Chapter 19.2 ~
Renzo's POV
"RENZO!"
Napalingon ako nang marinig ko ang pangalan ko. Nagulat ako nang makita si Yoanna. Anong ginagawa niya rito?
Si Yoanna ang babaeng tinutukoy ko, na dahilan kung bakit ako umalis ng bahay noong isang gabi. She flew all the way from States at dumaretso sa school para makita raw ako. Sumunod nga siya sa akin hanggang sa bahay kahit pinagtatabuyan ko siya. At ang ginawa ko, tumakas ako at tinaguan siya for that night para lang umalis na siya ng kusa sa bahay namin. And I made it! Umalis naman nga siya sa bahay ko dahil alam kong hahanapin niya ako. But now that the class has resumed, nandito na naman siya sa school para manggulo!
"Teka lang Jelynne ha." bulong ko kay Jelynne nang bitawan ko siya at hinarap si Yoanna. Kinaladkad ko siya palabas ng gym at nang makarating kami sa may covered ko ay inihagis ko agad ang braso niya.
"Aww, that hurts!" pag-iinarte niya.
"Gusto mo bang saktan pa kita para lang umalis ka na?" nangangalit na tanong ko sa kanya.
"Of course, you wouldn't do that." lumapit siya sa akin at tiningnan ako ng malagkit. "I'm still your little sister, don't you remember? You can't afford to hurt me!" an evil smile appeared on her lips.
"You're not that kid I used to know, Yoanna. Aminin na natin nagbago na ang lahat. And besides, you're the one who told me that you're not my little sister anymore!"
Napahalakhak naman siya. "I didn't know, you still remember that."
"Of course, I do!" at inalis ko ang kamay niya na pumulupot sa leeg ko. "Stop this act, Yoanna. I know you're here just to pursue our engagement!"
"Haha! Ikaw naman. Hindi ba pwedeng na-miss lang kita kaya ako pumunta rito? Preparing our engagement is a long process. Pinag-iisipan ko pa nga kung itutuloy ko iyon eh!" nang-aasar na sabi niya.
"Then drop that plan!"
"Relax, Renz. If that's what you want, then okay. Pwede pa rin naman tayong makasal eh kahit walang engagement. That would be better thou. Hahaha!" nayukom ko naman ang palad ko nang marinig iyon.
"I'm just waiting for my 18th birthday at pwedeng pwede nang matuloy ang kasal natin!" tuwang tuwang sabi pa niya sa akin.
"You feel really determined, huh?" I said sarcastically.
BINABASA MO ANG
Unexpected
Novela JuvenilWalang oras sa lalake si Jelynne. Kailanman ay hindi sumagi sa isipan niya na mainlove kung kanino man. Pero sa di inaahasahang pagkakataon ay bigla na lang tumibok ang puso niya, sa dati pang manliligaw ng kabigan niya na noo'y ayaw na ayaw niya.