Naghihintay lang ako sa susunod na sasabihin ni dad.
[Give back my daughter. Just the younger one. The older one can handle herself.]
Tila wala pang pakialam si dad ng sabihin niya iyon. Kumunot ang noo ng lalaking naka tuxedo nang marinig ang sinabi ni dad. Miski ako ay nakaramdam ng sakit sa mga binitiwan niyang salita. I know I can handle myself and he already said that many times before. But we're in trouble and he's saying it again. Ano ba talagang kasalanan ko sa kanila ni mom at parang wala talaga silang pakialam sakin?
Damn. And by just that, pakiramdam ko biglang naging matalas ang mga kuko ko. Mahaba naman na talaga ang mga kuko ko pero parang dumagdag lang ang mga nararamdaman ko ngayon kaya biglang naging sapat yun para masira ko ang packing tape sa nakaposas sa mga kamay ko. Dala ng nararamdaman kong galit at sakit, tila wala na akong pakialam sa mga nangyayari at parang hindi ko na alam ang mga ginagawa ko. Ni hindi ko na maramdaman ang sakit ng pagkakaalis ko ng packing tape mula sa balat ko.
Since magkatalikod lang kami ni Elie, kayang-kaya kong kunin rin ang packing tape sa kamay niya. I don't know, but I'm doubting if I'm going to free her too. Siguro nadadala na talaga ako at pakiramdam ko ay nagseselos ako sa mga kapatid ko the way dad treat them compared to me. I always look like a kid whose trying hard just to gain love and care from her parents. Pero yung iba, wala pa silang ginagawa mahal na sila ng mga magulang nila. Others even do bad things against their parents and lots are rebels but their parents still love them.
But me.. what about me? Bakit ba kahit anong gawin ko, hindi pa rin ako kayang mahalin o kahit alalahanin man lang ng magulang ko? That's why I envy my sisters a lot. Pero kahit gaano ko pa kalaki ang inggit ko sa kanila, I still manage to get the packing tape off the hands of my sister. Good thing, hindi pa rin kayang talunin ng galit ko ang pagmamahal ko sa kanila. Napatingin ako sa taong nagbabantay sa amin at sa mga nasa paligid. Mabuti naman at hindi sila nakatingin.
"Ano?! Pinagpalit ko ang mga bagong armas na yun para sa lintek mong anak pero hindi mo naman pala siya kailangan?! Anak ka ng punyetang- tangina ka Mr. Devance!"
Nakatingin lang sila sa lalaking nagsisisigaw sa cellphone. Sinamantala ko iyon para walang makakita sa amin habang kinukuha ko ang nakatagong maliit na pocketknife sa ilalim ng sleeve ng uniform ko. Long sleeve ang uniform namin kaya naitatago ko ito dito nang walang nakakahalata. And as I've said, I'm expert with knives.
Naramdaman kong muntikan nang sumigaw si Elie nang maramdaman niya ang lamig ng pocketknife nang dumaan ito sa balat niya. Pero bago pa man siya makasigaw ay inunahan ko na.
"Shh. Don't make noise. Don't move your hands and just stay it there para hindi nila mahalatang nakawala kana. And try not to get their attention." Bulong ko na sapat lang upang siya lamang ang makarinig.
Nakita kong ibinaba na nung lalaki ang tawag at napatingin siya sa amin. Good thing, nasa harapan ko siya kaya hindi niya nakikita na nakawala na ang mga kamay namin ni Aubrey dahil hindi niya nakikita ang pagitan namin.
"Boss, yung ta-"
Magsusumbong na sana ang kasamahan niyang nasa tabi ko lang na nagbabantay pero palihim kong itinutok ang patalim ko sa bandang pwetan niya. Yeah, magsumbong siya o hindi na siya makakapaglabas ng sama ng loob. Alam kong naramdaman niya yun kaya napatigil siya sa akmang pagsusumbong niya. Napalingon naman ang iba pa nilang kasamahan kasama na yung pinuno nila sa direksyon namin. Damn. He's so loud.
"Boss, nakawala na yung tali ng mga batang yan."
This time, yung isa naman nilang kasamahan ang nagsalita. Malas nga lang at malayo siya samin. Tsk. Mukhang mapapasabak pa ako ngayon. And worse, sa harap pa ni Elie. I don't want her to witness this but I guess I have no choice. Nang gumalaw na ang lalaking tinututukan ko ng patalim at akmang ang itututok niya rin samin ang hawak niyang baril, saka ko napagpasyahang idiin na ang patalim sa part na yun. Aw. Gumalaw pa kasi eh.
![](https://img.wattpad.com/cover/56696921-288-k240172.jpg)
BINABASA MO ANG
He's Mean
ActionHe's mean, heartless, selfish. No one dares to bump into him. But's he's too much. He hurt someone who's important to me so I have no choice but to enter into his dark world. But I guess it's a wrong move, though.