Chapter Thirty Five- 'Till another lifetime

168 6 0
                                    

Chapter Thirty Five- till another lifetime

"Wag ka magalala pare,babalik din naman kami agad."

Mas lalong nadagdagan ang kunot sa noo ni bryle nang marinig yung sinabi ni Arthur.

Mabilis na hinila nya ako mula sa pakakaakbay ni arthur at parang batang yumakap sa akin.

"Wag mo sya hawakan."

"Bryle---"

"Nagseselos ako!"

Malawak na napangiti ako sa sinabi nya at dahan dahan kumawala sa kanya at hinawakan ang magkabila nyang pisngi.

Magtatangka pa sana syang magsalita pero mabilis ko ng nailapat ang mga labi ko sa kanya na ikinatahimik nya.

"Talagang sa harap ko pa?"
Narinig kong reklamo ni Art.

"Wag ka mag alala,makikita mo na rin naman si Echo mamaya." Nakangiting sabi ko na lang sa kanya.

"Babalik din kami agad. Huwag ka ngang parang sira dyan. Saka ikakasal na si Arthur,right Art?"

"Yap,but I can still---"

Nanlalaki ang mga matang binantaan ko sya sa balak pa nyang sabihin.

Natatawang nagtaas lang sya ng kamay na animo sumusuko at nauna ng sumakay sa kotse.

"So?"

Nakangiti kong baling kay Bryle na waring nagtatanong kung okay lang ba talagang sumama ako.

Nabuntung hininga muna sya bago ako muling hinila palapit sa kanya.

"Alright,I'll just wait for you here. Take care okay?"

Sunod sunod lang na tumango ako sa kanya at sumunod na kay Art.

"Problema mo?" Nakataas ang kilay na bati ko sa kanya pagkasakay na pagkasakay sa kotse nya na ikinatawa lang naman nya.

"What?I'm just kidding him Rie,hindi ko kasalanan kung masyado kong gwapo para pagselosan nya.

"Really Art?" Naiinis na hinampas ko sya sa balikat na mukhang hindi naman nya ininda dahil patuloy pa rin sya sa pagtawa.

"Kung hindi lang talaga dahil kay Echo,hindi talaga ko sasama sayo. Lagi mo na lang ako iniinis. Bahala ka,pag nagkita kami sasabihin ko talagang hiwalayan ka na nya at wag ng magpakasal sayo."

"You won't do that honey, I know."

"Wow lakas ng confidence huh,what if  gawin ko talaga?"

"Well,okay lang. I know naman na she won't back out,that's how much she loves me."

Then he wink at me.

Natawa ako ng malakas dahil sa taas ng confidence nya. Simula ng malaman ko isang buwan na ang nakakaraan na ikakasal na sya,hindi na naalis alis ang ngiti nya sa labi,palagi na lang na masaya sya at kahit na anong gawin kong pang aasar sa kanya ay walang epekto.

Napapangiting napatanaw na lang ako sa labas ng maisip kung gaano kabilis ang panahon at kung gaano kami kasaya ngayon.

"Excited ka na noh?"

Hindi mapigilan kong tanong ng makitang abot tenga ang ngiti nya mula sa pagmamaneho,bahagyang tumingin sya sa gawi ko at tumango.

"Sobra,siguro ganito rin ang naramdaman mo nang bago kayo ikasal ni Bryle noh? Parang lahat maganda,lahat masaya. Parang walang oras na malungkot ka kasi your always looking forward for the future with that person. Ang sarap sa pakiramdam Rie. Sobra."

CONFESSION TO A STRANGER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon