Pagkagising ko ay naging alerto agad ako sapagkat nakita kong nakabukas nanaman ang bintana ng kwarto ko. What the hell is happening again? Nakabukas rin ang pinto ng kwarto ko. Did I forgot to lock it? Napatingin ako sa pinto ng banyo ko dahil nakarinig ako ng pagflush ng toilet. Nakakunot noo akong lumapit doon ng dahan-dahan.
"Who's there?"
Hindi sumagot ang kung sino man ang nasa loob kaya binuksan ko ang pinto at dahan-dahang pumasok. Malaki sa loob at separated ang bathtub, shower at toilet room. Pagliko ko ay nagulat kaagad ako dahil bigla na lang may humila sa akin kaya muntikan na akong masubsob. Mabuti na lang at nasalo ako ng humila sakin. Pagtingin ko sa mukha niya ay bigla na lang kumulo ang dugo ko like I want to kill someone right now.
"Miss me?" Nakangiti niyang sabi.
Agad akong umayos ng tayo at hinarap ang demonyong nakatayo sa harapan ko. Yeah, it's Sean. Who else?
"Who the hell gave you the permission to use my toilet?"
Ngunit imbis na sagutin niya ang tanong ko ay naglakad na siya palabas ng banyo . I'm just following him while my head is running on how to kill him. Presko lang siyang umupo sa kama ko at humiga. Nilagay niya pa ang dalawang kamay niya sa ulohan niya na nagsilbing unan.
Lumapit ako sa malaking sofa at isiniksik ang kamay ko sa sulok para makuha ang itinago kong patalim dito. My knives are everywhere. Lumapit ako sa kinaroroonan niya habang pinagplanuhan kung paano ko siya mapapatay nang hindi niya napapansin. I smirked when I saw him closing his eyes. Wala akong pakialam kung magkalat man ang dugo dito sa kwarto ko. Before this day ends, dapat mawala na siya.
"Saka mo na ako pagplanuhang patayin. I would also be glad killing you too. But this not the right time, Devance."
Napatigil ako sa tangka kong paglapit sa kanya. How the hell? Damn this guy.
"Why are you here? Planning to give me threat again?" Tanong ko
"Not really. Maligo ka na. We're going somewhere."
Hindi ako sumagot at tiningnan ko lang siya. I don't want to go with you, bastard. Kahapon lang ay ipinahamak niya ako at ni hindi niya man lang ako tinulungan sa pagtakas namin ni Elie. So why the hell would I come with him? At may klase pa ako ngayon.
"Ayaw mong sumama? Alright, but I just you to know na alam ko kung nasaan ang kwarto ng mga kapatid mo." Sabi niya nang nakatingin sa nakabukas na pinto at akmang tatayo para lumabas
"What are you planning to do?"
Lumingon siya sa akin nang may nakakalokong ngiti. Bigla akong kinabahan ngunit hindi ko ipinakita.
"I haven't take breakfast yet." Sagot niya pa parang may masamang intensyon.
Nang-umpisa na siyang maglakad palabas ngunit mabilis akong lumapit sa pinto at sinarhan ito bago pa siya makalabas dahil alam ko kung ano ang binabalak niya.
"Where the damn place are we going?" Tanong ko nang nakahawak pa rin sa doorknob.
Ngumisi siya at hinila ako papasok sa banyo.
"Fuck. I'll get my clothes first."
Sapilitan niya pa rin akong pinapasok sa banyo at hindi ko kaya ang lakas niya.
"Nah. Dito kana magbihis mamaya sa harapan ko. And I promise you, that would be great." Saka siya kumindat at sinara ang pinto.
I clench my fist at bigla ko na lang nasuntok ng malakas ang sementadong pader na nakakonekta sa pinto. Naramdaman kong nagcrack ito at dumugo ang kamao ko ngunit hindi ko maramdaman ang hapdi. Ipinikit ko na lang ang mata ko at pinilit na blangkuhin na lang ang isip ko.

BINABASA MO ANG
He's Mean
AcciónHe's mean, heartless, selfish. No one dares to bump into him. But's he's too much. He hurt someone who's important to me so I have no choice but to enter into his dark world. But I guess it's a wrong move, though.