Chapter 13 ~
Another day has just ended.
I gathered all my things when suddenly my notebook slip off my hands and fell on the ground. Dahil katabi ko naman si Kaysha, alam kong nakita niyang bumagsak ang gamit ko. Sinadya kong hindi muna iyon pulutin pero nadisappoint lang ako nang dedmahin niya lang ito.
Tiningnan lang niya ito for a second at saka tumayo at dire-diretsong lumabas ng classroom.
ANG SAKIT. Mangiyak-ngiyak kong pinulot ang notebook ko.
Alam kong nakita ng iba kong kaklase ang pandededma na iyon sa akin ni Kaysha. Ilang araw na rin kaming ganito at alam kong pinag-uusapan na naman kami ngayon.
Nang makalabas ako ng gate ay nakita kong nag-aabang na naman si Renzo ng jeep. Pinanindigan talaga niya ang pagco-commute. Pero sinadya kong hindi muna lumabas at inantay muna siyang sumakay bago ako pumara ng ibang sasakyan. Mahirap na, baka makita na naman kami ng mga chismosa, kung ano pa ang isipin.
I don't feel like coming home today. Tumambay muna ako sa may park na nasa loob lang din ng subdivision namin at doon na nagpaabot ng dilim. 6:30 pa lang pero madilim na kaagad ang kalangitan.
Himala, kaunti lamang ang tao dito sa park. Kalimitan kasi, kapag ganitong mga oras ay marami nang tao dito, tumatambay, nagpipicnie at kung anu-ano pa. Pero okay lang, mas okay yung ganito. Feeling ko solo ko ang park. Hahaha!
Sakto namang dumating si Manong Ernie, ang suki ko sa siomai. Bago pa ako makapagsalita ay agad niya akong nilapitan.
"Para sa malungkot kong suki." at inabot niya sa akin ang apat na siomai.
"Libre ho ba ito?"
Tumango ito. "Para gumaan ang pakiramdam mo."
Hindi ko alam kung paano niya nalaman na may dinaramdam ako. Ganoon na ba talaga ako ka-transparent? O hindi talaga ako magaling magtago ng emosyon ko?
Wala pang tatlong minuto ay naubos ko na agad ang apat na siomai. Gusto ko pa! Nabitin ako! Dinukot ko ang aking wallet mula sa aking bulsa. Laking gulat ko naman nang makitang said na said ito.
Wala na akong pera?
Tinaktak ko ang aking wallet at baka sakaling may pera pa akong nakasingit kung saan, baka may lumaglag na barya. Pero imbis na pera ang malaglag, mga pictures ang pumatak.
BINABASA MO ANG
Unexpected
Teen FictionWalang oras sa lalake si Jelynne. Kailanman ay hindi sumagi sa isipan niya na mainlove kung kanino man. Pero sa di inaahasahang pagkakataon ay bigla na lang tumibok ang puso niya, sa dati pang manliligaw ng kabigan niya na noo'y ayaw na ayaw niya.