Chapter 7 - Symbol

95 22 7
                                    

[Third person's POV]

Kasalukuyang nakadapa at nasa tapat ng laptop si Aubrey at paminsan-minsan ay palinga-linga sa kakambal. Nagreresearh siya para sa project niya sa school. Nang mainip na siya dahil paulit-ulit lang ang lumalabas sa internet ay isinara na niya ang hawak niyang laptop at mabilis na umikot ng posisyon paharap kay Elie. Dahil sa paggalaw niya at sa pagyugyog ng kama ay napansin niyang gumalaw si Elie kaya nagpanic siya.

Gustohin man niyang magising si Elie dahil sobrang namiss niya ito ay hindi niya muna ginising dahil ilang oras pa lang ang tulog nito at ayaw niyang istorbohin sapagkat nakikita niyang sobrang pagod talaga siya. Sobrang saya niya dahil pagkatapos ng dalawa o mahigit na araw ay nakita na niya ulit ang kakambal kaya nawala na ang kaba at pag-aalala niya sa kanyang dibdib. Bestfriend ang turingan nila at hindi nila kayang mawala sa tabi ng isa't isa.

Halos paiyak na siya nang makitang unti-unting iminulat ng kakambal ang mga mata nito. Lumapit siya dito at pinagmasdan ang kapatid habang iminumulat ang mga mata.

"E-elie.. Just sleep if you're still tired. Uhm, gutom ka na ba? There are still stocks from t-"

Napatigil siya sa pagsasalita dahil bigla siyang niyakap nito kaya napangiti siya at ginantihan din niya ang yakap ng kakambal. Naramdaman niya rin ang mainit na likidong nag-uunahang lumabas mula sa mga mata niya. Narinig niya ang paghikbi ni Elie kaya hindi niya rin napigilan ang sariling mapahikbi. Nang medyo nawala na ang paghikbi nila ay humiwalay na sila sa pagkakayakap.

"I missed you." Pangunguna ni Aubrey.

"Darn, sis. Alam mo na ang sagot ko diyan." Sagot naman ni Elie.

Nag-pout lang si Aubrey kaya nagsalita siya ulit.

"Joke. You know I missed you,too."

Nginitian niya si Aubrey at yayakapin niya sana ito ngunit pinigilan niya.

"Hep! Kumain ka na muna."

Pagkasabi niya nun ay agad na humuni ang tyan ni Elie kaya tumawa sila.

"My stomach agrees."

Tinuro ni Aubrey ang macaroni salad na inilapag niya kanina sa side table katabi ni Elie kaya kinuha niya iyon at nagsimulang kumain. Nang matapos siyang kumain ay nag-umpisa na siyang magkwento tungkol sa mga nangyari sa kanya noong araw na nawala siya.

"They gave me disgusting foods. Hindi ko nga alam kung pagkain pa tawag dun. Yuck." Kwento niya na parang nandidiri.

"Wait, hindi ka kumain for more than two days?" Gulat na tanong ni Aubrey.

"Uhm.. sort of?" Tila nag-aalinlangan niyang sagot.

"What?! Ang tagal mong hindi kumain tapos salad lang ang kinain mo?! Elie naman! Sana sinabi mo agad sakin para naipagpaluto kita sa cook ng kanin at ulam."

"Ikaw kaya ang nagbigay ng salad sakin. Saka okay nako. I can even beat you up right now using only one hand."

Tiningnan ni Aubrey si Elie ng masama kaya nag-peace sign lang siya. Napabuntong-hininga si Aubrey saka nagtanong ulit.

"Did they hurt you?" malumanay at puno ng pag-aalala niyang tanong.

"No."

Napangiti si Aubrey sa sagot niya at parang nabunutan ng tinik ang kanyang puso.

"If you only saw ate Caisley when we escaped. She saved me many times there. Gosh! Idol ko na talaga siya!"

Ikinuwento Elie kay Aubrey ang mga nangyari at lalong lumaki ang paghanga nila sa nakatatandang kapatid. Pati ang tungkol sa lalaking nakaitim ay naikwento niya rin. Natakot siya nang maalala ang nakitang bangkay sa mismong harap niya. Pati si Aubrey ay natakot sa kanyang kwento.

He's MeanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon