Marasigan-Maingay had just messed up with the wrong guy. Her loudness annoyed him to hell and back...