Chapter 29 ~
Jelynne's POV
Lumipas ang mga araw at naging maayos na ang pagsasama namin ni Renzo. Feeling ko ay happy together na talaga kami. Yun nga lang, hindi pa rin kami legal. Ang sabi niya, palaging busy ang kanyang Daddy at wala itong panahon sa mga ganung klaseng bagay. At kahit ipakilala raw niya ako ay wala rin naman daw sense kasi wala raw itong pakialam sa kanya.
On the other hand, naipakilala naman niya ako sa Mommy niya na namayapa na. I think, that's the sweetest thing he has done for me. Sayang lang kasi hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na makilala siya. I know she also has a very good heart just like his son. Doon nga raw siguro nagmana si Renzo eh.
Haaaay, syempre, dahil naipakilala na niya ako ay nagsimulang makaramdaman ulit ako ng guilt. Hindi ko pa rin kasi naipapakilala formally kay Mama. Kung kay Lola, wala sanang problema eh. I still need some time to earn courage.
"Uhmm, Lola sasaglit lang po ako sa mall. Bibili lang po ng gifts for Christmas party." hindi ako pinansin ni Lola at sumilip muna sa bintana bago ako hinarap.
"Kotse ni Renzo ang nasa labas di ba? Sabay kayong mamimili?" parang nang-aasar na tanong sa akin ni Lola. Agad kong sumilip sa bintana at oo nga, kotse nga ni Renzo ang nasa labas. Ang bilis naman ng lalakeng 'yun!
"Makikisabay lang po." palusot ko.
"Talaga?" lumapit sa akin si Lola at inayos ang buhok. "Dalagang dalaga na ang apo ko eh, may nobyo na ata."
"L-lola naman!"
"Apo kita, Lola mo ako. Tayo ang mas madalas na magkasama dito sa bahay, kabisado na kita." tinapik niya ang aking balikat. "Oh siya sige, umuwi ka kaagad baka abutan ka ng mama mo na wala sa bahay, malalagot ka doon."
"Mabilis lang po 'to La, sige po. Bye!"
"Ingat!" at umalis na nga ako ng bahay.
Renzo's POV
Nakakapagtakang wala si Yoanna, walang nangungulit, walang nanggugulo. That's actually in my favor, mabuti na ngang wala siya, I feel like in my safe haven.
"Anak, tumawag si Ma'am Yoanna kanina, hinahanap ka, ang sabi ko nasa school ka pa hindi ko naman napansin na dumating ka na pala." Bungad sa akin ni Manang Ekay nang makalabas ako ng kwarto. "Tinatawagan ka daw niya sa cellphone niya ah, bakit hindi mo raw sinasagot?"
Inayos ko lang ang buhok ko pagkatapos ay ngumiti kay Manang, "Alam niyo namang ayaw ko sa babaeng iyon, palagi na lang akong kinukulit. Pag tumawag ulit, sabihin niyo di pa ako umuuwi. Sige po, una na ako!"
"Sige, mag-iingat ka!"
BINABASA MO ANG
Unexpected
Teen FictionWalang oras sa lalake si Jelynne. Kailanman ay hindi sumagi sa isipan niya na mainlove kung kanino man. Pero sa di inaahasahang pagkakataon ay bigla na lang tumibok ang puso niya, sa dati pang manliligaw ng kabigan niya na noo'y ayaw na ayaw niya.