Chapter 19.1*

1.3K 24 11
                                    

Chapter 19.1 

Nang magising ako, hinanap ko agad si Renzo sa kama pero wala na siya. Tsaka ko lang naalala na umuwi na nga pala siya kagabi pagkatapos ng hapunan. Nakakalungkot pero ganun talaga. May bahay pa rin siyang kailangang uwian.

Isang gabi lang naman iyon pero bakit parang ang daming nagbago. Everything about Renzo and me grew bigger and bigger. We've been close like we've knew each other even before. I never expected that we will reach this point, that we can each other's shoulder now.

I'm happy, very happy.

Halos tumalon naman ang puso ko nang makitang muntik na akong mabangga! Patawid na ako at hindi napansin na may padaang sasakyan. Hawak-hawak ko ang dibdib ko sa sobrang kaba. It was just an inch to death, kung hindi niya naimpreno agad- malamang pinaglalamayan na ako o kung hindi man, lasog-lasog na ang buto ko.

Nakatigil pa rin ang sasakyan at bumaba ang bintana nito. I was about to thank him/her but I was hold back when I saw her face. Siya na naman! Ang babaeng nagtaray noong isang araw sa akin.

Gusto kong isipin na sinasadya niya iyon!

"Do you really want to die?!"  ang bungad niya sa akin. "You know what, I can sue you! You didn't even use the pedestrian lane! Gosh!"  at saka sinaraduhan ulit ang bintana at mabilis na nagpatako.

Napairap ako! Ibang klase rin talaga siya eh no!

Nang makarating ako sa school napakaraming tao. Late akong nakapasok ngayon dahil ang bagal kong kumilos kanina. Hndi naman ako ganoon dati eh, ganoon ba sadya pag nagdadalaga? Hahaha, nye!

Ang daming taong pakalat-kalat. Busy ang lahat. May mga naglilinis, may tinatayong mga stall and everything. Tapos may mga posters tsaka nagkakabit ang mga banderitas pa. Fiesta ba?

Nakita ko si Kaysha na abala rin sa pagtatayo ng mga stalls.

"Kaysha!"   tawag ko sa kanya.

Agad naman niya akong niyakap. "Sorry. Sorry for not calling you yesterday. Nagkaroon lang kami ng biglaang meeting with the faculties. I wasn't with Reign yesterday. Actually, nag-intay nga siya nang napakatagal dahil akala niya uuwi na ako pero -- "

"Relax lang." nakangiti kong sabi sa kanya. Grabe, gustong matawa sa reaksyon niya! "Itatanong ko lang naman kung anong mayroon at busy ang lahat ng tao eh."

Binatukan niya ako.

"Aray! Bakit mo ako binatukan."

"Kinabahan ako sa'yo! Akala ko galit ka na naman."

"May magandang nangyari kahapon kaya good mood ako."

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon