Chapter Seventeen- 5 years later

336 10 5
                                    

Chapter Seventeen

5 years later...

Today... I think I totally lost my heart. I lost it and I don't know if it is possible for it to be found. I let myself fall and as I expected I got wounded. Deep and painful. I'm bleeding and yet no one seems to notice it. The worst part of falling in love is that...sometimes...you already know the fact that nobody's gonna catch you and yet you still hope that there is.You got hurt and still think that it's a lesson in life. Yes! Maybe you learned by getting hurt but the scar it had would never ever go away...

Mariing naipikit ko ang mga mata ko habang nakatitig sa mga salitang nabasa ko sa monitor ng computer ko! Bigla rin akong naigilan ng maramdaman ang pamamasa ng mga ito. Nagtatakang napatingin ako sa salamin ng cabinet ko sa bandang kaliwa ko at kunot ang noong napatitig doon.

Am I crying? Pero bakit?

 Agad na ibinalik ko ang tingin sa computer at naiiling pinatay na lang iyon. Hanggang ngayon ay hindi ko maintindihan kung bakit paulit ulit ko paring binabasa ang blog na hindi ko naman matandaang isinulat ko. Ang nakakainis pa doon ay palagi na lang akong umiiyak sa tuwing mababasa ko ang ilan sa mga nakasulat doon. 

Weird!

Naiiling na nag ayos na lang ako ng sarili at nagpasyang lumabas ng bahay dala dala yung notebook ko na sinusulatan ko ng kanta. Bahagya pa akong napangiti ng masilayan ang maaliwalas na kalangitan.

"Mama! Lalabas lang po muna ako!" Hindi ko na hinitay ang sagot ng nanay ko at deretso ng pumunta sa park na malapit sa bahay namin. Bahagyang nalukot lang ang ilong ko ng makitang may nakaupo sa paboritong pwesto. naisip kong maupo na lang sa ibang bench ng lugar pero hindi talaga ako masiyahan kaya nagtangka na lang akong makishare sa lalaking wala namang ginagawa at tahimik lang na nakaupo.

"Hello!Pasensya ka na pero pwede bang makiupo dito sa tabi mo?" Walang kibong tumango lang yung lalaki na kanina pa nakaupo sa bench na yun at hindi man lang ako pinagkaabalahang lingunin.

Nagkibit balikat na lang ako at tahimik na naupo sa bandang dulo niyon.

Tahimik lang kaming  pareho sa mga sumunod na oras.

Yung lalaki,patuloy lang na nagmamasid sa paligid kahit na nga parang wala naman dun yung isip nya samantalangako  ay nakangiting tumitingin din sa paligid habang may kung anong isinusulat sa notebook na dala ko...

May mga oras na tinatapik ng mga daliri ko yung notebook na para bang gumagawa ako ng mahinang musika mula dito.

Ilang sandali pa ang lumipas...unti unti ng kumokonti ang tao sa park. Nagsimula na rin akong magligpit ng gamit ko ng biglang may pumatak sa pisngi ko.

Umaambon 

Mahinang sabi ko...

Tinapos ko na ng mabilis yung paglalagay ng gamit ko sa bag pagkatapos ay nagtangka ng umalis pero pagkabukas ko ng  payong. Nagtatakang napalingon na naman ako sa lalaking kanina pa din nasa kabilang dulo ng bench pero hindi naman din nagsasalita dahil hindi man lang ito nagtangkang tumayo para sumilong.

Napakibit balikat na naman ako at tuluyan ng tumalikod paalis.

Pero nakakailang hakbang na ako ng hindi ako makatiis at bigla akong pumihit pabalik sa pinanggalingan ko.

"Ah mister!Wala ka bang balak sumilong?Alam nyo na,nakikita nyo naman medyo papadilim na,concern citizen lang naman ako,baka kasi magkasakit kayo?" Alanganing sabi ko.

Ilang sandali ang lumipas pero hindi man lang nagsalita yung lalaki mula sa sinabi ko. Naiinis na napaismid na lang sya at nagtangka na ulit umalis.

CONFESSION TO A STRANGER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon