Chapter 25*

1.3K 26 16
                                    

Chapter 25 ~

Today is supposed to be the start of our sembreak pero heto kami ngayon, nasa school pa rin. Actually, si Kaysha lang naman ang kailangan dito eh. Officers are required to send their reports about sa katatapos lang na October Fest. Isinama lang ako ni Kaysha, because you know? Trip niya lang! =____="

Pagkatapos niyang magsubmit ng papers sa faculty ay umalis na rin kami agad. Ano ba yun! Wala pang limang minuto ang itinagal namin dito. Sayang naman pamasahe, well nilibre naman ako ni Kaysha kaya okay lang pala. Hahaha! Ang oras ko pala ang nasayang. Hays.

"Cr lang ako."  sabi ko kay Kaysha nang makalabas kami sa faculty.

"Hintayin na lang kita sa may gate, okay lang ba? Nandyan na kasi si Reign."  at heto na naman siya parang naeexcite sa pagdating ni Reign. Parang hindi nagkita kahapon ah!

Napilitan naman akong tumango at kumaripas naman siya ng takbo. Tinungo ko na ang pinakamalapit na Cr at paglabas ko ay sa may locker ako napadaan.

Hindi ko sinasadyang mapatingin sa locker ko, napansing kong may nakasingit sa gilid ng padlock. Matagal na rin nang huli akong nakadaan dito, bago pa mag Halloween Party.

Post-it-note saying: This is just the start of everything. I promise, I will make you mine.

Napangiti ako. Make me his? Sus! Ano ba Renzo,  I'm already yours!

 

Hindi maalis ang ngiti ko habang isinisipito ito sa wallet. Bakit ba ang bilis kong kiligin sa mga maliit na bagay? Tsk!

Naglakad na ako nang mabilis dahil alam kong hinihintay na ako ni Kaysha. Hmm. Pero siguro hindi naman siya maiinip dahil nandoon na si Reign.

Napabalikwas ako nang biglang may nagtakip ng mata ko.

"Hey! Sino to?" pilit kong tinatanggal ang kamay niya pero sadya namang napakahigpit nito.

Pilit kong kinapa ang kamay niya. Pamilyar! "Ahhh, Renzo! Bitawan mo nga ako."

Narinig kong tumawa siya at saka niya tinanggal ang kanyang palad sa'king mata.

"Sinasabi ko na nga ba eh!"  ang sabi ko sabay hampas sa kanya.

"Paano mo nalamang ako ito? Siguro crush na crush mo na ako dati pa kaya kilalang kilala mo na ako!"  pang-aasar niya.

"Ang kapal talaga ng mukha mo!"

"Pero guwapo?"  nakangiti pa rin niyang saad, nakakainis!

"Oo. Gwapo! Sobrang gwapo!" sarkastikong pananalita ko.

"I know, I know." at hinagod niya ang kanyang buhok.

Naningkit naman ang mata ko.

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon