Chapter 9 - Dark Path

72 20 4
                                    

Pagkarating ko sa mansion ay nagbihis agad ako ng uniform ko. Kumain muna ako dahil wala akong kinainan mula pa kanina bago ako pumunta sa university. Pagpasok ko pa lang ng gate ay sumalubong na agad sa akin si Levi.

"You're absent again." Salubong niya

Hindi ko siya sinagot at diretso lang sa paglalakad papunta sa cafeteria dahil saktong lunch time ang pagdating ko.

"Where did you go?" Tanong niya habang sumasabay sa paglakad ko

"Hell." Tipid na sagot ko.

"Really? Did you saw a demon?" Pagbibiro niya

Demon? Yeah, I saw a demon.

Alam niyang hindi ako sasagot kaya nagsimula nanaman siya sa pagkwento habang tinatahak namin ang daan papuntang cafeteria.

"Ehem, I have a new crush. Uhm, he's tall, and handsome. But I don't know much about him yet. Can you-"

"Can I join you?" Sulpot ng isa pang madaldal

"Sure."

Nagsimula nanaman silang magkwentuhan at parang hindi sila magkandasawa sa pag-aksaya ng laway nila sa walang kwenta nilang kwento.

Pagkarating namin sa cafeteria ay naglakad ako sa counter para umorder ng coffee shake dahil katatapos ko lang rin kumain sa bahay. Pagkatapos kong magbayad ay may sumulpot na lalaki sa gilid ko at siya naman ang sumunod na bumili.

"Yan lang kakainin mo?" Tanong ni Justine habang nakatingin sa coffee shake na nasa kamay ko.

Tumango lang ako saka lumapit sa mesang inuupuan ni Levi.

"Hey, hindi ko pa naituloy ang sinasabi ko kanina. Uhm.. kasi, as I've said, meron nga akong bagong crush-"

"Then?" Walang gana kong pagsulpot

"Then.. eh kasi-"

"What am I going to do with that? I don't care who the hell is your damn crush so stop telling me about it." Walang gana kong pagsulpot ulit saka uminom ng coffee shake ko.

"Wait. Pwede patapusin mo muna ako?" Tanong niya.

Hindi na ako nagsalita at tumingin lang ng blanko sa kanya.

"Fine. You don't care about it and of course I know that. But I just want to ask favor from you."

Hindi ko binago ang tingin sa kanya na nanatiling nakablanko

"Please?"

Hindi pa rin ako sumagot imbis ay itinuloy ko lang ang pag-inom ko ng inumin ko.

"Aish. Just a yes or a no." Tila naiinis niya ng sabi.

"No" tipid kong sagot.

Napataas ang kilay niya pero wala pa rin akong pakialam.

"Here"

Biglang may sumulpot na lasagna sa harapan ni Levi na ipinatong ni Justine

"Thanks"

"You're welcome"

Tuloy lang ako sa pag-inom ng shake ko at nang maubos ko na ay may naglagay naman ng platong may nakalagay ng slice ng straberry cake sa harapan ko.

"Binilhan na rin kita. Hindi ako makakampante kung yan lang ang iinumin mo action princess." Saka siya kumindat.

"I don't eat that" saka ako tuluyang tumayo.

Napakamot na lang siya batok niya habang nakatingin sa straberry cake. Nakita kong ibinigay niya iyon kay Levi bago ako umalis at iniwan sila. I still have much time before my next subject starts so I decided to walk around the campus. Ngayon ko lang sinubukang maglibot dito para pampalipas oras dahil ayokong nagsasayang ng oras. But now I'll try taking tour here since I have nothing to do with my free time. Hindi ako sa hallway dumadaan dahil masyadong maraming tao. I hate annoying people.

He's MeanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon