Chapter 20~
"Whaaat?" halos maibuga naman ni Kaysha sa akin ang iniinom niyang iced coffee, nang mabanggit ko na natulog si Renzo sa bahay last thursday.
"Kalma lang, okay?" sabi ko sa kanya.
"Pasensya, na-carried away lang." nangingiting sabi niya. She lean closer to me, "Ano, may nangyari ba?" bulong niya sa akin. Hindi talaga maaari na hindi niya ako aasarin. =___="
"Pwede ba!" saway ko sa kanya. "Ganun agad ang tanong? Pwede bang itanong mo muna kung bakit siya nakitulog sa bahay?"
Naningkit ang mga mata niya at napilitang sabihing, "Osige na, bakit nga ba?"
"Hindi ko nga rin alam eh!" mabilis na sagot ko.
"Tingnan mo 'to, gusto mong tanungin kita tapos hindi mo naman alam ang sagot!" naiinis na ininom niya ulit ang kanyang iced coffee.
"Ang paliwanag kasi niya kay Lola ay may hindi inaasahang bisita raw siya. Gusto niya itong iwasan kaya nagtago muna siya. Sabi pa niya, kaaway raw niya yun. Hindi ko nga alam kung totoo yun o gumagawa lang siya ng kwento."
Natigilan si Kaysha na para bang may malalim na iniisip.
"Bakit, anong iniisip mo?" tanong ko.
"Naisip ko lang, kung nung thursday night siya nakitulog sa inyo, di ba nung thursday ng hapon natin nakita yung girl na biglang yumakap kay Renzo?"
Napaisip ako, oo nga!
"You mean, posibleng yun yung girl na tinutukoy ni Renzo na kaaway niya?"
"Hindi lang posible! Talagang siya na yun!" nakangiting sabi niya sa akin. "I told you, that girl is not his girlfriend."
"But it doesn't mean na ako na ang gusto niya." hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong nalungkot nang maisip yon.
"Wag mong sabihing iniisip mo na ako pa rin ang gusto niya?" natatawang tanong nito.
"Bakit? Posible naman yun ah!"
"Hahaha! Ano ka ba, may Reign na ako."
"Hindi ko naman sinasabi na may gusto ka kay Renzo. It's the other way around."
"I promise, wala na yun! Kung may nararamdaman siya sa akin edi sana nangungulit pa rin siya sa akin. Nagkausap nga lang ulit kami noong nagka-away tayo at sinabing nahihirapan ka na raw dahil sobrang miss mo na ako. See? He cares for you, concerned siya sa'yo!"
Natahimik ako sa mga sinabi niya kasi may posibilidad din naman na baka nga wala na siyang nararamdaman kay Kaysha at napunta na iyon sa akin. Pero ayaw kong mag-assume. Hindi dapat ako nag-aasume!
"Okay, ganito na lang. Sagutin mo ang mga tanong ko."
BINABASA MO ANG
Unexpected
Teen FictionWalang oras sa lalake si Jelynne. Kailanman ay hindi sumagi sa isipan niya na mainlove kung kanino man. Pero sa di inaahasahang pagkakataon ay bigla na lang tumibok ang puso niya, sa dati pang manliligaw ng kabigan niya na noo'y ayaw na ayaw niya.