Chapter 22*

1.4K 16 4
                                    

Chapter 22 ~

Jelynne's POV

This day is very tiring. Last day na kasi ng mga booths at nagsimula nang baklasin ang mga stalls maging ang mga banderitas na nakasabit sa mga puno.

Nakakapagod! Alas sais na rin kaming natapos sa paglilinis.

"Je, samahan mo naman ako sa locker. Ilalagay ko lang itong mga gamit ko na hindi ko maiuuwi sa bahay."

Tumango naman ako at sumunod sa kanya. Habang inilalagay niya ang kanyang gamit sa locker ay napansin ko naman ang locker ko na parang may nakasingit doon na.colored paper.

Nang hilahin ko, isang post it notes.

| I don't wanna ever see you cry again. |

At saka ko lang nakita ang isang cute keychain na kasabit doon, isang smiley keychain.

"Ano yan, tanong ni Kaysha."  bago pa ako makasagot ay hinila na niya sa akin ito.

"OMG! This is sweet! Kay Renzo ba ito galing?"

I once thought na baka nga si Renzo ang nagbibigay sa akin ng mga ito but after what I saw few days ago, "I don't think so."

"What? Si Renzo lang naman itong aaligid-aligid sa'yo eh. It must be him!"

Yun din ang nasa isip ko pero kung sa kanya man galing ito, pwes hindi na ako natutuwa. He doesn't want to see me cry yet he keeps on hurting me. Lecheflan!

Itinapon ko ang keychain at ang post-it note.

"Ang sama mo, Jelynne!"  rinig kong sabi ni Kaysha pero hindi man lang ako nag-abalang lumingon.

Palabas na kami ng gate nang mapansin ang kotse na naka-park lang sa gilid ng gate.

"Kaysha! Jelynne!" sabay kaming napalingon ni Kaysha at nakita kong si Dinno pala ang nakasakay doon sa kotse. Hindi ko alam na may sasakyan pala siya. "Hatid ko na kayo?"

"Thanks Dinno, pero dadaan pa kasi sa mall eh." Yeah, I almost forgot about that. Bibili nga pala kami ng costume for the Halloween Party.

"Saktong sakto! Papunta rin naman ako dun eh."

Hindi na nagdalawang isip si Kaysha na sumakay sa kotse. Kilala nyo naman yun!

Sa likod kami sumakay ni Kaysha. Tahimik lang ako samantalang silang dalawa ay nag-uusap tungkol sa mga nangyari nitong mga nakaraang araw, sa booth and etc.

Nang makababa kami ay tahimik pa rin ako.

"Tara kumain!" pagyaya ni Kaysha. Pumayag naman si Dinno.

 Naiwan ako sa may table. Si Kaysha, umoorder, si Dinno naman nasa Cr.

Habang nakatingin lang ako sa glass wall ay nakita ko si Renzo papalabas ng supermarket. Nakamasid lang ako sa kanya hanggang sa bigla siyang lumingon sa akin.

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon