Chapter 17.2 ~
Sa totoo lang, hindi talaga ako marunong magbike. Nag-aral ako pero sinukuan ko rin. Dalawang araw ko lang yata nagamit iyon pagkatapos ay inayawan ko na. Noong pangalawang araw kasi, naaksidente ako. Doon kasi ako nagbike sa matarik na parte ng sundivison, hindi ko nacontrol at gumulong nga ako.
Marami akong sugat na natamo noon kaya nga natakot na ako at hindi na muling nagbisekleta. Ayaw ko namang hintayin pa na matanggalan pa ako ng ilong o kaya ng paa bago tumigil. HAHAHAH. Kaya tinago ko na yung bike at ngayon ko na uli ito nakita. After 4 years ay hindi ko akalaing maayos pa pala siya.
"Sige na, i-share mo na sa akin ang galing mo sa pagba-bike." nakangiting sabi ni Renzo sa akin.
Inirapan ko siya! "Umuwi ka na nga at itago mo na lang ulit yan sa garahe."
"Okay." Bigla syang sumimangot at affected naman daw ako. T-teka, sabi nya hindi sya marunong magbike? Bakit bigla syang sumakay sa bike at napaandar naman nya.
"HOY! Niloloko mo ba ako?" sigaw ko sa kanya at mabilis naman nyang naipreno ang bike. Lumingon sya sa akin.
"Bakit?" tanong nya na para bang sobrang inosente. Sapakin ko 'to eh
"Sabi mo hindi ka marunong magbike?"
"Marunong na ako. "
Tinaasan ko sya ng kilay at inirapan. "Niloloko mo ba ako?"
"Ikaw nga 'tong nanloloko. "
"Ha?"
"Sabi mo marunong ka magbike?"
Napalunok naman ako. Parang umatras bigla ang dila ko. "M-marunong naman talag ako ah. "
Ngumiti siya sa akin na para bang hindi siya naniniwala sa sinabi ko, well hindi naman talaga nga totoo 'yun. =__=
Sumakay na uli sya sa bike at nagsimula nang magpasikat sa harap ko. Para siyang lumulipad dahil sa mga stunt at tricks na ginagawa niya. Ang galing!
"Bakit ka tumigil?" nang-aasar na tanong ko nang bigla siyang tumigil.
"Baka humanga ka na ng sobra sa akin pag ipinagpatuloy ko pa." nangingiting sabi niya sa akin.
Ang lakas talaga!
"Patawa ka." I said sarcastically.
"Maganda sana ang bike mo, kinakalawang na nga lang dahil hindi na nagagamit. Try mo kayang gamitin minsan." sabi niya sa akin habang isinasandal ang bike sa may poste at umupo sa tabi ko.
BINABASA MO ANG
Unexpected
Teen FictionWalang oras sa lalake si Jelynne. Kailanman ay hindi sumagi sa isipan niya na mainlove kung kanino man. Pero sa di inaahasahang pagkakataon ay bigla na lang tumibok ang puso niya, sa dati pang manliligaw ng kabigan niya na noo'y ayaw na ayaw niya.