Chapter 1*

4.3K 57 12
                                    

Chapter 1

Hindi ko alam kung paano idedescribe ang mukha ko ngayon. Stress na stress na ako. Katatapos lang kasi ng first periodical exam namin tapos heto, nagsisimula na uling magdiscuss for the next period. Agad agad eh! Wala man lang pahinga. 

"Haay, ano ba naman yan. Tagal ng panahon, gusto ko nang magcollege."  bulong ko sa sarili, bagot na bagot habang nakahalumbaba at nakatingin sa aming teacher. 

"Aray! Anong problema mo?"  Pinandilatan ko ng mata si Kaysha, ang bestfriend ko na bigla bigla na lang akong binatukan.

“Yan nga ang itatanong ko sa'yo e. Anong problema mo, Jelynne? "  galit na galit na sabi nya.

Imbis na matakot ako dahil galit siya, natawa na lang bigla ako. Hindi ko kasi maatim ang mukha niya. Ano ba naman kasing klaseng expression 'yon! Hindi talaga bagay sa kanya ang nagagalit. Napaka-sweet kasi ng mukha niya.

"Bakit ka tumatawa dyan?" pagtataray niya.

"E bakit ka ba nagagalit?" tanong ko na natatawa pa rin.

"Is there anything you want to share to the class, Miss Kaysha and Miss Jelynne?"  napatigil kami ni Kaysha at doon lamang namin napansin na nakatingin na pala sa amin ang buong klase. 

"Ikaw kasi eh."  bulong ko kay Kaysha habang nakatingin sa teacher namin habang umiiling. 

"Anong ako?"  bulong naman niya pabalik sa akin. 

Inintay ko muna na ialis ni Ma'am ang tingin sa'min bago ko nilingon si Kaysha.

"Kita mo na, nananahimik ako dito eh dinadamay mo pa ako sa kadaldalan mo." bwelta ko sa kanya.

Napabuntong hininga siya. "Ikaw nga 'tong nagsasalita mag-isa kanina at panay pa ang reklamo mo."

"Na ano?" nagtataka kong tanong. 

"Na sana mag-college na tayo bla bla bla. Ayaw mo na ba ng higshschool?"  biglang napataas ang kilay ko. Aba, narinig niya ang pinagbububulong ko kanina? Grabe ha!

"Boring naman talaga eh." at pinatong ko uli ang ulo sa kamay ko na parang si Ninoy Aquino sa lumang limang daan.

"Last year na natin 'to. Wag ka ngang KJ! Mag-enjoy na lang tayo kasi sa college kailangan na talaga magseryoso sa studies. Wag mo namang  madaliin, okay?” napairap ako sa pagsesermon niya sa akin. 

"Do you really want to enjoy?"  halos mapalundag ako sa kinauupuan ko nang marinig ko na naman ang nangangalit na boses ni Ma'am. Nakakagulat kasi hindi ko napansin na nasa likod na pala namin siya ni Kaysha! Saan siya dumaan? Ba't hindi namin siya nakita? 

"I already warned you yet you keep on talking. Do you really want to enjoy life? Go out and have some fun!"

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon