Chapter 18 ~
Nakauwi na kami ng bahay, hindi pa rin maalis ang ngiti ko. Ganito ba talaga ang feeling nang matuto mag-bike? O baka may ibang dahilan?
Nasa baba si Renzo at tinutulungang magluto ng sinigang si Lola. Hindi ko alam na mahilig pala siyang gumawa ng mga gawaing bahay. Una, naghuhugas siya ng pinggan. Ngayon naman, nagluluto. Napangiti na naman ako.
Habang abala ang akala mo'y totoong "mag-Lola", eto ako at nagliligpit ng gamit. Hindi ako nakapagligpit kanina paggising ko eh.
Habang naglilinis, nakita ko ang dati kong notebook. Yung notebook ko na walang kwenta. Hahaha. Puro scratch, doodle, pirma ko at kung anu-ano pang matripan kong ilagay. Kumbaga, ito yung notebook na ginagamit ko kapag sobrang bored ako sa klase. O di ba, ako lang ang may ganyang notebook. Haha. Binuklat ko, unang tumambad sa akin ay ..
Bakit ayaw kong ma-inlove.
1. Study first.
2. Bilin sa akin ni mama ang no. 1 kaya kailangang sundin. Bawal ko siyang biguin.
3. Magiging tampulan lang ako ng tukso ni Kaysha. Ipapamukha niya lang sa akin ang palagi kong sinasabi na "study first."
4. Pag may love life, umasa kang maraming aaligid na tsismosa sa'yo.
5. Ayaw kong masaktan. Ayaw kong maranasan ang nangyari kay Mama na sinaktan at niloko lang ng lalaki.
Napangiti na lang ako. Ang daming rason para hindi ma-inlove pero ang kinalabasan, na-inlove pa rin. Buhay nga naman este- puso nga naman. Kapag tumibok ang puso, wala ka nang magagawa kundi sundin ito.
Napakanta ka no? Haha!
Wala na nga siguro akong magagawa kundi sundin ang nararamdaman ko. Tanggap ko na naman eh, na gusto ko na nga si Renzo. Pero kaya ko bang panindigan ito? Paano kung hindi naman talaga ako ang gusto niya? Kakayanin ko ba?
Itinago ko na sa drawer ang aking notebook at nagpatuloy sa paglilinis. Nang mabuksan ko naman ang aking cabinet, nakita ko ang gitara ko. Napangiti ako nang makitang buhay pa pala ito. Hihi.
Isa rin ito sa mga frustrations ko. Kung may alam man akong tugtugin, Hawak Kamay lang ni Yeng. Bukod kasi sa basic chords lang ito, paulit-ulit pa. Umupo ako sa kama at sinubukan kong tanda ko pa ba ito.
*STRUM*
"Magaling ka pala mag gitara?" napalingon ako nang makitang nakasilip na pala sa may pinto si Renzo. Isang strum pa lang nga ang nagagawa ko, magaling na agad?
BINABASA MO ANG
Unexpected
Ficção AdolescenteWalang oras sa lalake si Jelynne. Kailanman ay hindi sumagi sa isipan niya na mainlove kung kanino man. Pero sa di inaahasahang pagkakataon ay bigla na lang tumibok ang puso niya, sa dati pang manliligaw ng kabigan niya na noo'y ayaw na ayaw niya.