Umalis na ang demonyo at iniwan niya kami. He dragged me here then left. Psh. Nang makalabas na kami sa lugar na iyon, nasagot naman agad ang problema ko. Mayroong paparating na sasakyan sa di kalayuan. I'm sure na kilala ko ang sasakyang iyon. But why is he here? But still, I'm thankful dahil nandito siya. Nag-aantay lang ako na lumapit na ang sasakyan at huminto iyon sa harap namin. Bumukas ang pinto at lumabas ang nagmamay-ari ng sasakyan.
"Mabuti na lang at nandito ang boyfriend mo, ate."
I didn't mind what Elie said.
"Bakit ka nandito?"
Napakamot siya sa ulo niya at sumagot.
"Nang makita kong hinatak ka ni Sean, sinundan ko agad kayo. Alam naman nating hindi maganda ang ugali ng ugok na yun kaya... hehehe."
Hinila ko na lang si Elie at binuksan ang likod ng kotse. Una kong pinapasok si Elie saka ako umupo sa tabi niya. Napakamot ulit ng ulo niya si Justine at sumunod na pumasok sa driver's seat. Nang paandarin na niya ang makina ay nagtanong ulit ako.
"How did you follow us? Hindi kita nakita kanina. Not even the shadow of your car."
Nakatingin siya sa akin sa rear view mirror at agad na umiwas ng tingin.
"Ah-eh.. sinundan ko lang ang path ng sasakyan niyo."
Napalingon ako kay Elie. Nakatingin lang siya sa bintana. Napagpasyahan kong umidlip lang muna dahil alam kong mahaba ang byahe namin. I closed my eyes, but my head is still running. Who is the man with black outfit? Why did he help us?
Pumasok sa isip ko na baka si Sean yung lalaking yun. They both have great skills. Mabilis silang kumilos at bigla na lang lulutaw at mawawala. At alam rin niyang nandun kami.
But the fact that he betrayed me for those bullshit weapons, nawala agad ang hinala ko. Bakit nga naman niya kami ililigtas? He's a selfish guy.
Pero sino nga ba talaga siya? Anong gagawin niya sa mga armas na yun? He's really mean and mysterious. He's known in our school because of that. Besides, he also have looks and he's also smart. Naalala ko naman bigla ang sinabi ng pinuno ng mga lalaking armado kanina.
'Mag-ama nga kayo. Madali lang para sa inyong manakit at pumatay. Mga demonyo kayo! Kung hindi dahil sa ama mo, buhay pa sana ang anak ko! Bumawi lang ako. Pero punyeta! Hindi ko akalaing magkapareho lang pala kayo! Mga tangina! Dapat sa inyong mamata--'
Mabuti na lang at napaalis ko na si Elie bago niya yun sabihin. Ayokong isipin ni Elie na masama kaming tao ni dad. Yun kasi ang pinalalabas niya base sa mga sinasabi niya. Akala ko nung una, ang tinuyukoy niya kaninang kasalanan ni dad ay about business matters lang. Pero ano namang kinalaman ni dad sa pagkamatay ng anak niya? Ayoko man isipin pero may nagpop na idea sa isip ko.
'Is it possible na pinatay ni dad ang anak niya?'
No. Maybe hindi lang sinasadya ni dad yun. O baka sinisisi lang niya si dad sa pagkamatay ng anak niya. I don't know. Tsaka hindi ko naman sila sinaktan ng walang dahilan. Pinrotektahan ko lang ang kapatid ko. Biglang gumulo ang isip ko. Andaming katanungan na hindi ko masagot.
![](https://img.wattpad.com/cover/56696921-288-k240172.jpg)
BINABASA MO ANG
He's Mean
ActionHe's mean, heartless, selfish. No one dares to bump into him. But's he's too much. He hurt someone who's important to me so I have no choice but to enter into his dark world. But I guess it's a wrong move, though.