Chapter 14*

1.5K 29 8
                                    

Chapter 14 ~

 

As usual, maaga na naman akong nakarating sa school. Naisipan kong dumaan muna sa room ni Renzo. Bago nyo pa ako asarin, sinasabi ko, isasauli ko lang po yung panyo na pinahiram niya sa akin kagabi. Wala akong ibang dahilan, isasauli ko lang ang panyo. OKAY? 

Okay. defensive much. 

Well, I really owe him for what he did last night. Ayaw ko mang magkaroon ng utang na loob sa kanya pero dahil sa ginawa niya gumaan ang pakiramdam ko. Hindi yung panlilibre niya sa akin ng siomai ha, yung pagco-comfort niya sa akin. Nakatulong talaga yun nang malaki. Bonus na yung siomai!

 

Masarap talaga sa pakiramdam kapag naiilabas mo lahat ng sakit at sama ng loob na matagal mo nang pinipigil at itinatago. Pero mas masarap pa rin sa pakiramdam kapag may tao kang masasandalan at mahihingahan sa mga ganitong pagkakataon -- at si Renzo nga ang naging sandalan ko kagabi. 

He's the least person whom I knew na makakapagpagaan ng loob ko. It was very unexpected.

 

 Nang makarating ako sa room niya ay wala siya roon. Lumabas uli ako para i-check kung room 204 nga ang pinasukan ko at tama naman nga ako.

"Si Renzo ba ang kailangan mo?"  tanong ng isang babae na napansin siguro na pasilip-silip ako sa room nila.

Kung paano niya nalaman na si Renzo ang hinahanap ko, ay hindi ko rin alam. Alinlangan naman akong tumango sa kanya.

"I knew it!"  maarteng sabi nito. "Tell me, ano bang connection niyong dalawa? Is it true that you are dating?"

Nanlaki naman ang mata ko sa narinig.

"Pabirhen pa, malandi rin pala. Ganun ka na ba ka-despereda? Basura na ng bestfriend mo, pinupulot mo pa?!"

"Ano?!"  napasigaw naman ako sa sinabi niya. "Hindi ko alam ang sinasabi mo." Inilabas ko ang panyo mula sa bulsa ko at inihagis ito sa kanya. Nasambot din naman niya ito. "I just came here to give back his handky. Kung masama na ibalik ko yun sa kanya, pakitapon na lang."

Bago pa man ako makaalis ay inihagis niya ulit ito pabalik sa akin. "Throw it yourself, bitch!"  nayukom ko naman ang palad ko. Gusto ko na siyang sikmuraan kung hindi nga lang may tumawag sa akin.

"Uy, Jelynne!" tanong sa akin ng isang pamilyar na lalake. Napataas ang kilay ko. Kung tawagin niya ako akala mo close kami.

"Hinahanap mo si Renzo no? Naiwan siya sa covered court."  bakit ba alam nila na si Renzo ang pakay ko? >//<

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon