Chapter 12 ~
Unti-unti akong pumasok. Pagkabukas ko, alam kong nagluluto na si Lola, amoy na amoy ko ang luto nyang adobo. Adobo for breakfast? HAHA. Pwede naman. Basta adobo ni Lola.
Balak ko sanang hindi magpakita kay Lola peero naisip ko, bakit pa? Alam naman nya na wala ako sa bahay magdamag, actually, sya nga may kagagawan non e. -___- Tsaka, hindi ko na rin mapigilan, natatakam ako sa luto ni Lola.
Pumunta agad ako sa kusina at niyakap si Lola.
"La. " muntik nang maihampas sa akin ni Lola ang sandok na hawak nya sa sobrang gulat. Hehe. Nagulat ko pala sya. Pero buti na lang hindi natuloy kasi nalaman nya agad na ako 'to. "Sorry La kung nagulat ko kayo, Hehe. "
Binitawan nya ang sandok at hinubad and apron na suot nya. Arte ni Lola, may pa-apron apron pa. Hahaha. Hinarap nya ako at parang naeexcite syang kausapin ako. Anong meron?
"Kumusta?" nangingiting tanong niya sa akin.
"Nakakainis kayo! Bakit kayo pumayag na doon ako matulog?" pagmamaktol ko pero pabulong lang kasi baka magising si mama.
"Anong gusto mong gawin ko? Hinimatay ka at hindi ko naman alam kung anong oras ka magigising kaya hinayaan na lang kita doon. Bakit, hindi ba masarap ang tulog mo doon?"
"Hmm." napaisip ako. Sa totoo lang, nahihirapan ako kapag natutulog sa ibang bahay pero kagabi mukhang naging okay naman. Dahil ba yun ka --
"Bakit ka nakangiti? May nangyari bang maganda?"
Agad naman akong napatingin kay Lola nang masama. "Wala no!" tsaka, ngumiti ba ako? Hindi ko alam! "Ang ganda lang ho kasi ng bahay nila at napakalaki ng kama kaya masarap naman ho ang tulog ko."
"Ahh." sagot ni Lola na parang hindi naniniwala. "Sino nga ulit yung kaibigan mo?"
"Kaibigan?"
"Oo, yun ang sabi niya sa akin kagabi nang tumawag ako sa cellphone mo. Kaibigan ka raw niya, bakit hindi ba?"
Napairap ako nang wala sa oras. Magkaibigan na ba kami? Hindi ko yata alam yun!
"Hindi po talaga!" sagot ko agad. Natawa naman si Lola sa inakto ko.
"Bakit, nobyo mo na ba?"
"Lola!!" sigaw ko sa kanya.
Natawa lang si Lola.
"Alam nyo namang bawal pa ho akong magboyfriend! Mapapatay ako ni mama pag nagkataon!"
"Pero kung papayagan ka ng mama mo, may pag-asa ba?"
BINABASA MO ANG
Unexpected
Novela JuvenilWalang oras sa lalake si Jelynne. Kailanman ay hindi sumagi sa isipan niya na mainlove kung kanino man. Pero sa di inaahasahang pagkakataon ay bigla na lang tumibok ang puso niya, sa dati pang manliligaw ng kabigan niya na noo'y ayaw na ayaw niya.