CHAPTER TWENTY - REVELATION AND REALIZATION
Thewriter'spointofview:
Gusto ko sanang paghiwalayin yung revelation and realization para maging dalawang chapters pero wag na lang,pagsamahin na lang.Haha. Dedicated ko pala yung chapter na toh kay Choi na napamura sa takbo ng storya. Ang ganda daw kasi...waaahhh pare salamat. Sana mapanindigan ko to. Sa mga readers ko.Hindi po bawal magiwan ng comment..nakakatuwa kaya magbasa..salamat po.
Chapter twenty
---
BRYLE'S POV
"That after the accident. Rie also loss her memory..."
Tulalang dahan dahan na lang akong umalis mula sa balak ko sanang pagpigil kay Bianca ng kung anumang gusto nyang sabihin..
Sinundan ko kasi si Acin kanina.Kaya narinig ko kung paano sya pinigilan ni Bianca sa balak na pag alis.
Hindi ko akalain na...na hindi lang pala puro paghihirap ko ang mababangit sa usapan kundi paghihirap ng babaeng inakala kong naprotektahan ko mula sa sakit ng kalooban...
Mali ako...nagkamali na naman ako.
Yun yung paulit ulit na naiisip ko habang walang tiyak na dereksyon yung paa ko kung saan pupunta.
Tanging yung tungkod ko lang na umaalalay sakin ang katulong ko sa pagkapa ng daan.
She loss her memory?
Oo alam ko na naaksidente si Rie but losing her memory was not included in the report that was given to us years ago.
Kasalanan ko. Kung hindi sana ko umalis baka sakaling...baka sakaling...
Sumasakit yung ulo ko sa kakaisip ng mga bagay bagay. Sandali akong huminto mula sa walang kasiguruhan kong paglakad..
Hindi ko alam kung nasan na ko o kung nakalayo nga ba ako sa bahay o umikot lang ako sa paligid nito.
Nanghihinang napabuntung hininga na lang ako sa inis dahil sa nangyayari at sa kawalan ng silbi...
"DAMN!!!I'M USELESS!!"
"Bakit mo naman nasabi yan?"
Wala akong naramdamang taong dumating o tumabi man lang sa'kin kaya nagulat ako ng may bigla na lang may magsalita sa may gilid ko.
"Nagulat ba kita? Sorry ah akala ko naman naramdaman mo yung pagdating ko pero mukhang malalim pala yung iniisip mo...hmm teka bakit nandito ka sa park? Gabi na ah?"
"Nasa park ako?" Takang tanong ko.Hindi ko kasi inakala na ganun kalayo na yung nalakad ko.
"Yap we're in the park. Hindi mo alam???" Takang tanong ng babaeng bigla na lang sumulpot sa tabi ko.
"Teka bakit wala kang kasama? O wala nga ba talaga? Baka naman inutusan--
"Hindi. Mag isa lang talaga ko." Malungkot kong sabi sa kanya.
"Hmm..problem? Tsk! May problema ka noh? Kaya kahit alam mong delikado na mag isa ka lang. Umalis ka pa rin."
Hindi ako sumagot sa tanong nya at tahimik lang na nanatili lang ako sa pagkakatayo ko.
Akala ko sa tagal kong di sumasagot nainis na sya at iniwan ako kaya nagulat na naman ako ng may humawak sa may braso ko at hilain ako kung saan.
"Tara maupo na lang tayo mukang napagod ka kalalakad eh."
Hindi nya ko binitawan hanggang sa makaupo na kami.
Ilang sandali ang lumipas at pareho lang kaming tahimik hanggang sa di na yata sya makatiis.
BINABASA MO ANG
CONFESSION TO A STRANGER (COMPLETED)
General FictionSimple lang naman ang gusto ni Rie sa buhay,ang makatapos ng pag-aaral,makapagtrabaho at magpakasal sa lalaking pinakamamahal nya...but then,may mga bagay talaga sigurong hangga't pinaplano mo,hindi natutupad...because the man of her dreams DIED...