Chapter 37 ~ The Unexpected Ending
JELYNNE's POV
Dumating na ang araw ng Prom. Pero imbis na iyon ang isipin ko ay mas naiisip ko pa ang kasal ni Yoanna at Renzo. Hindi talaga maiwasan na hindi sila maisip. I always think if what are they doing? Masaya ba sila dahil ito na ang araw ng pag-iisang dibdib nila?
I also think of what could be the look of their wedding. Did they use the color lavander or any touch of violet as their mottif? Iyon kasi ang sinuggest ko noon sa kanya, kasi it symbolizes eternity.
Naisip ko rin na kaya siguro 6 pm ang kasal nila ay dahil sinabi ko sa kanya noon na magandang ikasal kasabay ng paglubog ng araw. Para kasi sa akin kapag isinabay iyon sa sunset ang ibigsabihin, magkasama pa rin kayo hanggang matapos ang walanghanggan.
Bigla na lang akong natawa sa mga naiisip ko. Ang feeler ko naman masyado. Bakit naman ico-consider ni Renzo ang mga suggestions ko noon? Baka nga hindi na ako sumasagi sa isip nya dahil si Yoanna na lang ang iniintindi niya.
Nakakatuwang isipin na ang first love mo ikakasal na pala, ang masamang balita nga lang hindi sa'yo ikakasal kundi sa iba.
"Hoy, Jelynne." bigla na lang akong bumalik sa earth nang kinaway-kaway ni Kaysha ang kamay niya sa mukha ko.
Inilayo ko ito sa akin, "Ano ba?"
"Ano nga ba? Bakit nakatunganga ka dyan? Aattend ka pa ba sa prom?" Mataray na tanong nya sa akin at nakapamewang pa.
Lumipat ako nang pwesto at umupo na sa harap nang salamin kung saan nakaupo si Kaysha kanina. Tapos na kasi syang ayusan, ako na ang sunod. Nandito na kami ngayon sa salon, magpapaayos. Prom na kasi mamaya.
"Syempre aattend ako no."
Lumapit na sa akin ang bakla na mag-aayos sa akin at sumunod naman si Kaysha. Tumingin sya sa repleksyon ko sa salamin at kitang kita ko ang kilay nyang dinaig pa ang Mt. Everest sa sobrang taas.
"Yung totoo? Parang wala kang gana eh." siguro ay nahahalata niya na hindi ako excited sa prom, paano ba kasi, ngayon din ang kasal ni Renzo.
"Ano ka ba, ikaw lang ang nag-iisip nyan." pagdadahilan ko.
Humila si Kaysha ng upuan at itinabi ito sa akin. Nakatingin lang kami parehas sa salamin at doon na nag-usap. Biglang bumaba ang matataas nyang kilay at nakakita ako ng lungkot sa mga mata nya.
"Oh, bakit?"
"If you want, pwede pa tayong humabol sa kasal, aabot pa tayo."
Biglang kumunot ang noo ko. "Why would you think na gusto kong humabol sa kasal?"
"Ano ka ba, pipigilan natin ang kasal!"
Napalingon ako kay Kaysha na syang ikinainis ng baklang nag-aayos ng buhok ko. Humarap na lang uli ako sa salamin at tiningnan doon si Kaysha ng masama. "Bakit ko naman pipigilan?"
BINABASA MO ANG
Unexpected
Teen FictionWalang oras sa lalake si Jelynne. Kailanman ay hindi sumagi sa isipan niya na mainlove kung kanino man. Pero sa di inaahasahang pagkakataon ay bigla na lang tumibok ang puso niya, sa dati pang manliligaw ng kabigan niya na noo'y ayaw na ayaw niya.