Chapter 36*

1K 13 2
                                    

Chapter 36 ~

JELYNNE's POV

"Hindi pa ba niya nasasabi sa'yo?"  

"Ang a-alin po?"  parang bigla akong kinabahan. May nililihim ba sa akin si Renzo? Ano ba talaga ang dahilan kung bigla na lang siyang hindi nagpakita pagkatapos nang napakasayang araw naming dalawa sa bahay ni Kaysha.

That day, pakiramdam ko ay parang wala nang problema, pakiramdam ko ay 'yun na ang pinakamasayang araw namin. I never thought that it will be the last time. Hindi na kasi siya nagpakita sa akin pagkatapos nang araw na'yon.

"W-wala, wala."  parang kinakabahan na pagtanggi ni Manang Ekay. She's stummering, I know she's hiding something.

"Manang .. "  parang nagmamakaawa na tugon ko sa kanya. "Sabihin nyo na po sa akin kung ano iyon."

"Wala!" mabilis na sagot nito. "Wala, ang ibig kong sabihin ay wala ang alaga ko rito. Kasama niya ang kanyang Daddy na umalis rito noong isang araw. Hindi naman sila nagsabi kung saan sila pupunta."

Hindi ako kumbinsido. "Hindi niyo po ba talaga alam kung nasaan sila?"

Hindi na niya ako sinagot at isinara na lamang ang gate.

"Teka, Manang!"  sigaw ko sa kanya. Pero hindi na siya nag-abalang lumingon pa sa akin.  

Maya-maya'y tumunog ang phone ko, akala ko si Renzo na, si Kaysha pala.

"Nasaan ka? Sabay ka na sa'kin, sinundo kasi ako ni Reign ngayon."  mabuti pa ang dalawang ito, going stronger. Kahit na magkaiba sila ng school at mas busy si Reign because of his course, ay hindi sila nawawalan ng oras para sa isa't isa. 

"Actually, palabas na ako ng subdi."

"Sige, malapit na kami."  then she ended the call.

 --

Nang makasakay ako ay biglang ngumiti sa akin si Kaysha, it wasn't her natural smile. She looks so nervous and worried at the same time.

"May problema ba?"  tanong ko.

"Naisip ko lang kasi na mag out of town kaya tayo?" sambit ni Kaysha.

"Out of town?"  nagulat ako sa pabigla-bigla niyang desisyon. "E halos kakatapos lang ng bakasyon tapos mago-out of town tayo? At isa pa, hindi ako mapapakali hangga't hindi nalalaman kung anong nangyari kay Renzo."

Napabuntong hininga ako at napatingin kay Reign mula sa rear-view mirror, kahit siya, ay ganoon rin ang itsura. Hindi ko sila mabasa. "Alam mo ba kung nasaan si Renzo?"  tanong ko kay Reign. Magpinsan sila at malaki ang posibilidad na may alam siya sa mga nangyayari rito.

Pero nabigo ako, mabilis itong umiling ang sinabing, "Wala akong alam. Matagal na rin kaming hindi nakakapag-usap."

I just look outside the window, "Baka nasa school siya, baka pumasok na'yon."  ang sabi ko na lang. 

Pinilit ako ni Kaysha na huwag na lamang pumasok ng school. Tinatanong ko kung bakit pero hindi niya ako mabigyan ng magandang dahilan, "Kayo na lang ni Reign, kailangan kong pumasok. Salamat sa paghatid."  iyon lang ang sinabi ko at saka lumabas ng sasakyan. 

"Teka lang Je!"  pagpigil sa akin ni Kaysha pero hindi ako nagpapigil. Nakikita ko si Dinno, nagmamadaling lumapit sa akin. Mukha siyang galit na hindi ko maintindihan.

"Anong ginagawa mo Jelynne?" I gave him a confuse look. "I gave up my feelings because I accepted my defeat. I learn to believe that Renzo is your happiness, not me. But now, what happened?"

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon