Chapter Twenty three - Confrontation
Bryle's POV
Nanlalamig ako. Pati pawis ko pakiramdam ko buo buo ang pagpatak sa katawan ko.
Nahihirapan din ako huminga...
Mamatay na ba ko?
"Pwede bang huminga ka? Para hindi ka matuluyang mawalan ng buhay okay? Hindi naman kita kakagatin."
Mas kinabahan ako lalo ng magsimulang magsalita na sya.
Oo. Kaharap ko sya ngayon. Isang lamesa lang ang nakapagitan sa amin. Totoong kaharap ko na sya ngayon.
"Relax.I won't bite!I swear."
Dahan dahan akong huminga ng malalim at oo hindi ko sya nakikita pero hindi ko alam kung bakit parang may pumipiga sa puso ko ng marinig yung boses nya.
She's so calm. Dapat matuwa ako diba? Dahil wala akong maramdamang galit sa kanya pero hindi ko magawang tuluyang matuwa dahil sa palagay ko pati ako tuluyan ng nawalan ng halaga sa kanya.
"Sir Bryle..Ahm I mean Bryle, pasensya na nasanay kasi ako na tinatawag kang ganun dati. Oh well past is past."
"I'm sorry!"
Natigilan sya sa sinabi ko pero hindi ko sya narinig na nagsalita.
Pakiramdam ko tumitig lang sya sakin. Parang nag iisip ng kung anong sasabihin pagkatapos nagsalita ulit sya.
"Gusto kitang tanungin ng bakit?Ng maraming bakit. Yung maraming maraming maraming bakit pero naisip ko,wag na lang. Kasi naman kapag naungkat na naman,babalik lang ulit lahat ng sakit at baka yun, baka this time hindi ko na kayanin.
Nainis ako na gusto mong makalimutan na lang kita. Huwag ng magpakita para magpaliwanag pa sakin pero naisip ko para saan pa nga ba na mag usap tayo? Wala na eh. Nangyari na. Tapos na. Ayoko na. Sana nga hindi ko na lang kayo pinigilan kanina. Sana hinayaan na lang kita sa gusto mong mangyari para wala ng ganitong harapan ang nangyayari kaso matigas din yung ulo ng bibig ko eh mas nangunguna kesa sa isip ko.""Rie... " Tawag ko sa kanya.
"Tama na... wag na nating pahabain pa to. Let's just forget each other as you wanted. Let's pretend like as if we've never met."
"I'm sorry Rie. " Mahirap sa'kin na marinig yung desisyon nya. Totoo na yun ang gusto ko mangyari pero ang marinig yun mula sa kanya... mula sa babaeng mahal na mahal ko pa rin hanggang ngayon, nakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na sakit sa dibdib ko.
Hindi ko nakikita yung mukha nya pero ramdam kong hindi pa rin sya umaalis sa pwesto nya.
Tahimik lang kaming pareho ng mga sumunod na sandali. Parang walang gustong bumasag sa pananahimik naming dalawa.
Gusto ko sanang simulang magpaliwanag sa kanya pero tulad ng sabi nya. Tama na. Wala na rin naman mangyayari babalik lang ulit ang sakit at yun ang iniiwasan kong mangyari, ang masaktan lang sya ulit.
"So paano ba yan.I guess this is goodbye now? "
"Rie.. "
"Start forgetting the past by forgetting my name first. Bryle... goodbye."
Parang hindi na naman ako makahinga pagkarinig sa yabag nya papalayo. Hindi ko na din napigilan pa yung patak ng luha ko.
Is this really the end?
---
RIE'S POV
Konti na lang Rie. Pigilan mo lang, kaya mo yan ,hinga ng malalim okay??
BINABASA MO ANG
CONFESSION TO A STRANGER (COMPLETED)
Genel KurguSimple lang naman ang gusto ni Rie sa buhay,ang makatapos ng pag-aaral,makapagtrabaho at magpakasal sa lalaking pinakamamahal nya...but then,may mga bagay talaga sigurong hangga't pinaplano mo,hindi natutupad...because the man of her dreams DIED...