Chapter 28 ~
RENZO's POV
"Anak, buksan mo ang pinto." kanina ko pang naririnig si Manang Ekay na kumakatok sa pinto ngunit hindi ko ito pinapansin. Masama ang pakiramdam ko at wala akong lakas para tumayo sa kama ko.Tumakas ako sa Palawan para lang mapuntahan si Jelynne tapos makikita kong kasama na naman niya si Dinno? Lalaki rin ako, alam ko kung may gusto ang isang lalaki sa isang babae and it's fucking obvious that Dinno has feelings for my Jelynne. Hindi ko alam kung gaano katagal na pero I'm very sure na may gusto nga ito kay Jelynne.
Ang masakit dito, ipinagtatanggol pa niya si Dinno, mas kinakampihan kesa sa akin. Ilang linggo lang akong nawala, ilang araw lang akong nawalan ng communication sa kanya ay nakahanap agad ng ibang lalaking matatakbuhan itong si Jelynne at tine-take advantage naman ito ni Dinno.
She doesn't know what I've done. I left Palawan, I betrayed my own father, I choose her above anhthing else.
Akala ko kaya ako pinapunta ni Dad sa Palawan ay para makapagbakasyon, I didn't know na may halong business pa rin pala ito. Okay, okay lang. Tanggap ko na rin naman na habang lumalaki ako ay mas kailangang maging familiar na ako sa magiging future ko. May dad formally introduce how mining industry goes. Ipinakilala na rin niya ako sa mga kasosyo na at iba pang businessmen.
All along I knew we're just about to attend an usual business gathering but never I thought it was an engagement party. Doon ko lang nalaman na matagal na palang napagplanuhan ang kasal namin ni Yoanna. At sigurado akong alam na ni Yoanna ang tungkol dito, hindi ko alam na talagang pinursue niya ang matagal na niyang kagustuhan na pakasalan ako.
On that very night, wala akong nagawa. If Ninong Rod, Yoanna's Dad, wasn't there, I should've made a protest. Malaki ang utang na loob ko sa kanya because he once saved my life. But it doesn't mean na papayag na akong magpakasal sa anak niya. After the engagement party, tumakas ako sa tulong ni Manang Ekay. Walang nakaalam at siguro hindi pa rin nila alam na nakaalis na ako dahil wala pang naghahanap sa akin.
"Anak, lumabas ka na riyan sa kuwarto, nandito si Yoanne." napamulat ako nang mata nang marinig ko ang pangalang Yoanne, si Yoanna ay nandito?
Bumangon ako at binuksan ang pinto. "Kanina pa siyang naghihintay sa ibaba."
Pagkababa ay agad akong sinalubong ng yakap ni Yoanna. "I miss you Hubby. Bakit kasi umalis ka nang hindi nagpapaalam sa akin?"
Inalis ko ang nakapulupot niyang kamay sa akin. "Anong kailangan mo? Kahit anong gawin niyo ay hindi niyo maipipilit na magpakasal sa'yo."
"Ha! Ha! Alam kong ayaw mong makitang magalit ang Daddy ko at mas lalo naman ang Daddy mo! Hahaha!" Nakakaasar, alam na alam niya ang kahinaan ko.
BINABASA MO ANG
Unexpected
Teen FictionWalang oras sa lalake si Jelynne. Kailanman ay hindi sumagi sa isipan niya na mainlove kung kanino man. Pero sa di inaahasahang pagkakataon ay bigla na lang tumibok ang puso niya, sa dati pang manliligaw ng kabigan niya na noo'y ayaw na ayaw niya.