Chapter 30 ~
Sabay kaming papasok ni Mama ngayon. Malamang, papasok ako sa school at si Mama naman ay sa work. Haha!
"Naku, anak intayin mo na lang ako sa labas, naiwan ko lang yung wallet ko. Sa lahat nang pwedeng maiwan ay iyon na lang palagi." ngumti lang ako kay mama at tumango.
Pagkalabas ko ng bahay ay nagulat ako nang makita ang kotse ni Renzo. Ang sabi niya sa akin ay hindi niya ako masusundo ngayon dahil nasira raw ang kotse niya.
Tumakbo agad ako palapit sa kotse niya. Nakita na rin niya siguro ako dahil bumaba ang binatana nito.
"Good morning!" bati niya sa akin.
"Akala ko ba sira ang sasakyan mo?"
"Bigla kong naayos eh. Ano, sakay na!"
"Naku, kasi --- " hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla akong tinawag ni Mama.
"Jelynne!" napakagat naman ako sa labi. Patay na! Kahit si Renzo ay alam kong kinakabahan na rin.
Nang makita ni Mama si Renzo ay alam ko na kung anong mangyayari mamaya pagkauwi ko. Mukhang uusisain niya ako tungkol dito. Kung noong una kasi nakalusot ako, ngayon mukhang hindi na. >//<
"Tita, sabay na po kayo. Mahirap pong sumakay ngayon dahil maaga pa." napatingin si Mama sa relo at dahil mukhang nagmamadali siya ay pumayag na rin ito na sumabay kami.
Palihim na ngumiti sa akin si Renzo. Feeling niya naka-score na siya? Tsk.
Tahimik lang sa loob. Mabuti naman at behave lang si Mama. Hahaha! Mabait naman siya, hindi naman sia mahilig man-intriga, iyon ay pag sa ibang tao pero pag sa akin, siguradong gigisahin niya ako!
Nang makarating kami sa office ni Mama ay bumaba na ito. "Sa school ang diretso ha, huwag kung saan-saan dadaan." habilin sa akin ni Mama pero sigurado naman akong nagpaparinig siya kay Renzo.
Nakahinga ako nang malalim nang makaalis na si Mama. Bahagyang napangiti ako. Hahaha! Haaay, salamat.
"Mukhang okay na ang mama mo sa akin, sa tingin mo?" tanong niya sa akin. Napahalakhak naman ako nang wala sa oras.
"Feeling mo talaga naka-score ka na? Iba pa rin nga ang mga tingin niya sa'yo eh."
"Kinikilatis lang niya ako pero dahil alam na niyang good boy ako, okay na siguro ako dun." confident niyang sabi.
Napangiti ako. Sabagay, wala naman talagang maipipintas kay Renzo. Kahit sino naman sigurong magulang ay papabor sa lalaking katulad niya. Hmm, sana ganun nga si Mama.
Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa school. Siya ang unang bumaba para pagbuksan ako. Ang sweet! Nang maisara niya ang pinto nito ay bigla na lang niya akong tinulak dahilan para mapasandal ako sa sasakyan niya.
Nasa harap ko siya, sobrang lapit na halos maramdaman ko na ang hangin mula sa bibig niya. Gulp! Anong gagawin niya? Nandito pa naman kami ngayon sa parking lot at dahil maaga pa ay wala pang tao rito.
Nakatitig lang siya sa akin at pagkatapos ng ilang segundo ay bigla na lang niya akong hinalikan at tumawa ang loko na akala mo'y nanalo sa lotto.
"Renzo ano ba, bakit mo ako hinalikan?!" naiinis na sabi ko. Ang arte di ba, akala mo naman ninakawan ako ng first kiss. Hahahaha! Well, actually siya nga yung nagnakaw ng first kiss ko. -__-
"Sa pisngi lang naman eh! Ang arte naman nito."
"Eh kasi naman -- "
"Bakit? Siguro akala mo sa labi kita hahalikan no?" pang-aasar niya.
BINABASA MO ANG
Unexpected
Teen FictionWalang oras sa lalake si Jelynne. Kailanman ay hindi sumagi sa isipan niya na mainlove kung kanino man. Pero sa di inaahasahang pagkakataon ay bigla na lang tumibok ang puso niya, sa dati pang manliligaw ng kabigan niya na noo'y ayaw na ayaw niya.